Istorya , na nagumpisa sa Wattpad ............
-
* Ako nga pala si Miyo Inokuma . Masayahin . Makulet . Malambing at Madrama . Kaya kapag wala ng gustong makinig sa drama ko . Dito ko sinusulat at nilalabas ang lahat ng gusto kong sabihin ....
------------------------------------
Nung mga oras na yun , ginagawa ko yung 1st story ko dito sa wattpad . Sobrang inspired ako kaya 5chapters agad ang nagawa ko sa loob lang ng dalawang araw .. Kaya ayoko ng istorbo .. Kaso may biglang umeksenang asungot . Sabay nag-PM sakin sa facebook . Kaya tinignan ko kaagad ......
Yun lang pala yung in-aceept ko kani-kanina lang .
Si Yumi Nakajima ..
Nangungulet , tanong ng tanong ng kung ano-ano . Ako naman ang Shunga . Ini-entertain ko rin . Hindi ko lang matarayan kase nakakahiya . Pero sa totoo lang banas na ko -.- Kase naman ang kulit-kulit . Nakakairita .
Masyado ng late nung ginagawa ko yung story na yun . 12:30am narin ata ? Kaya medyo bagot narin ako . Kaya nung nalaman niyang gumagawa ako ng story , tumigil na rin siya muna sa ka-pPM , pero gusto niya rin daw mabasa yung story ko na yun ..
/While his reading my first story .. Kinakabahan ako , kase bka mataas expectation niya .. Eh first time ko lang naman gumawa ng kwento . Kaya ayun ... Pero nung natapos siya ...
Eto yung nasabi niya :
HAhaha Release agad yung kadugtong tapos sulat ka ulit
HAHAHA ! Chill ka lang kuyaa . Thankyouu ng sobra - sobra Ikaw yung first friend reader ko .
Haha . okay lang yun Friend Reader ?
Yea ' =)) Naging friends tayo , kasi binasa mo yung story ko AMP ! Thankss .
---------------------------------------
Hindi ko akalain na , hindi lang hanngang dun magttapos yung kwento namin . Or I mean , wala lang siya sakin . Pero hindi lang pala kami in facebook magiging friends , at hindi lang " Friend Reader " ang turing ko sakanya ..
Araw-araw , Siya lang ang katext at kausap ko . Boses niya lang ang gusto kong marinig . Siya lang yung parati kong iniisip ..
Na-Inlove ako sakanya ng dahil lang sa Cellphone and Internet . Na kapag nawala ang mga bagay na to ' Pakiramdam ko , mawawala narin yung kasiyahan ko ...
Then , Naging special kami in both sides , naging M.U kami ng hindi namin napaguusapan ..
----------------------------------------
Hanggang sa dumating sa point na , tinanong ko na yung sarili ko kung ano bang meron samin , at mismong sarili ko hindi ko kayang sagutin . hindi ko kayang alamin . dahil wala namang " KAMI " ..
And now I realized kung gaano pala kahirap pumasok sa isang "M.U." na relasyon ...
Eto pala yung relasyon na may Malabong Usapan . Malanding Ugnayan . Mahirap Unawain .
At Walang patutunguhan ..
--
Yung mageexpect ka ng mga bagay na ppwede naman , pero hindi lang talaga mangyari-yari ..
Yung nasasaktan ka , ng wala ka namang karapatan at ang gusto mo lang naman , eh yung tapatan .. Kung ano nga ba talaga meron sainyong dalawa .....
----------------------------------------
Paano nga ba magmove-on , kung wala naman kayong naging relasyon ? Kaya itatago mo na lamang ang iyong emosyon kasi , wala namang solusyon ? At alam mong sa una palang naman , wala ng direksyon , at wala naman siyang ibang kayang ibigay sayo , kundi puro lang atensyon ..
BINABASA MO ANG
Di Ko Akalain .....
Romance- Hindi ko po ginawa ang istorya na to , para maka-gain ng mga readers / votes / comments .. Isa po itong regalo para sa isang taong sobrang importante sakin . Kaya kung ano man po maging opinyon niyo , hindi ko na po papakialaman .. :) Thankyou :)