Chapter 58

1.4K 82 21
                                    

PATRICK

"Ganito kasi 'yan guys. Nagkita silang dalawa ni Kenjie the very next day. Tapos ito namang kaibigan natin, pabebe pa, may patakbo-takbo pang nalalaman, akala niya naman siya si Cinderella. Hinabol naman siya ni Kenjie at nagpaliwanag ito sa side niya. Nagsorry ito sa kanya at nagsorry din si Patrick kay Kenjie. Tapos ayun, naghalikan silang dalawa."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Alexa. Saan niya nakuha 'yung last part na sinabi niya?!

"Walang nangyaring ganun!" Sabi ko sabay binatukan siya.

"Ganun naman talaga ang dapat mangyayari kung 'di lang ako dumating 'nun diba? Hihihi, ang epal ko pala that time." Kinikilig niyang sabi.

"'Wag kayong maniwala sa kanya." Sabi ko sa kanila.

Kasalukuyan kaming anim na nakasakay sa sasakyan ni Paul. Sabado ngayon at naisipan naming gumala. Dahil ngayon lang ulit kami nagkasamang anim, kaagad na ikinwento ni Alexa sa kanila ang tungkol sa amin ni Kenjie.

"At alam niyo ba guys, balak ligawan ni Kenjie si Patrick. Kyaaah! Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig."

Namula ako sa sinabi ni Alexa at kaagad na napaiwas ng tingin.

"Totoo 'yun Pat?" Tanong ni Sam.

"Totoo 'yun te! Kaso hihingi muna daw ng permiso si Kenjie sa parents ni Patrick. Pupunta nga 'yun sa kanila bukas eh. Ang sweet diba?"

Bwiset ka talaga Alexa! Lahat binubunyag mo! Sana pala 'di ko na lang sinabi sa kanya huhuhu.

Nakarating kami ng mall at ang una naming pinuntahan ay ang sinehan. Habang busy sa pamimili ng dadalhing pagkain sa loob sina Sam, Shane, Kalum, at Paul, hinila ko palayo si Alexa sa kanila.

"Bitawan mo nga ako hoy!" Reklamo niya.

"Akala ko ba 'di mo sasabihin sa kanila 'yung about sa panliligaw ni Kenjie?" Tanong ko sa kanya sabay pinanlakihan siya ng mata.

"Malalaman din naman nila 'yun."

"'Di pa nga ako pumapayag tapos inunahan mo na kaagad ako."

"Doon din naman 'yun pupunta. Pabebe ka pa talaga." Sabi niya at tinalikuran ako.

Grrr!

"Kahit na no! Dapat 'di mo na lang sana sinabi. At tsaka baka nakakalimutan mo, galit sila kay Kenjie, lalo na si Sam."

"Imposible namang galit pa rin sila hanggang ngayon kay Kenjie. Ako nga, kahit alam kong aksidente lang iyon, 'di ko magawang magalit sa kanya. Tsaka sinabi mo na rin sa akin 'nung isang araw na si Freah ang nagsagasa sayo. At tsaka sabi mo nga diba, ginawa lang ni Kenjie iyon kasi gusto niya kayong tulungan 'nung nasunog ang bahay niyo. I don't see any valid reason para magalit sa kanya."

Napabuntong hininga nalang ako. I don't really know anymore. 'Di ko naman kasi mabasa 'yung mga iniisip nila eh.

Bumalik kami sa pamimili. Dahil gusto kaming itreat ni Kalum, siya ang nagbayad lahat sa mga pagkain na binili namin. Ako naman ang nagpresenta na magbayad sa ticket ng movie na papanoorin namin.

Pumasok kaming anim at naghanap ng mauupuan. Nang makahanap kami, naupo kami at hinintay namin na magsimula ang palabas.

"'Di pa nga nagsisimula, kumakain ka na." Sabi ni Kalum kay Alexa.

"Shhh. Gutom ako, 'wag kang epal."

"'Di ka ba nagbreakfast?"

"Hindi. Tinapos ko kasi 'yung lesson plan ko kanina. Uminom lang ako ng kape, naligo tapos dumating naman kaagad kayo kaya 'di na ako nakapagbreakfast."

Please Save MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon