Ang tagal na naming magkatext . mag-tthree weeks narin ata ? Halos lahat ng tungkol sa ex niya alam ko na [yung latest ex-girlfriend niya ,na sobrang mahal na mahal niya] Until now parin ata ?
Inggit na inggit ako sa ex niyang yun kasi parang yun lang ang naging babae sa buhay niya , yun lang yung sineryoso niya ..
6months na silang wala , pero buhay na buhay parin sa alaala niya lahat ng mga ginagawa nila noon , lahat ng mga kinakanta niya dun sa ex niya tandang-tanda niya pa . Lalong lalo na yung kantang tinuring nilang themesong ..
Ayon sa pagkakakwento niya .
-Kumakanta siya ng " Now that I found you by: Alison Krauss " mga 10meters away sa girlfriend niya .. At habang naglalakad silang dalawa palapit sa isa't isa , [ ng hindi pa tinitigil yung pagkanta nilang dalawa ] sabay nilang nasabi yung " Baby , now that I found you , I won't let you go ... "
So parang " soulmate " silang dalawa .. It means , kahit na anong layo nila sa isa't isa , iisa lang yung iniisip nila .
Ang sweet diba ? Ang sarap isipin na may mga pagkakaton palang pwede ring mangyari yun .
Pati narin yung pagiging conservative niya sa girlfriend niya kinekwento niya rin . Kung gaano niya pinoprotektahan yung taong mahal niya , wag lang mabastos / masaktan .
-Nung oras na sumali yung girlfriend niya sa isang parada , tapos parang ang daring nung suot nung girlfriend niya .. After nung parada , nilapitan niya agad yung girlfriend niya sabay binalot ng coat at pinagpalit para di na daw ma-expose masyado ..
-Kahit nung Prom nila .. Habang naglalakad yung girlfriend niya sa stage at may grupong biglang nagreact / parang binastos ata yung girlfriend niya .. Nung gabi din na yun ' nakipagsuntukan siya sa likod ng stage para lang ipagtanggol yung girlfriend niya ..
Eto rin , Nung valentines .. GInawan niya ng Surprise yung girlfriend niya ..
-Bumili silang magkakatropa ng flowers para sa mga girlfriend nila , kasi yun nalang yung kaya nilang bilhin . Short kasi sila sa budget nung time na yun .. Tapos bumili siya ng cartolina na sobrang dami .. Binuo niya dun yung salitang " Happy Valentines " at nangailangan siya ng 15 na tao para maghawak dun sa ginawa niya .. Then , pinasok niya yun dun sa room nung girlfriend niya , habang siya naman may hawak din na isang cartolina " :) " yung nakalagay , pati yung bulaklak na binili nilang magttropa .........
Diba , ang sweet niya . Sobrang mahal na mahal niya yun , at ang taas ng respeto niya dun .
6months din lang yung tinagal nila , bale sa 26 1year and 2months na sana sila. Kaso nagkaron sila ng problema .... Kaya hindi na kinaya .
------------------------------------------------------------------------------
Nung naririnig ko yung mga kwento niya sa ex girlfriend niya , naiinggit ako . Hinihiling ko na sana ako din magkaron ng ganun , na sana may lalaking pang katulad niya na pwedeng gumawa sakin nung mga bagay na yun ..
Pero naisip ko , pwede naman sigurong siya nalang rin yung lalaking gumawa sakin nung mga bagay na to diba ? Hahaha . Napaka-ilusyunada ko no ? Nakakatuwa lang kasing isipin na meron pang tulad niya .. Pero alam kong dun niya lang kayang gawin yung mga bagay na yun . Dun sa babaeng minahal niya ng sobra-sobra ..

BINABASA MO ANG
Di Ko Akalain .....
Romance- Hindi ko po ginawa ang istorya na to , para maka-gain ng mga readers / votes / comments .. Isa po itong regalo para sa isang taong sobrang importante sakin . Kaya kung ano man po maging opinyon niyo , hindi ko na po papakialaman .. :) Thankyou :)