Chapter 3. Black Order

506 15 6
                                    

Lucy's POV

"ANO?!!!"

"BINGI KA BA? ANG SABI KO NANDITO TAYO SA BLACK ORDER! PAULIT ULIT LANG?! UNLI KA EH!!!" naiinis na sigaw ko sa kanya.

"ANO BA! WAG KA NANG SUMIGAW DIYAN! AT SAKA HINDI AKO BINGI! SADYANG NAGULAT LANG AKO!" sigaw naman pabalik sa akin ni Ryuu.

"Tse! Whatever Mr. PMS." naaasar na sabi ko sa kanya sabay irap.

"Anong sabi mo?!"

"Ang sabi ko whatever MR. PMS." diniin ko talaga ang Mr. PMS. Pang-aasar lang.

bleh :P

"Aish! Nagsasayang lang tayo ng oras. Bakit ba tayo nandito?"

Ay! Change topic agad si kuya. Hahahaha. Halata naman sa mukha niya na naiinis siya. Hahahaha. One point for the cutest girl in the whole world, Lucy! Bwahahaha!

"Ehem-ehem. Diba marami kang tanong?" tanong ko sa kanya.

nod

nod

"Kaya nandito tayo ay para masagot yang bumabagabad sa utak mo. Pero hindi ako nakakasiguro na lahat ng mga tanong mo ay masasagutan ko. Maliwanag ba?" bumalik na  naman ang pagka- sensei ko.

[a/n: sensei means teacher]

"Yeah..." seryosong sagot ni Ryuu.

Nagsimula na akong maglakad papunta sa main door ng Black Order. Actually, kung titignan mo ang building sa labas ay akala mo ay mga demons ang nakatira dito imbis na mga exorcist sa sobrang kalumaan. Pero kapag pumasok ka na ay parang 5-star hotel sa ganda.

Nandito na kami sa harap ng main door nang may biglang lumapit sa akin na demon. Maliit ito at kulay yellow. It has two wings and a long tail. Yung hugis ng katawan niya ay bilog at  may guhit na cross dito. Ang cute!

Biglang kinuha ni Ryuu ang kayang samurai at akmang lulusubin ito nang sanggain ko iyong ng aking espada.

"Hoy! Anu ba ang ginagawa mo? Umalis ka nga't papatayin ko yang akuma na iyan!" galit na galit na sabi ni Ryuu.

[a/n: akuma means demon]

"HUMINAHON KA NGA DIYAN! Nakalimutan mo na ba?! Nakakakita ako ng akuma within 200m diameter. If I we're you, I'll immediately keep back my samurai." I seriously said to him.

Sinunod niya ako at saka tumingin ng masama sa demon. Pumasok na kami sa loob and started walking on the long aisle.

"Hoy isip-batang sensei! Bakit mo isinama yang akuma na iyan. Diba trabaho mong patayin ang mga akuma?" sabi ni Ryuu sa akin habang nakatingin ng masama sa cute na akuma.

Grabe! Kanina pa kami nag-uusap dito pero hindi niya alam ang pangalan ko?!

facepalm

"For your information MR. PMS, Lucy po ang pangalan ko! LUCY! Ibagsak kaya kita diyan sa pagiging exorcist mo." pananakot ko sa kanya.

"Ah-hehehe. Hindi na po mauulit sensei." see?! isang pananakot lang, tiklop na agad. Yan ang mga powers ng mga sensei. Bwahahaha.

At dahil sensei mode ako ngayon ay ipush mo na yan teh!

"Ang akuma na iyan ay hindi pangkaraniwang akuma na kadalasang nakikita mo. It's a familiar. There are two kinds of akuma, the white akuma and black akuma. Ang mga pinapatay ng mga exorcist ay mga black akuma o bad demons. Sila yung pumapatay ng tao. On the other hand, white akumas are hard to find. Kapag may lumapit sayo, ibig sabihin nito ay gusto niyang magpaalaga sa iyo. Kapag pumayag ka ay magiging familiar mo ito. Kapalit ng pag-aalaga mo sa kanya ay poprotektahan ka niya laban sa mga akuma. Parang side-kick ikanga." mahabang paliwanag ko sa kanya.

Cross Exorcist AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon