THBIFL 55: ADDICTIVE

1 2 0
                                    

Chapter 55: Addictive

Alexiquille's pov:

Balik trabaho na naman ako nang nag umaga. Pagkatapos maligo at kumain ay agad tumulak sa opisina

Maganda ang panahon ngayon nakakagaan sa pakiramdam

"Good morning Quille nasa loob niyo po ng opisina si Miss Czechue" hindi ko magawang bumati pabalik ni Hellatishia dahil agad kong tinulak ang pintuan ng aking opisina upang pumasok

With this early? Bakit nandito si Avryll ng ganito kaaga?

"Totoo bang iuurong muna ang kasal?" bungad na tanong niya sa akin habang tumutulo ang talon ng kanyang mga luha

Sino ang nagsabi sa kanya? Si Wilbert ba o si Franzaine?

Bumuntong hininga ako tila nawawalan ako ng hangin sa loob

"Huwag mo ng tanungin kung paano ko nalaman dahil ako mismo ang nakarinig" tumitili pa rin siya alam kong kanina pa siya umiiyak dahil namamaga ang kanyang mga mapupungay na mata

"Mali ang narinig mo" walang gana akong umupo sa tabi niya "Itutuloy natin ang kasal" hinimas ko ang likod niya

I'm firm with this decision wala ng hahadlang sa kaisipan kong ito I'll marry her kailangan mas maaga pa kesa sa itinakda

"You're not lying?" umiling ako pumasada ang daliri ko sa mukha niya upang punasan ang mga luha "Akala ko ba mahal mo si Erien?" biglang ibinaba ko ang aking daliri

Kung narinig man niya ang usapan namin ni Wilbert tanging si Eriel lang ang nabanggit namin gano'n na rin sa panayam namin ni Franzaine

Saan siya nakakuha ng ganitong hinaing?
Saan niya ito narinig?

"Mula sa mga titig mo palang sa kanya alam ko na lalo na noong sinabi niya sa akin na ikaw ang lalaki sa kanyang panaginip lumitaw rin ba siya sa isipan mo noong niligtas mo ako?" tutok na tutok ang mga mata niya sa akin kulang na lang sigawan niya ako para sumagot agad

Tumango at unti unting tumingin sa ibaba nais kong iwasan ang mga titig niya

"Huwag kang mag alala Av pakakasalan pa rin kita" malungkot kong ani

Bakit niya sinabi kay Avryll ang totoo? Ano ang dahilan niya?

"Bukas na ang alis niya kasama si Troy babalik na siya ng Spain pagkatapos ihatid ang pamangkin sa Dubai" mapungay niyang saad sabay tingin sa kawalan ngunit tumango lamang ako "Siguro iniiwasan ka niya kaya gusto niyang umalis ng maaga"

"Pakakasalan kita bukas" mula sa gilid ng aking mga mata tanaw ko ang pagkabigla sa kanyang mukha dahil sa itinugon ko

Ang saya niya paano naman ako? Sh*t you should responsible with your words Quille damn!

"Thank you babe I love you" niyakap niya ako sabay gawad ng labi niya sa pisngi ko


Umalis agad siya matapos ko iyong banggitin upang mas lalong asikasuhin ang kasal namin bukas


Napatingin ako nang bumukas ang pinto it's Hellatishia carrying something

"Ibinilin po sa akin ni Miss Avryll na ihatid ito sa inyo" inilapag niya sa aking mesa ang dalang kinakarga umalis rin aiya agad

"THE HIDDEN BOOK IN FORBIDDEN LIBRARY" {COMPLETED} (UNEDITED/UNDER REVISION)Where stories live. Discover now