THBIFL 30: CAN I?

13 3 0
                                    

Chapter 30: Can I?

Author's pov:

Sa gitna ng kanilang paglalakbay ay nasa hulihan ang tatlong lalaking tanging natitira habang nasa kanilang harapan ang mga babaeng kasamahan

"Alalahanin mo sana pinuno na siya ang susunod na punterya" biglaang tugon ni Finding Hell habang nakatingin lang sa taong tinutukoy niya at yun ay si Sere. Naramdaman ni Quille ang matinding kaba at halos habol na hininga nang dahil sa itinuran ng lalaking kasamahan "Umaasa akong maililigtas natin siya kahit anong mangyari"

Halos hindi maibaling ni Quille ang kanyang paningin sa ibang direksiyon lalo pa't alam na niya na nasa peligro ang babaeng naging dahilan kung bakit gusto niya pang ipagpatuloy ang paglalakbay na ito. Nais niya itong muling yakapin ngayon ngunit nagpupumigil lamang siya dahil nakaaligid pa rin ang kanilang ibang kasamahan

"Paano ka nga pala napunta doon sa kabaong Venomous Stranger?" tanong ni Shinneth na sanhi ng kanilang katahimikan kaya naisipan niyang tanungin ang kaibigang minsan ay nawalay sa kanila

"Noong sandaling nawala ako si Dexson ang huli kong kasama. Someone called my name, I was hypnotized. Nang sundan ko na ito may biglang humila sa akin, nakalanghap ako ng kung ano dahilan para mawalan ako ng malay, pagkatapos kong idilat ang aking mga mata, maraming kabaong ang sumalubong sa akin kasabay nun ang may nakasuot ng itim na mask kaya hindi ko matukoy kung lalaki ba o babae ang agad bumungad sa akin, biglang nagsalita ang kanyang kasamahan tungkol sa Weapon Documentation" mga linya ni Arshyll na tumatak ang bawat detalye sa kanilang lahat "Ngunit wala akong idinugtong dahil alam kong naiwan ko ito kay Broken Skull nang gumawa siya ng bag raid sa atin bago pa man ako nawala. Nagalit sila kaya nais na sana ng iba na patayin ako ngunit pinigilan sila sa naka itim na mask at ipinagbigay alam na ipasok na lang ako sa loob ng isa sa mga kabaong halos hindi na ako makahinga ngunit nakaramdam ako ng malamig na presensiya na sumapi sa akin "

"Marahil yung sumapi sa iyo ay isang kaluluwa" _-Shinneth

"Pero tila madami talagang naghahabol  sa Weapon Documentation" _-Raquelle

"Maaaring ang rebel group namin ang nasagupa mo noon sapagkat nais nilang matagpuan ang Weapon Documentation" _-Troy

"Kinukutuban akong malapit na nga natin silang makaharap" _-Finding Hell

"Kailangan nating magpulong ukol diyan" _-Quille

Nagsimulang kumawala ng mga ilang salita at pagpaplano ang kanilang pinuno habang bawat isa sa kanila ay tutok na tutok sa bawat ibinibigkas ni Quille. Naging alerto ang lahat inihanda nila ang mga sandatang mayroon sila

Nang nagkaroon ng pagkakataon si Quille upang lapitan at kausapin si Sere ay agad siyang humakbang ng kilos

"Kinakabahan ka ba?" tanong ni Sere, ngunit tanging pangamba lamang ang nadarama ni Quille para sa kanya

Ngumisi ang binata sapagkat hindi niya akalain na may maglalakas ng loob upang tanungin siya sa ganitong bagay na batid niyang mula sa babaeng maikling panahon pa niya lamang nakilala dahilan para mapagtanto niyang hindi pa nga siya lubusang kilala ng kanyang sinisinta kahit ang kanyang mga kaibigan ni hindi siya tinanong ukol rito dahil kilala na nila si Quille hindi ito masisindak sa larangan ng labanan

"Walang kinatatakutan ang isang Alexi---" napahinto ang pinuno sa kadahilanang muntik na niyang isiwalat ang kanyang tunay na pagkakakilanlan na batid niyang hindi dapat. Matinding pagtataka ang namayani sa mukha ng dalaga "Babe..?!" kiliti ang siyang naitugon ng binibini

"Ako lang ang dapat tumawag sa iyo niyan" may halo pa ring kilig ang itinuran ni Sere

"Kung gayon nais ko sanang malaman at bigyan ka ng sariling palayaw mula sa tunay mong pangalan" tugon ni Quille dahilan para matigilan si Sere at napatingin ng diretso sa binata

Halos wala itong kurap na napasulyap kay Quille at pumasada muna ang kanyang paningin patungong ibaba bago ito may lakas uli ng loob upang harapin ang binata. Naramdaman ni Quille mula sa mga titig nito na mukhang hindi pa siya handa na sabihin at tila may sariling pagsasalin salin ang mga katagang mula sa kanilang bawat titig sa isat isa upang sila ay magkaunawaan

Hinawakan ni Quille ang matamlay na kamay ng dalaga

"Alam mo na siguro na ikaw ang susunod na mapapahamak sapagkat ikaw ang sumunod sa pagpapahayag ng tunay na pagkakilalan sa nakaraang corner pagkatapos ni Poisonous Seed" walang anumang balakid ang pumagitna sa kanilang pagtitigan nang kumawala ang mga salitang iyon mula sa bibig ng pinuno "Kaya huwag ka sanang magtaka kung bakit biglaan kong tinanong ang iyong tunay na pangalan" hinimas muna ni Quille ang palad ni Sere bago ito niyakap "Pero alam ko din na hindi ka pa handa na sabihin ito sa akin. Can I call you random words plus Serevela (SEcret REVELAtion) instead?" sabay bulong niya sa dilag habang magkadikit pa rin ang kanilang katawan

Tinanguan siya ni Sere bilang pagsang ayon habang si Quille ay hinagkan siya sa noo

"Pag-iisipan ko muna kung babaguhin ko ba ang itatawag ko sa iyo pero ngayon nais ko munang damhin ang mga sandaling tawagin kang Babe" she chuckled

"Naughty Serevela" tawa pa ni Quille sabay dinama at itinali muli ang kanyang mga palad sa palad ng dalaga

*******

Umayos ng tindig ang lahat habang papalapit sila sa susunod na corner, tahimik nila itong tinatahak kaya tanging mga yapak at kapos hininga ang maririnig sa bawat segundo. Dumagdag ang tunog ng pintuan sa ingay. Malawak ang pagkakabukas nito dahilan para magkasabay nila itong pinasok. Bawat hakbang nila ay magkasabay. Mga kamay na sumasabay sa daloy ng hangin na tila may sariling kakayahan upang gumalaw. Mga sandatang kumikinang sa kintab at liwanag habang bitbit ng bawat mukhang hindi nabahiran ng anumang galak at pagkatuwa sapagkat alam na nilang lahat na nagsisimula na ang iilan sa mga tunay na labanan. Isa itong palatandaan at hudyat na dapat maging handa palagi at may kumpyansa sa sarili dahil ito na ang simula. Paparating na sila. Papatungo na ang 'The Rebel Group'

Isa itong matindi at madugong labanan. Ang huling pagsubok na inilaan para sa 'The Rebel Group' ay ang kanilang buhay kaya walang kaduda duda na hindi ito magdadalawang isip na kitilin ang bawat isa sa kanila.Walang kasiguraduhan ang maaaring maganap kaya hawak ng kapalaran ang kanilang hininga kung sakaling papanig man ito kapag nagkataon

"THE HIDDEN BOOK IN FORBIDDEN LIBRARY" {COMPLETED} (UNEDITED/UNDER REVISION)Where stories live. Discover now