ALLIYAH POV
Hi im Alliyah Vera Luna
Kitang kita sa mukha ni alexa ang pag kainis hindi pa ba ito nakakamove on sa nangyari kanina. Pano ba naman kasi bigla syang tinulak nung guy pogi sana kaso para ang sama ng ugali nanakit ng girl tsk!
" Huy alexa yung mukha mo ayusin mo nga muka kang ewan HAHAHA JOKE" ani ko kay alexa sabay peace sa kanya
" Alliyah wag mokong maasar asar ha! naiinis pa din ako sa lalaking yun! Walang modo manulak ba naman daw ng babae pag nakita ko ulit isusumpa ko na talaga yun alliyah " ani ni alexa at namumula ang mukha sa galit
Pero ang cute nung guy na katabi nya. Ano kaya name non hindi bale pag nagtagal malalaman ko din name nung guy na yun kaso mukang masungit. Perfect combination naman yung makulit at masungit eh pag naging kami non masaya siguro yung relationship namin hehe.
Humarap ako kay alexa at tinignan ko sya ng seryoso at sya naman ay naka tingin din sa akin na punong puno ng pagtataka sa mukha.
" Hmmm alexa nakita mo yung guy na katabi ng nanulak sayo" ani ko kay alexa
" Hindi bakit?" nagtatakang sagot ni alexa
" AMPOGI NG GUY NA YUN ALEXA GUSTO KO MALAMAN YUNG NAME NYA HAHAHA" sigaw ko kay alex
" Hoy alliyah tigil tigilan mo yan ah ang babata pa natin" ani ni alexa sakin
"Naks nadadalaga na si Alliyah oh clarence" sabat naman ni denver
Ano ba yan dapat pala di ko na sinigaw yun inasar tuloy ako kainis naman baka kumalat to at makarating kay crush lagot na
" Hoy denver hayaan mo na yang si alliyah grade 11 naman na tayo eh kaya pwede na" ani ni clarence kay denver
Buti pa itong si clarence mabait
Nagdaldalan muna kaming apat habang hinihintay naming dumating yung advicer namin kasi daw may sasabihin syang importante actually wala naman kaming klase ngayon hinihintay lang talaga namin yung sasabihin ng advicer namin samin.
" Denver sama ka sa mall kasama ate mo ikaw din clarence para maka pagbonding ulit tayong pito bitin kasi yung kwentuhan natin sa camteen kanina " sabi ko sa dalawa
" Sige ba! punta tayo sa Time zone " ani ni denver samin
" Oh sige sige gusto ko dun " sagot ko kay denver
" Pre sama kaba " tanong ni denver kay clarence
" Sumama kana insan ako bahala kay tita ok " ani naman ni alexa kay clarence
" Oh sige basta ikaw bahala kay mommy ha " ani ni clarence kay alexa
Dumating na yung advicer namin at hindi naman mahaba yung sinabi ng advicer namin.
" Goodbye class! See you tomorrow ok ingat sa pag uwi" sabi ng advicer namin
Pagkalabas ng advicer namin nag madali kaming apat lumabas at pumunta sa room nila Jerwin
" Teka saan ba yung room ng mga grade 12" tanong ni alexa kay denver
" Dun sa second floor tabi ng hagdan " ani ni denver kay alexa
" Bilis puntahan na natin sila para makapunta na tayo sa mall yieee excited nako mag mall" ani ko sa kanilang
Dumating na kami apat sa room nila jerwin. Nakita naming may teacher pa sila at yung tatlo naman sa likod na upo kaya hindi kami makita tumalon talon si denver sa tabi ng pinto pero hindi sya nakikita ng teacher nila jerwin