Cute pov
Nakabili na kami kaya pumunta na kami sa lamesang kulay blue na may design na mga pang prinsesang korona nasa kaliwang dulo iyon ng cafeteria
Napatingin naman ako sa gilid non or sabihin na nating sa gitna ng cafeteria dahil may malaking lamesa don na kulay itim at may design na korona ng mga hari
At napatingin din ako sa lamesang kulay dark red na nasa kanang dulo ng cafeteria na may design na korona ng prinsipe
At ang huli ay yung lamesang kulay pink na may iisang upuan at design na korona ng reyna nasa likod iyon ng lamesang kulay itim
Ang mga upuan ng apat na lamesang toh ay kung ano ang kulay at design ng lamesa at itong apat na ito lang ang kakaiba yung iba kase kulay gray lang
tsaka yung upuan ng kulay pink na lamesa ang mas grande ang itsura may gold pa ngang kulay na kasama basta ang sosyal
"Bakit dito tayo umupo? Parang pang VIP ang lamesang to at nung tatlo pa" sabi ko kay Rea and take note nakatingin parin samin ang mga estudyante
"Haha don't worry okay lang na dito ka umupo dahil kasama moko" sabi niya
Hindi ko naintindihan ang sinabi niya kaya naguguluhan ko siyang tinignan
"I'll explain it to you pagkatapos kong iintroduce ang iba ko pang friends pero tommorow payon dahil absent sila today" sabi pa niya
Nagpout ako at tumango
Gusto ko talaga malaman kung ano yung kakaiba sa pananalita niya
Hindi nagtagal ay pinagpatuloy na namin ang pagkain habang nagkukuwentuhan at nagkukulitan
Sabihin ko nalang din na hanggang ngayon ay nakatingin parin ang mga estudyante samin
Hindi ba sila nahihirapan kumain kung sa amin sila nakatingin? Ang weird talaga ng mga estudyante dito
Chronos pov
Arrg nakakainis na sina kuya euros kada estudyanteng makakasalubong namin ay haharangin nilang anim at tatanungin kung nakita ba nila yung cute nayon at syempre takot na takot naman ang mga estudyante dahil mas nakakatakot ngayon yung anim sobrang seryoso ba naman nila at sobrang cold din kung magsalita
Halos makita na nga naming pito ang itim na aura na bumabalot sa anim na yan eh
"Is it a big deal kung mawala si cute?" Biglang tanong ng kakambal kong si chronus
Sabay sabay na nilingon nina kuya euros,kuya eurus,percy,jackson,aries at aristeaus ang pwesto namin at tumingin ng masama kay chronus
Kung nakakamatay ang tingin siguradong nakahandusay na si chronus sa sahig at wala ng buhay
"Yes its a big deal any problem with that?" Seryosong sabi ni kuya eurus
"Tsk" sabay na sabi nina kuya dionysus at kuya christian
actually papunta kaming labingtatlo sa cafeteria para makakain na and 15 minutes lang ang recess at siguradong malelate kami sa susunod naming klase dahil sa anim nato
Nandito na kami sa tapat ng cafeteria at siguradong wala dito ang phoenix gang dahil tamad ang mga yon
Ang phoenix gang ang isa sa hindi naming kasundong gang 13 din sila at hindi tulad samin na magkakapatid sila ay magkakaibigan at sila din ang 2nd sa ranking ng mga gangs kaya galit din sila sa amin ay dahil kami ang 1st sa ranking
Sila din ang tinatawag na prince dito at syempre kami ang king
Pumasok na kami sa loob ng cafeteria at magsisigawan na sana ang mga babae at mga pusong babae nang makita nila ang itsura ng anim kaya napatikom sila ng bibig yung iba naman ay nanginginig na parang nakikita din yung nakikita naming itim na aura
![](https://img.wattpad.com/cover/251005534-288-k746283.jpg)
BINABASA MO ANG
Meeting The Gangsters [•The Childish Girl Meets The Gangsters•] (Editing)
Diversosano ang posibleng mangyari kung ang isang babaeng may pagkaisip bata ay mameet ang magkakapatid na gangsters? kung gusto niyo malaman basahin niyo nalang Hope you'll like it💜🤗