Angelica as you
Stellvester Ajero as himself~~~.~~~
Angelica's POV
Maaga akong nagising dahil may schedule sila Kuya Stell ngayon at gusto niyang nandoon ako. May lakad sana ako ngayon pero dahil sa request ni Kuya Stell kailangan kong ikansela iyong lakad namin ng manliligaw ko para kay Kuya.
"Hindi ka pa ba ayos diyan?" katok ni Kuya sa pintuan ng kwarto ko.
"Saglit lang ito na," minadali ko ng suklayan yung buhok ko.
Pagtapos kong magsuklay kahit gulo gulo pa ang ibang buhok ko, inayos ko na yung sling bag na dadalhin ko. Parang sira naman kasi si Kuya. Ayaw niya akong pumupunta sa mga events nila dahil baka daw kuyugin daw ako maganda pa naman daw ang kapatid niya, enebe. Pero nung nalaman niyang may lakad ako ngayon kasama yung manliligaw ko na hindi niya pa nakikilala, ayown binitbit na ako sa event nila ngayong araw.
"Hoy, Angge. Ang tagal mo diyan, malelate na ako at baka maiwan pa ako ng van" katok ulit ni Kuya. Binuksan ko na agad yung pinto at baka maalburoto na si Kuya Stell.
"Ito na!"
Hinalughog ko muna yung sling bag ko kung nandito na ba lahat ng gamit na dadalhin ko. Pulbo, check. Liptint, Check. Suk-- Napatingin ako kay kuya Stell na nakanganga sa harap ko. Hindi ba siya makapaniwala na ang ganda ng kapatid niya?
"Kuya Stellevester, alam kong maganda na ako. Tara na, nagmamadali ka diba?" nauna na akong maglakad sa kaniya naabutan naman niya ako pero naramdaman kong sinusuklay niya yung buhok ko.
"Sabi ko bilisan mo lang sa paglabas at hindi sa pagsuklay, lil sis" sabi niya habang sinusuklay ang mahaba kong buhok.
"Nagmamadali ka kaya tsaka isa pa wala ka namang sinabi eh" angal ko sa kaniya. Naabutan namin sa sala si mama. "Hi, ma" hinalikan ko siya sa pisngi.
"Hello, bunso. Aalis na kayo ng kuya mo?" tumango ako. Napatingin si mama kay Kuya Stell na sinusuklay pa rin ang buhok ko. "Ano ba yang ginagawa mo sa kapatid mo, Stellevester?"
"Eh, ma, ayoko siyang isama na buhaghag ang buhok, ano na lang sasabihin nila Sejun kapag nakita ang kapatid ko. Ang panget? Nagmana sa kuya? Ayoko nga!" sinamaan ko siya ng tingin. Ayaw naman niya talaga akong isama dito sa event na 'to. Inakbayan ako ni Kuya Stell.
"Kung hindi mo na lang kasi ako isama, diba?"
"Kaya pwede kayong magdate ng manliligaw mo? Hindi pwede! Sinabi ko naman kasi sayong bawal ka pa magpaligaw, kami muna ang lalaki sa buhay mo. Ewan ko na lang kapag nasaktan ka diyan. Sasama ka saakin sa ayaw at sa gusto mo! Maliwanag?!" napatango na lang ako. Ang istrikto naman kasi ni Kuya Stell feeling si pala. Tsk.
~~.~~
"Wag kang lalayo kila tita Grace, okay? Diyan ka lang sa tabi nila. Kukutusan kita kapag nawala ka diyan" bored na lang akong tumango sa kaniya. Nameet ko rin kanina ang SB19 na kagrupo ni Kuya Stell. Ang cute nga ni Kuya Ken kaso masyado akong nilalayo ni Kuya sa mga kagrupo niya, mahirap na daw baka magkagusto pa saakin yung isa sa mga kaibigan niya.
"Hi, Angelica" bati ng isang fan saakin. Nag-hello naman agad ako. Pansin ko rin na may mga kumukuha ng picture saakin. Nakita ko naman agad ang bakanteng upuan sa tabi ni tita Grace, umupo naman agad ako doon. Naghello saakin si Tita pati na sila Alex na kapatid ni Kuya Sejun.
Nag-umpisa na nga ang mallshow nila. Ang daming nagmamahal kila Kuya. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Hanggang 4th floor ng mall may mga fans. Parang dati lang hindi pa sila kilala but now when I listen everywhere puro pangalan na nila ang naririnig kong pinag-uusapan. Well, I'm happy for that kasi natutupad na ang pangarap ni Kuya Stell pati na nina Kuya Josh, Kuya Justin, Kuya Ken at Kuya Sejun.
Napatigil ako ng makita ang taong dapat kasama ko ngayong araw na may kasamang iba at magkahawak pa sila ng kamay. Mabilis akong tumayo at lumapit sa kanila. Narinig ko pang tinawag ako ni Tita Grace pero hindi ko na pinansin iyon. Umalis ako sa mallshow nila Kuya at lumapit sa kanila.
Nagulat pa siya ng makita ako. Masakit syempre saakin, mahal ko na siya eh kahit bawal pa sabi ni Kuya Stell. Sinaway ko si Kuya Stell para sa kaniya, para saaming dalawa.
"Angelica, a-anong ginagawa mo dito?" tanong niya saakin pero nakatingin lang ako sa magkahawak nilang kamay.
"Sino siya, Babe?" tanong ng babae. Doon palang nakumpirma ko na. Tumakbo ako palabas ng mall, palayo doon, palayo sa kanila. Dapat sinunod ko na lang si Kuya Stell.
Pumara ako ng taxi at nagpahatid sa address na sinabi ko. Patuloy sa pagtuli ang luha ko, hindi ko pa rin matanggap, nasasaktan pa din ako.
Pagpasok ko sa loob ng bahay ay dumiretso agad ako sa kwarto ko, nagulat pa nga sila papa at si mama ng makita ako. Pero hindi ko na sila pinagtuonan ng pansin.
Umiyak ako ng umiyak sa loob ng kwarto ko. Katok ng katok sila mama pero ayokong buksan. Ayoko muna ng kausap ngayon.
"Anak, yung manliligaw mo nandiyan sa labas. Hinahanap ka" rinig kong sabi ni mama.
"Pauwiin mo muna, ma. Ayoko siyang makita" sigaw ko. Pansin siguro ni mama ang paghikbi ko.
"Okay ka lang ba, anak?" sa tanong ni mama bumuhos yung luha ko. "Everything will be alright, okay?"
Hindi ko na ulit narinig pa ang boses ni mama sa labas. Makaraan ng tatlumpung minuto may narinig na lang akong nagsisigawan sa labas kaya mabilis akong lumabas ng kwarto at tinignan ang nangyayari.
"Ang lakas mo pa talagang pumunta dito!" nakita ko si Kuya Stell na sinisigawan ang ex manliligaw ko. "Tanga, di ka bagay sa kapatid ko! Lumayas ka dito!"
Susuntukin niya pa sana ito pero mabilis akong lumapit sa kanila. "Kuya! Tama na!"
"G*go ka, lumayas ka bago ko pa mabangasan yang mukha mo! Ang lakas mong lokohin kapatid ko!" galit na galit si Kuya Stell. Ngayon ko lang siya makitang ganyan kagalit.
Umalis na nga siya. Inalalayan naman ako ni Kuya papasok kasi iyak na talaga ako ng iyak. Pinaupo niya ako sa kama ng kwarto ko.
"Ang kapal talaga ng mukha nang lalaking yon! Sabi ko naman kasi sayo diba? Lolokohin ka lang non, di ka kasi nakikinig eh" pangaral saakin ni kuya.
"S-sorry, kuya. I-I didn't know" humihikbi kong sabi kay Kuya Stell. Lumuhod sa harap ko si Kuya Stell at pinunasan ang mga luha sa mata ko.
"Ssshhh, tahan na, nandito na si Kuya" niyakap niya ako kaya niyakap ko rin siya pabalik. Umiyak ako sa bisig niya. "Family is more important, okay? Kaya kahit anong mangyari nandito lang kami lalo na ako na Kuya mo. Hayaan mo na siya, wala siyang kwentang lalaki. Hindi siya nababagay sa maganda mong mukha, okay? Ang panget mo na nga umiiyak ka pa. Punasan mo nga yang mukha mo at ilong ang uhugin mo talaga"
Pinunasan ko yung mga luha sa pisngi ko. Ito yung gusto ko kay Kuya Stell. Pinapasaya niya ako sa tuwing may problema ako. Kaya mahal na mahal ko siya.
"I love you, lil sis" dinampian niya ng halik ang noo ko.
Lumipas ang buwan at nagfocus lang ako sa mga mall show nila Kuya Stell kaya napapalapit na rin ako sa ibang SB19 members lalo na kay Ken. Well masasabi kong magkaibigan na talaga kami, ayaw na niyang tinatawag ko siyang Kuya. Inaamin kong kinikilig ako, crush ko siya eh. Ang problema lang, ayaw ni Kuya Stell na may magkagusto saakin sa mga kaibigan niya kaya hangga't maari umeepal siya kapag nag-uusap kami ni Ken.
Nandito ako sa harap ng stage, mallshow kasi nila at vinivideohan ko silang lima habang kumakanta ng Hanggang sa Huli. Napatingin ako kay Ken na nakatingin din pala saakin nung part na niya.
"Tanging pag-asa ko'y biglang naglaho, ngunit pag-ibig ko'y di nawala" ngumiti siya saakin kaya ngumiti din ako.
Napatingin naman ako sa gawi ni Kuya Stell na ang sama na ng tingin saakin. Napaiwas ako ng tingin parang sinasabi niyang, 'Hoy, Angge. Umayos ka pinapanood kita'. Haaaaays. Takot ko na lang kay Kuya Stell.
Well kahit ganyan yan si Kuya. Maaalahanin naman siya. Kahit mapang-asar, maalaga siya. Kahit istrikto, alam naman niya kung anong makakabuti saakin.
Masaya ako kasi isang Stellvester Ajero ang Kapatid ko na pinapangarap ng lahat.
BINABASA MO ANG
SB19 One Shot Stories
FanfictionMy all one shot stories. Enjoy reading. • STAN SB19 •