AYUDA
(Stell's One shot Story)You as Sky
Stell as himself"Anaaaaaak!" sigaw ni mama sa labas ng kwarto. Hindi ko siya pinansin kasi busy ako sa cellphone ko.
Kunwari di ko siya narinig. Ganyan naman tayo palagi kapag uutusan tayo ng magulang natin. Bingi-bingihan, kunware hindi naririnig yung malakas na sigaw mula sa bunganga ng nanay natin.
"SKY!" sigaw ulit ni mama pero patay malisya pa rin. Duuuh, busy nga ako.
"Isa, Sky!" sinabunutan ko yung buhok ko kasi nairita na ako. Tsk, no choice tatayo na ako.
"Pooo?" sabi ko sabay labas ng kwarto.
"Kanina pa kita tinatawag bata ka! May ayuda sa court ng barangay! Babagal bagal! Mauubusan na tayo, bilisan mo diyan!" armalite na sabi ni mama saakin. Araw araw may armalite sa bahay. Aminin mo sainyo rin.
"Nay, ayoko. Alam mo namang hindi ako pumupunta sa ganyan" reklamo ko pa sa kaniya.
"Aba't, ngayon lang kita papapuntahin sa namimigay ng ayuda, naangal ka pa?! Ikaw maglaba?!" napailing agad ako. Ayokong maglaba. Tamad ako eh.
"Ito na, ito na!" padabog akong lumabas ng bahay at padabog ko ding binagsak yung gate namin na ikinasigaw ng mama ko. Hehehe.
"Oh, Sky, saan ang punta mo?" tanong ng chismosa naming kapitbahay.
"Sa puso po ng anak niyong si Lester" pabiro kong sabi sa kaniya.
"Oh, sakto. Nasa court siya ng barangay at namimigay ng ayuda doon" sabi niya saakin. Si Lester yung anak niyang palagi niyang binibida kila mama, ito namang si mama palaging binibida saakin. Kesyo kailangan ko daw makilala yung anak ng chismosa naming kapitbahay kasi gwapo daw.
Tsk. Baka mamaya kamukha lang ni Switer 'yon. Yung vlogger sa YT na napakapogi daw.
Pumunta na ako sa court at ang haba ng pila. Abaaaaa, mukhang marami raming ipapamigay na ayuda ngayon ah. Naghintay lang ako doon hanggang sa ako na yung next na bibigyan.
"Thank you po, ingat po kayo" sabi ng lalaking nagbigay ng ayuda sa matanda. Pagtingin ko sa lalaking namimigay ay napanganga na lang ako kasi ang gwapo.
"Ah, miss?" hindi ko alam na nakatulala na pala ako sa kaniya. Sheeeet. Ang gwapo niya. Bakit ganoon?
"S-sorry po, Kuya" sabi ko sabay ngiti. Ngumiti din siya saakin at inabot ang ayudang pinapamigay niya. Kinuha ko naman ito pero ayaw niyang bitawan. Nakatitig lang siya saakin at nakangiti.
Hala, anyare?
"Kuya?"
"Oy, Lester" sabi ng kasama nyang lalaki. Doon lang siya nakabalik ata sa reyalidad. Binitawan niya yung plastik. Huh? Anyare doon?
Lumipas ang isang buwan ay hindi parin mabura sa isip ko yung lalaking nagbigay ng ayuda noon. Oo na, na crush at first sight ako sa kaniya. Hinanap ko na ang pangalan niya sa FB kaso wala.
Desperada na akong makita siya. Help me. Uwaaaaah.
"Anaaaaak!" sigaw ulit ni mama. Walang katapusang sigaw sa umaga.
"Pooo?"
"Halika rito, bilisan mo!" lumabas naman agad ako na tamad na tamad.
"Bakit?"
"Yung anak ni Aling Betchay nandiyan, si Lester" babalik na sana ako sa kwarto ko dahil wala namang kwenta yung sinabi ni mama. Hinila ako palabas ni mama. "Pasaway ka talaga, makipag kaibigan ka!"
"Aray, Ma. Ayoko nga!" angal ko sa kaniya. Nang makarating kami sa labas ay may nakita akong lalaking nakatalikod sa akin habang kausap si Ate Betchay.
"Oh, nandiyan na pala ang anak ni Talen" sabi ng iba pa naming kapitbahay.
Humarap saakin yung lalaki na ikinagulat ko. Ohmayghad, anong ginagawa niya dito? Ngumiti siya nang makita niya ako.
"I-ikaw?" tanong ko sa kaniya. Ngumiti siya saakin.
"Finally, nahanap din kita. I'm Stellvester," inextend niya ang kamay niya saakin. Ngumiti ako sa kaniya.
Sa tagal kong naghanap ng socmed account niya. Akalain mo, ang chismosa naming kapitbahay pala ang mother ni Lester.
Masaya kong hinawakan ang kamay niya at nakipagshake hands dito.
"I'm Sky. Nice meeting you" nakatingin lang siya saakin habang bahagyang nakangiti.
Rold, hulog na hulog na ako kay Lester.
BINABASA MO ANG
SB19 One Shot Stories
FanfictionMy all one shot stories. Enjoy reading. • STAN SB19 •