Clip

13 2 0
                                    


JUSTIN's POV.

Today is Josh and I's 1st Anniversary as a couple. Sila Stell at Ken ay nasa bahay namin para tulungan akong maghanda para isurpresa si Josh. Excited na ako!

Sana makarating si Josh.

"Keeeeeen! Paabot naman nung phone ko, please. Nandiyan lang sa table." natataranta kong sabi habang inaayos ang mga lobo. Iniabot naman agad ni Ken sa akin iyong cellphone ko.

"Sumagot ka, sumagot ka." bulong ko sa sarili ko. Habang nagriring 'yung phone. Hindi ko alam kung makakapunta si Josh, argh!!

"Hello, Jah? Napatawag ka?"

Susmeyo, sumagot ka rin!

"Love! Makakapunta ka ba today sa bahay?" teka masyado yatang halata naman pagkakasabi ko? Pero okay lang 'yan, bahala na.

"Oo naman, we're on our way na. Kasama ko si Sejun." naks, success plano ah. Panigurado tahimik byahe neto HAHAHAHA.

"Sige, sige! Mag-iingat kayo. Antayin nami– Hintayin ko kayo sa bahay! Love you." uy muntik na 'ko do'n HAHAHA, jusko naman talaga, Justin!

"Guys! Papunta na daw sila dito, bilisan na natin!" hindi naman halatang excited ako, 'no? It's our first year anniversary kaya we should be happy. Tsaka, once in a life time lang ang unang anniversary, sa susunod, second na, hindi na first.

"Ken papatay na nung ilaw, tas pwesto na po tayong lahaaaat."



JOSH's POV.


"Opo, love you too." napatawag 'to? Akala siguro nalimutan kong 1st Anniversary namin ngayon tsaka mukhang may pakulo nanaman 'to, ah? I thought, syaka napailing at nilingon si Sejun.

"Hoy Sejun, anong pakulo nanaman meron 'tong batang 'to, ha?" tinanong ko si Sejun kahit alam kong walang matinong isasagot 'to.

He shrugged. Sabay tingin sa bintana ng sasakyan. O, hindi ba. Wala talagang matinong isinasagot 'yan kapag ganito ang sitwasyon, e.

Ilang minuto pa ang nakalipas, nakarating na kami sa bahay nila Justin.

"Hoy, nandito na tayo." sabi ko kay Sejun at nauna nang bumaba.

"Aba, tahimik yata?"

"Oo nga eh." rinig kong sabi ni Sejun at pagkaharap ko sakanya, bigla niyang tinakpan ng panyo ang mga mata ko. Aba, walang paggalang.

"Hoy Sejun, siraulo ka talaga. La man lang pasabe?"

"Shh. Antay ka lang diyan. 'Wag ka na pumalag." aba'y gusto yatang–

Bago ko pa man matapos ang pagbabanta ko sakanya, inayos na niya ako. Hinarap yata niya ako papunta sa harap ng bahay nila Justin. Rinig ko ang pagbukas niya ng pintuan. Nanahimik lang ako hanggang sa tinanggal niya ang panyo sa mata ko. Binuksan niya ang ilaw sabay–

"Happy Anniversary, JoshTin!" sigaw ng lahat. Aba, sabi na eh. Nandidito si Kuya Yani, Geca, si CJ, sila Tito't Tita, pati ba naman si Alex at Denise, Tita Grace at Tito Ted. Eto pang si Stell at Ken. Aba pinagtulungan talaga ako. Pati si Mama...nandito.

Patulo na ang luha ko dahil nakita ko si Mama na andito rin. Naalala ko noong kinausap ko siya tungkol sa amin ni Justin.

"Ma, pwede ka po bang makausap?" tanong ko kay Mama, tumango naman siya.

"Matagal ko na po kasing gustong sabihin sa inyo 'to, at sa tingin ko, ito na ang tamang panahon para sabihin iyon sa inyo."

"Ano iyon, anak?"

"Uh, mama...Kami po ni Justin." ilang segundong katahimikan ang namayani sa aming dalawa.

"Anak...Alam ko, at ayos lang iyon sa akin." nagulat ako sa sagot ni mama. Akala ko hindi niya ako tanggap. Akala ko hindi niya kami tatanggapin. Akala ko sisigawan lang ako ni mama at sasabihin tutol siya sa aming dalawa. Akala ko...ibabasura na niya ako.

"Talaga, Ma?" tumango si Mama at niyakap ako. Hindi parin ako makapaniwala. Iba kasi iyong ineexpect kong mangyari. Akala ko talaga, magagalit siya sa akin.

"Thank you, Ma. Thank you, thank you so much." iyan lang ang mga salitang nabanggit ko habang nasa bisig ng ina ko.

"Thank you, Ma." I mouthed. Nakita kong tumango si Mama. Nginitian niya ako at ngumiti rin ako bilang sukli sa mga ito. Thankful akong tanggap kami ni Mama. Nila Tita, Tito, at ng lahat.

Lumapit sa akin si Justin sabay bumati. "Happy Anniversary, Love. I love you." tsaka ako niyakap.

"Happy Anniversary, Mr. de Dios. I love you, too, so much." niyakap ko siya pabalik.

"Tayo na next, Sejun." rinig kong sabi ni Stell sabay tingin kay Sejun.

"Hoy, hoy, hoy! 'Wag dito ha. Sa next time na kayo magharutan, o kaya pagkatapos ng celebration na 'to." pagbibiro ko at tsaka tinuro turo silang dalawa. Kumalas si Justin sa pagkakayakap pero hindi humiwalay ang kamay niya sa akin. Nakaakbay naman siya ngayon sa akin.

"Ikaw, kayo. Sabi na magkakasabwat kayo eh." tinuro turo ko sila isa-isa.

"Pinilit lang kami ni Jah." singit ni Ken.

"Hoy, wow ha! Pumayag naman kayo!" sigaw ni Justin na turo turo si Ken.

"Eh, no choice naman kase kami!" sabat ni Stell.

"Teka, sino muna 'yung may pakana ng tatakpan ng panyo iyong mata ko? Nagulat ako kay Sejun, e! Bigla nalang akong hinablot." pagrereklamo ko pa.

"Si Stell." rinig kong saad ni Sejun na kanina pa nakatitig kay Stell. Kala mo wala nang bukas, e.

"Oh, siya. Nilalanggam na ako sainyong magjojowa. Kumain na tayo!" pagrereklamo ni Ken na nasa isang sulok at kanina pa masama ang tingin sa aming apat. Tinawanan lang namin siya at tsaka kumilos na para kumain.



***

"Okay, cut! That was a very good take. Great Job, Santos and de Dios!" Director Suson shouted.

Lumapit si Justin kay Felip sabay sabing "Thanks. Last take na ba 'to for today?" sabay beso dito.

"Uhm, yes. Great Job, love." he replied tsaka hinalikan sa noo si Justin tsaka tumayo at kinuha ang jacket nito na nakasabit mula sa sandalan ng inuupuan niya kanina.

"And... ah, Josh! Galeng mo talaga dre! Kitang kita rin 'yung pagka-sincere mo. Parang totoong totoo talaga. Pagpatuloy mo lang. You're doing a really really great job." saad ni Felip na sapat lang upang marinig ng aktor, sabay ngiti ito sa direksyon ni Josh.

"You guys did a great job today. And I know you're all tired after ng mga ginawa natin ngayong araw. You can now go home and take a rest. See you tomorrow!" Director Suson continued and finally waved his hand as a goodbye to Josh. Ngumiti si Josh at tumango.

Totoo naman kasi talaga lahat. Lahat iyon, totoo. Iyong nararamadaman ko, iyong mahal kita. Kahit na iyong pag-amin ko kay mama na gusto kita, pero hindi niya ako tanggap. Oo, gusto kita pero masyado na akong huli. Inilaban ko iyong nararamdaman ko, pero huli na ako. Sinubukan kong pigilan at labanan, pero nabigo ako. Nauna akong umamin pero huli na ako. Huli na tayo. May relasyon sila ng kaibigan naming dalawa, ng director namin. Isa sa mga hinahangaang direktor ng karamihan, si Felip Jhon Suson...


"Justin, pwede bang hiramin ang time mo? Saglit lang. May sasabihin lang ako sa’yo."



"Hmm? Ano ‘yon?"



"Gusto kita."




"Hmp. Weh?"



"Totoo, Justin. Walang halong biro. Okay lang naman kung ayaw mong maniwala or–"




"Gusto rin kita."





Naalala ko ang parte na iyon kung saan umamin ako sakanya at sinabi niyang gusto niya rin ako. Sana, totoo nalang lahat ng iyon.




Sana, totoo iyong nasa palabas.



Ikaw,
Hanggang sa Huli.

Clip | OneshotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon