Chapter 3
*Dug dug dug*
Puso ko yan mga pards! Tumatalon sa excitement!
Eeeeeeeee kasi naman, sabi nung captain, “Folks, we have begun our descent to Los Angeles International Airport…eklabush eklaber babuyush chenis!”
Pero syempre di niya sinabi talaga yung mga bekimon na language, di ko lang talaga pinakinggan kasi na-stuck lang sa utak ko yung unang part.
Hala! Eh pano kung importante yun?
(O.o) Hmmm…Ays ewan! Bahala na, ang alam ko lang namang sasabihin niya pagkatapos nun is yung weather and time, tapos thank you. Yun lang…
Whatever.
Five minutes later…
Oh goodness! Sa wakas! Naiunat ko na rin ang kanina ko pang stiff na legs!
Hays…first time ko pa lang kasi makasakay sa economy class. Tapos, 15 hours akong nasa same seating position kasi direct flight! Tatayo lang ako para mag-banyo.
Libre kasi ‘tong ticket ko, pati na yung pauwi. Sagot nung workshop kaya naman ginamit ko na, sayang kaya! Handami daming nagugutom tapos ako nagsasayang lang ng plane ticket? Tsaka, medyo mahal din ‘to nuh, direct flight pa.
Ay, nga pala, nalimutan kong banggitin. Sabay sabay pala kaming lima—yung mga natanggap sa workshop—dito sa flight.
Nakilala ko na yung dalawa, yung dalawa di ko pa nakakausap kasi medyo malayo yung upuan nila sa amin.
So ayun na nga, kasabay kong bumaba ng eroplano sila Princess at Ayen.
“Aruy jusko, para akong matandang may osteo, ang sakit ng balakang ko!” Natawa na lang ako habang hawak hawak ni Ayen sa magkabilang side yung balakang nya at nagbend patalikod.
“Grabeng jet lag ‘to mga chix! 16 hours ba naman ang difference!” Sabi ni Princess habang naglalakad kami na parang zombies papunta sa may conveyor belt kung saan ike-claim namin yung mga maleta namin, “Aba’y parang walang nagbago eh! 6:30 tayo umalis dun tapos pagdating natin dito, 6:30 pa din! HUWAW ang jet lag!”
“Yup! Argh…antok na nga ako eh.” Etong sabi ni Ayen, nakabusangot ang mukha. “Kaw ba, Laureen. Di ka pa ba antok?”
Tinignan ko siya and shrugged, “I don’t know…Di umuubra sa akin yang mga jet lag jet lag na yan…” Totoo naman eh. Nasanay na rin siguro ako kasi madalas kaming umaalis ng bansa tsaka mabilis talaga akong mag-adjust ng body clock ko.
Nagtinginan silang dalawa bago ako tignan nang ganito (*_*)
“Awww! Buti ka pa!!!” Aba’y kelangan talaga in sync? Gumaganun?
Tumigil lang kami sa pag-uusap nung makita na ni Ayen ang luggage nya, tapos sunod naman yung kay Princess at tapos, yung akin.
Inilagay ko sa isang parang stroller or cart—whatever—yung mga maleta ko. Dalawang maleta lang ang dala ko tapos isang duffle bag at tsaka yung carry-on bag ko kung nasan yung mga personal and important na gamit.
“San nga pala kayo mag-stay while we’re here?” Tanong ko sa kanila.
“Edi dun sa libreng apartment na binigay nung mga taga-workshop.” Ayen answered like it was the most obvious thing. “Ba’t san ka ba?” Rethorical question yun pero sinagot ko.
Nga pala noh…sagot rin pala nung mga taga-workshop yung apartment na pagii-stay-an namin pero dahil si Lola ay mapilit, dun ako sa bahay ni papa. Choice naman namin kung san kami mag-stay eh.
BINABASA MO ANG
Unwritten Love Song
Novela JuvenilLaureen Allison Salazar, isang eighteen-year-old rich girl na ang pangarap sa buhay ay maging isang Theatre Performer and SInger. She auditioned for a pretigious workshop and got in...the only thing is...sa California 'to! After giving a condition...