Chapter 1

5.1K 127 7
                                    

PATRICK

*kring!

*kring!

"Anak! Gumising ka na diyan! 'Di ka ba papasok?!"

*kring!

*kring!

"Hoy Patrick Darwin Santiago, kung ayaw mong gumising diyan, hahampasin talaga kita nitong hawak kong sandok!"

*kring!

*kring!

*kring!

"Aray!"

Automatic akong nagising nang bigla na lang may humampas sa akin sa mukha ko. Napatingin ako kay mama na nasa gilid ko na nakapamewang habang hawak-hawak yung sandok niya sa kaliwang kamay. Ang sakit naman nun mama! Huhuhu.

"My pasok ka o wala?! Diba first day of class mo ngayon?!"

"Mama naman eh! Ang sarap ng tulog ko, 'wag mo namang ihampas yan."

"Pasalamat ka at hindi 'to mainit! Bumangon ka na diyan!" Sabi niya at lumabas na ng kwarto.

Wala akong nagawa kundi ang bumangon at niligpit ang pinaghigaan ko. Para akong sabog na lumabas ng kwarto at pumunta sa kusina para magmumog.

Pagpasok ko sa banyo ay napatingin ako sa mga balde namin. Huhuhu. Walang mga laman.

"Ma, wala po bang tubig?"

"So ako pa ang mag-iigib, ganun?"

"Nagtatanong lang naman po ako eh."

Lumabas ako ng banyo bitbit yung dalawang balde. Dumaan ako sa sala at naabutan ko doon si papa na nagbabasa ng dyaryo.

"Oh anak, mag-iigib ka?"

"Opo pa. Lalabas muna ako."

Lumabas ako ng bahay at pumunta sa igiban ng tubig. 'Di naman ito kalayuan, isang minuto lang kung lalakarin. Nang makarating ako doon ay laking pasasalamat ko nang makitang walang nag-iigib kaya naman ako kaagad ang gumamit.

Madali ko lang napuno yung dalawang balde at kaagad ding bumalik sa bahay. Nang makapasok na ako sa banyo ay naligo na ako.

Natapos akong maligo bandang 6:30 ng umaga at nagbihis na. Wala pa kaming uniform since first day palang namin ngayon. Siguro, by next week, darating na yung uniform namin.

Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa kusina kung saan naabutan ko doon si mama na naghahanda na ng agahan.

"Tawagin mo na yung papa mo."

Pumunta naman ako ng sala para tawagin si papa.

"Pa, kain na daw tayo."

Tumigil naman si papa sa pagbabasa at tumayo na. Sabay kaming pumunta ni papa sa hapagkainan at sabay kaming kumain tatlo.

Matapos kong kumain ay nagsipiliyo kaagad ako. Pagkatapos ay nagpabango lang ako ng konti at kinuha na ang bag ko.

"Nandyan na sa loob ng bag mo ang pananghalian mo. Wag magpapalipas ng gutom ha? Umuwi kaagad ng bahay pagkatapos ng klase."

"Opo mama." Humalik ako sa pisngi ni mama at niyakap naman si papa bago ako lumabas ng bahay.

Naglakad ako papunta sa sakayan ng jeep. Yun ang sasakyan ko papunta sa bago kong school. Time check, 7:00 AM, 1 hour left before magsimula ang klase.

Habang naghihintay ng jeep, bakas sa mukha ng mga estudyanteng nasa paligid ko ang excitement dahil first day of class ngayon. Ako naman, okay lang. Ewan, pero feel ko parang isang normal na araw lang itong araw ngayon. Dapat nga ma-excite ako since first day of college life ko 'to ngayong araw kaso 'di ko naman dama. Gusto ko na lang matulog ulit. Kaso baka hampasin ulit ako ni mama ng sandok kaya wag nalang pala.

Please Save MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon