. Babe ?
Po ?
. Ano gawa mo ?
Kasama ko po si Ate Crish ngayon ea .
. Ah . Sige . Maya nalang tayo text .
Hala ? Eh bakit mamaya ?
. Ea bka nkakaistorbo ako ea ..
Hindi po ah
. Sge na po mmaya nlng :)
Sge na nga . Kiss nalang kita sa nose :* Naiingit kase ako sa ilong mo ea . Ang tangos . XD '
. Haha . Sge po . Ingat kayo .
^ Hindi ko alam .. Pero tuwing kasama ko talaga si Ate Crish , ayaw niya ng katext ko siya . Ang kulit nga ea .. Siguro binibigyan lang niya kami ng oras na makasama namin isa't isa kaya ayun , okay naman sakin :) Tsaka pag kasama ko si Ate Crish , hindi rin ako pala-text . naiitsapwera ko yung katext ko ..
---------------------------------------------------------------
Habang magkasama kami ni Ate ' kinikwento ko Lahat-lahat , lahat ng pinaguusapan namin ni Yumi , lahat ng ginagawa ko , sinasabi ko sakanya .. Minsan nga nauurat narin siya kasi kahit na wala siyang pakialam , kinekwento ko parin ea ..
Hanggang sa ung kinwento ko kay Ate Crisha yung kinwento sakin ni Yumi , umabot sakanya , kasi sinabi rin ni Ate Crish ...
. Sinabi mo ?
Oo ! Wala ka naman sinabing bawal sabihin ea ..
. Ah . Ok
Galit ka ?
[ No Reply ]
--- Simula nung araw na yan di na niya ko tinext . Pero sila namang dalawa ni Ate Crish ang palaging magkatext ..
Mga isang linggo din akong hindi nakakapunta kay Ate Crish , kasi nga busy din ako nun sa school .. At Ilang araw ko naring hindi nakakatext si Yumi . Kasi nga hindi narin niya ko tinetext .. Nung araw na pumunta ko kila Ate Crish tinanong niya ko kung nkkatext ko pa ba daw si Yumi ....
Bratt ? Nakakatext mo pa ba si Yumi ?
Ha ? Hindi na eh . Simula nung hindi na siya nagttext ..
Ah .
Ikaw ? Nakakatext mo pa ba sya ?
Oo . Smart gamit niya ngayon ea ..
Ah ganun ba . Yaan mo sya .. Wala atang load yun sa globe ea , kaya di ako tinetext ..
Kahit na malaman mong Allnet text siya ?
Eh ano naman ? Yaan mo un ..
Tsaka tinanong ko rin siya kung ano bang balak niya sayo .. Sabi niya , May mga bbaeng nakaka-misunderstood lang daw ng mga ginagawa niya .
Ahhhh .. Bhala siya diyan . Kaya niya na sarili niya . Ang laki niya na ea ..
Nako ! Totoo ba yan ?
Oo naman .
-------------------------------------------------
Ang sakit marinig na ppwede naman pala kong itext , pero hindi nya ginagawa ? Tapos ? Sila ni Ate Crish , madalas magkatext ? Samantalang ako ? Wala lang ? tssss :'(
Kaya simula nung araw na yun , tinantanan ko na siya . Hindi ko na siya pinapadaanan ng GM at dinelete ko narin ang number niya ....
BINABASA MO ANG
Di Ko Akalain .....
Romance- Hindi ko po ginawa ang istorya na to , para maka-gain ng mga readers / votes / comments .. Isa po itong regalo para sa isang taong sobrang importante sakin . Kaya kung ano man po maging opinyon niyo , hindi ko na po papakialaman .. :) Thankyou :)