Kabanata 3

22K 709 38
                                    

Kabanata 3


"I . . ." Raiah shut her eyes and lowered her head. "I'm sorry but . . . I won't resort to that." 

Hindi pala niya kayang ibaba ang pagkatao niya nang ganoon . . . kahit pa ang pangarap niyang maging bahagi ng Kelton Medical Center ang nakataya.

"You won't, hmm?" Silver asked in a teasing manner. "Kahit na trabaho mo ang kapalit, Chavez?"

Hindi niya nagawang sumagot kaagad. Her morals and eagerness to be part of Kelton battled inside her head that she went silent despite her being in the verge of losing her dream job.

"Answer me, Chavez," Silver commanded in a calm yet still authoritative way. Tila ba kahit na gaano pa kakalmado ang tinig ng binata ay kaya nitong pangatugin ang mga tuhod ng sinomang kausap. 

Raiah inhaled a sharp breath. "H-Hindi ko po kayang gawin 'yon. A-Akala ko kaya ko kapag nandito na ko sa posisyong desperada na ko pero . . ." Nanikip ang kanyang dibdib. "Sorry, Doc but I really cannot open my legs just to keep m-my dream job."

Narinig niya ang pag-ismid ni Silver. "Don't you think your principles will only drag you down, hmm? Akala ko ba handa mong gawin lahat para lang sa trabahong 'to? Sinugod mo pa ko sa penthouse ko. Now you're telling me you are not desperate enough to keep it?"

Iminulat ni Raiah ang kanyang mga mata saka siya humugot ng malalim na hininga. Kahit na naninikip na nang husto ang kanyang dibdib ay pinilit niyang salubungin ang titig ni Silver. There was a hint of tease in the way he was looking at her but Raiah kept her gaze on him to let him know that she's serious about her decision.

Sandali siyang humugot ng hininga. Umaasang sasapat iyon upang magkaroon siya ng lakas ng loob na magsalita. "I am . . . capable as a nurse. I don't have to . . . sell you my body just to prove that."

Tumaas ang kilay ni Silver. "Why'd you think so, hmm?"

She swallowed the lump in her throat. "I have the skills. I graduated with flying colors. I passed the licensure exam on my first take. I'm smart, I'm competitive in my chosen field, and I worked really hard to be here. Doon pa lang, mapapakita ko nang karapat-dapat akong maging parte ng Kelton so I . . ." Muli siyang napalunok. "I don't need to be naked in front of a man who doesn't see me as a perfect addition to this department."

Ihinanda na niya ang kanyang sarili sa pagpapatalsik sa kanya ni Silver, ngunit habang pinakatititigan niya ang mga mata nito ay napansin niyang naging makahulugan din ang ngiti ng binatang doktor.

Silver's lips even stretched wider for a proud smile. "Well, don't you have bigger balls than most men here?" Umismid ito't umiling-iling.

Napakunot ng noo si Raiah. Bakit parang . . . hindi naman pala ito galit?

Tumalikod na ito. "Get the fuck up, Chavez. You only have five minutes before your shift starts."

Napakurap siya dala ng matinding pagtataka. Kaagad din siyang tumindig habang nanlalaki ang mga matang nakatitig sa naglalakad na si Silver. 

"W-Wait!" habol niya. "You're . . . not gonna fire me?"

"Nah." He looked over his shoulder as he stopped from taking another step. "But if you agreed to let me fuck you in the morgue, then I would've dragged your ass out of Kelton. I need nurses, not whores in my department. Now move your fucking ass and go to your station before I do my rounds."

Tuluyan siyang nabuhayan ng loob. Sa sobrang tuwa nga ay nakalimutan na niyang natapunan niya ito ng kape kanina. She even ran past him, only to stop a few steps away from him to face him again. 

Nagkatitigan sila nang muli niyang hinarap ang direksyon nito. Silver looked confused with his furrowed brows and slightly squinting gray eyes.

"The fuck are you still doing? Do I still need to carry your ass to your station, Chavez?" naiirita nitong tanong.

Hindi niya pinansin ang pagsusungit nito. Instead, Raiah smiled in a sweet way before she did something that totally caught him off-guard.

Raiah ran back to him and spread her arms. "Doc, thank you!" 

Bigla na lamang niya itong niyakap sa baywang dala ng labis na tuwa. She even squeezed him lightly as she giggled out of pure joy! 

She sighed. Ang mga labi ay nakakurba pa rin para sa isang napakatamis na ngiti. Nang kumalas siya sa pagkakayakap ay kumaway pa siya rito saka na nagtatatakbo patungo sa nurse station. 

Meanwhile, Silver remained on his spot. Tila ba masyadong nabigla sa kanyang ginawa. Nakatitig lamang ito sa kanya na animo'y hindi pa rin natatauhan. Hindi tuloy niya malaman kung hindi ba ito sanay sa yakap o nahipnotismo ito ng matamis niyang ngiti.

Hinayaan na lamang ito ni Raiah. She turned to the next hall and walked straight to their station. 

"Good morning po," masigla niyang bati sa head nurse. Maganda na ang mood ngayon dahil hindi siya nasesante sa unang araw niya sa trabaho. "Nurse Chavez po. Dito raw po ako sabi ng HR."

"Oh, muntik ka nang ma-late. Ilagay mo na ang gamit mo sa locker A4. Bilisan mo baka dumating na si Dr. Kavinski," anang nurse na kaagad naman niyang sinunod.

The head nurse gave her a quick tour after she had put her belongings in her locker. Although there was a seminar conducted, nagbigay pa rin ng instructions ang head nurse sa kadahilanang ayaw na raw nitong may masesante na namang nurse.

"Kabilin-bilinan ni Doc Kavinski na siya lamang ang sasamahan mo tuwing magra-rounds ang mga doktor. Diyos ko, mag-iingat ka sa mga kilos mo, ha? Pangatlong buwan pa lang ng taon pero pang-singkwentang beses na yata akong nag-welcome ng nurse sa department na ito!" nai-stress na kwento ng head nurse na si Nurse Jammy. 

"Dahil ho kay Doc Kavinski?" usyoso niya.

Nagpamaywang ang may edad nang nurse. "Naku, anak. Gwapo lang iyon at parang anghel ang pagmumukha pero demonyito iyon sa mga tatanga-tanga. Paganahin mo palagi ang kokote mo dahil kahit magsumbong kayo sa akin, kung mali kayo, hindi ko kayo maipagtatanggol sa isang 'yon. Kung kay Dr. Tash ay kaya ko pa."

Somehow, the term 'anak' brought a different kind of warmth in Raiah's heart. Kailan ba ang huling beses na mayroong tumawag sa kanya ng ganoon? Hindi na niya maalala. The last time was probably when her dad was still alive. Dahil kahit naman kasama pa rin niya ang mommy niya ay hindi na niya ito maramdamang may pakialam sa kanya. 

Her mom had completely dissociated from their relationship. Kung hindi nga niya ito kakausapin ay para lang silang mga multong naghahati sa tinitirahan nilang bahay. 

"Ayos ka lang?" tanong ni Nurse Jammy nang mapansing natahimik siya.

Lumunok siya saka peke itong nginitian. "Sino po si Dr. Tash?" 

"Si hapon. Matalik na kaibigan ni Dr. Kavinski. Lumayo-layo ka raw pala roon. Isa pa sa ibinilin ni Doc 'yon."

Napakamot ng sentido si Raiah. Gusto niya pa sanang makichismis kaya lang ay niyaya na siya ni Nurse Jammy na pumunta ng nurse station. Magsisimula na raw ang rounds ni Silver kaya naman ihinanda na nila ang records ng mga pasyenteng hawak nito. 

"Oh, anak," ani Nurse Jammy saka inilagay ang maliit na rosaryo sa palad niya.

Napakunot ng noo si Raiah. "Para saan po ito?"

"Panlaban sa masamang elemento," sagot nito saka tumawa.

Napailing na lamang si Raiah saka niya ibinulsa ang rosaryo. 

Alam na niya kung sino iyong masamang elementong tinutukoy ni Nurse Jammy . . .





MONTE COSTA SERIES #2: Beautiful BurnsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon