Chapter 34: Say Yes To Luckier
Author's pov:
Siniil ni Quille ng halik ang dalaga kahit pa sa harapan ng kanyang mga nasasakupan tila wala na siyang pakialam sadyang abot langit ang tuwa niya dahil ligtas pa rin ito. Rumampa ang mga tingin ng kasamahan sa ibang direksiyon dahil sa pagkabigla at hindi inaakala sa aasalin ng pinuno
Napahinto ang dalawa sa kanilang kapusukan nang nagsalita na si Raquelle
"Thank you for saving us" saad niya sa kaharap na lalaki habang tinanguan lang siya
"Sino sila?" tanong ni Arshyll habang hindi maalis ang kanyang titig sa mga bagong dumating at ang tanging tumulong sa kanila
Namilog ang mga mata nila nang naging anyong tao ang iilan sa mga lobong kanina lang ay tinulungan sila
"They're werewolves" sagot ni Raquelle sa kaibigan na hanggang ngayon ay hugis lobo pa rin ang mga mata nito. Tahimik ang lahat kaya nagpatuloy na lang si Raquelle sa ninanais na sabihin "Ang isa sa kanila ay ang tanging pumalit sa akin bilang human shield sa labas"
"Ibig sabihin ang wangis na ito ay ang tinutukoy mo bilang pamalit mo?" may bahid man ng takot ngunit nangingibabaw ang pagkamanghang pakiwari ni Arshyll
Tumango lang si Raquelle sa tanong ng kaibigan
"Ngunit bakit sila nagtungo dito?" pakikisali ni Quille habang magkadikit ang mga palad nila ni Sere
"Dahil sa ibinigay na bagay sa akin ni kuya Dexson noong bago niyo ako iniwan sa labas. Ibinigay niya sa akin iyon para malaman niya kung nasa panganib ba ako o wala, mayroon rin siya nito kaya nalalaman ko rin kung nasa peligro kayo o wala" busisa niya "Iniwan ko ang bagay na iyon sa kanila habang kinuha ko naman ang parehong bagay kay kuya Dexson nang nawala siya" dagdag nito sa mahinahong tono
"Masyado pang komplikado paano kayo nagkasundo?" tanong ni Troy
"Matagal na kami dito, sa katunayan ito na ang naging tirahan namin ngunit napatalsik kami mula sa loob nang may kumalaban sa aming panig at sila na rin ang namumuno dito" gumagaralgal pa sa tingkad ng boses ang isang lalaki
"Nais lang nilang mabawi uli ang dati nilang pinamumunuan kaya naisip ko baka matutulungan natin ang isat isa lalo pat matagal na sila dito" dagdag ni Raquelle
"Ngunit hindi namin kayo masasabayan sa inyong paglalakbay dahil may mga hakbang rin kami subalit asahan niyong lilitaw kami kung kayo ay nangangailangan ng tulong" dugtong ng lalaki
"Alam mo ba kung saang daan upang mapaiksi ang aming paglalakbay at makuha ang aming pakay?" _-Finding Hell
"Kaunting pagsubok na lang ay makukuha niyo na ang ninanais niyo at karagdagang kaalaman lang huwag niyong hahayaan na makuha ng iba ang weapon documentation dahil maaaring sa huli kung mabigo man kami na tulungan kayo ngunit may masasandalan pa rin kayo na iba" angas nito dahilan para mapalingon si Quille sa weapon documentation
Nasa kamay pa rin ito sa nakahilatang si Jaiver halos pumula na rin ang harapang pahina nito dahil sa dugo. Binitawan muna ni Quille ang kamay ni Sere upang magtungo sa libro agad niya itong pinulot at iniabot muli kay Sere nang nakalapit ito
YOU ARE READING
"THE HIDDEN BOOK IN FORBIDDEN LIBRARY" {COMPLETED} (UNEDITED/UNDER REVISION)
RandomThere is a group of students enters in 'FORBIDDEN LIBRARY' to find the secret weapon and eventually the 'HIDDEN BOOK'. They don't know what are the circumstances that they'd possibly encounter until they discover such a horrible mess but everything...