Ako'y sayo, ika'y akin (Ken)

140 6 0
                                    

"AKO'Y SAYO, IKA'Y AKIN"
(KEN SUSON ONE SHOT)

Ken Suson as himself
You as Rica ann

"Suson!" tawag ko sa labas ng bahay nila. Takte ang tagal lumabas, may magandang sasabihin pa naman ako sa kaniya.

Nakita kong lumabas ng bahay nila yung Lola niya. Binuksan nito ang gate at ngumiti ako ng pagkalaki laki.

"Hi, 'la" bati ko sa kaniya.

"Eh ano bang ginagawa mo rito, Rica ann? Ke-aga aga" nagmano ako sa kaniya paglapit ko. Mahirap na future grandmother in law ko pa naman 'to, chaaaar.

"Eh si Felip po ang sadya ko dito" sabi ko sa kaniya. Pinapasok niya ako sa loob ng bahay nila.

"Yung asawa ko?" natawa ako kay lola. Makaluma naman kasi ang pangalan ni Ken, hinango ata yon sa pangalan ng lolo niya.

"Hindi 'ho, lola. Si Kenji po" natawa din siya sinabi niya. Pinapunta niya ako sa kwarto ni Ken dahil tulog pa raw ito. Parang sira naman 'to, siya may sabing maaga kami ngayon tapos tulog pa siya. Baka anong oras na 'tong umuwi kahapon dahil sa sched nila ng SB19.

Napatingin ako sa mukha niya. Napakaaliwalas. Ang dami ng nahuhumaling sa mukhang nasa harap ko. "Manhid mo" nasabi ko na lang.

Hinaplos ko ang ilong niya hanggang sa tip nito. Napakagwapo naman talaga ng bestfriend ko. Hindi niya nga lang pansin na may gusto ako sa kaniya. Haaaaays. Nagdesisyon na akong wag na siyang gisingin tutal mukhang pagod na naman siya kahapon. Tatayo na sana ako sa pagkakaupo nang bigla niyang hinawakan ang wrist ko.

"Saan ka pupunta?" inaantok niya pang sabi.

"A-aalis na" sabi ko. Kinakabahan ako sa hindi ko alam kung bakit.

"Kanina ko pa naririnig ang boses mo, may lakad tayo diba?" tumango ako sa sinabi niya pero teka,

"Kanina ka pa gising?" gulat kong tanong sa kaniya. Sheet, baka mamaya narinig niya yung sinabi kong manhid siya tapos sa ginawa ko pa kanina. Damn.

Nag-iwas siya ng tingin saakin. "H-hindi, tulog pa pala ako kanina" naningkit ang mata ko sa sinabi niya.

Hinampas niya saakin yung unan niya, "Kung ano-ano naririnig mo!"

"Aray ha? Ang baho ng unan mo, palibhasa kaamoy mo yan" hinila niya ako pahiga sa kama niya.

"Anong sabi mo? Paamoy ko pa sayo 'tong pabango ko eh," nilapit niya saakin yung katawan niya. Well mabango naman talaga siya kahit bagong gising lang siya. How to be you po?

"Oo nga pala, bilisan mong mag-ayos, Mr. Felip Jhon Suson. Dahil ang mga tuturuan mo ay nasa meeting place na natin" bumangon na ako sa kama niya at inayos na yung suot kong damit. Sya rin ay ganoon din ang ginawa. Lumabas na ako ng kwarto niya at nagdesisyong sa sala na lang siya hintayin.

Yung puso ko ang bilis ng tibok. Parang may karera sa bilis nito. Paglabas ko ng pinto ay napahawak agad ako sa dibdib ko. "Ano ba namang Suson iyon. Nakakakaba ha? Haaaaays" bulong ko saakin sarili.

Di rin naman ako nagtagal sa paghihintay dahil pagkatapos ng tatlumpung minuto tapos na agad siya sa pagligo. Aba ang bilis niya ngayon ha? Minsan kasi umaabot siya ng isang oras sa pag-aayos kaya palagi siyang late kapag may meeting o practice sila sa ShowBT.

"Bilis ha?" natatawa kong sabi sa kaniya. Dumiretso siya sa kusina, sumunod naman agad ako sa kaniya. "Oh"

Inabutan niya ako ng isang sandwich na pinalamanan niya. Kinuha ko naman ito sa kaniya. "Kape?" alok niya. Umiling agad ako. Nako po, kapag natikman niyo lang ang kape ng isang 'to sobrang tamis.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 07, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SB19 One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon