Kabanata 5

22.9K 617 36
                                    

Kabanata 5


"PLEASE tell me you didn't develop an instant crush on him just because of what he did to Mr. Lim?" nakasimangot na tanong ni Ae kay Raiah. Meanwhile, Vina was leaning on the sink counter and busy munching a cookie.

Patay-malisya niyang itinali ang ribbon ng cookies na siya mismo ang nag-bake. "Wala akong crush sa kanya," pagmamang-maangan niya. "I just wanna give him something as a token of gratitude."

Umirap sa kawalan si Ae. "Token of gratitude? Come on. We're friends. We don't do stuff like this for men we're not attracted to."

Raiah lifted a brow. "I baked you guys a cake after I got to Kelton?"

"It's because we're friends!" Nahilot na nito ang sentido. "Raiah, sinasabi ko sa'yo, kapag nasaktan ka diyan sa mga pinaggagagawa mo sa buhay mo, ikaw ang ipapadala ko sa Afghanistan dahil mas martir ka pa sa GomBurZa!"

Vina snorted. "Gaga, parang applicable sa'ting tatlo 'yon. Ikaw si Gomes, ako si Burgos, tapos 'tong si Raiah si Zamora."

Ae's eyes narrowed at Vina. "Not a good time for your jokes, Vina."

Nagtaas ng mga kamay si Vina. "Sabi ko nga." Kumagat ito sa hawak na cookie. "Okay, tuloy ang teleserye."

Nagpamaywang si Raiah sa kaibigan. "Okay, fine. Maybe I am kind'a having a crush on him. He's gorgeous, alright? Besides, I feel pretty special."

Lalong gumuhit ang pagkayamot sa mukha ni Ae. "Special dahil halos binalian niya ng buto si Mr. Lim? Do you like brutal men? Kasi kung oo, halika. Dadalhin kita sa kulungan at doon paghahanapin ng bubugbog sa'yo habambuhay."

Raiah groaned. Why are they friends again? Right. She, Ae, and Vina talk this way to each other when they think one of them is making a stupid decision. 

Kung sabagay. Halos lamunin niya nang buhay si Ae noong nalaman niyang in love ito kay Linel Shault. Ang pinakatarantado nilang schoolmate noong high school.

Naihilamos ni Ae ang mga palad nito sa mukha saka ito nagpakawala ng malalim na hininga. "Look, I am not trying to be the villain in your story, but please." She gestured her hands as if she's praying. "Please, Raiah. Save your heart. Magkagusto ka na sa lahat, huwag lang kay Dr. Kavinski. He is . . . oh God, forgive me but he is the last man on Earth who will treat a woman properly."

Vina waved her hand. "Oh, you're being dramatic. Parang hindi mo naman kilala si Raiah kapag nagkakaroon ng crush. Kailan ba 'yan nagka-crush ng tumagal ng one month? Her attention span on men is shorter than our patience combined."

Raiah pointed Vina. "She has a point." She faked a smile. "Come on, Ae. You know me. I'm sure this is just a phase, alright? Siguro nagugustuhan ko lang kasi masungit siya sa iba at parang walang pakialam tapos bigla siyang nagpakita ng heroic act sa'kin. That's all?"

"Yeah." Inakbayan siya ni Vina. "I'm sure kapag nakita niya na kung gaano kasalimuot maging nurse sa department ni Dr. Kavinski, manginginig siya sa pandidiri sa sarili someday dahil sa ginagawa niya ngayon."

Ae rolled her eyes while groaning and shaking her head. "Bahala kayong dalawa diyan. Uuwi na ko."

Kumaway na lamang sila rito bago na sila naghanda para sa pagpasok. Sabay ang duty nila ngayon ni Vina. Sa emergency room pa rin ito naka-assign kaya kahit na isang oras pa bago ang duty nila ay bumyahe na sila patungo ng Kelton. 

"Akyat na ko, Vi," paalam niya sa kaibigan.

Vina nodded her head. Imbes na mag-clock in na ay nakiusyoso ito sa mga nurse na kasamahan nito sa emergency room. Sabi nga nito ay sa emergency room madalas maganap ang mga pan-telenovela na scenario. Gaya na lang noong ikinwento nito sa kanya kanina nang magkita-kita sila sa bahay niya. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 18 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MONTE COSTA SERIES #2: Beautiful BurnsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon