Entry 2

1K 4 0
                                    

Tatlong buwan bago ang pangyayari…

Nagwagi nanaman ng gintong medalya si Justine sa larangan ng paglalangoy sa kanilang paaralan.

Ang lahat ay bilib na bilib sa kanyang pagkapanalo.

Nabanggit ng tagapagsalita na tatlong pagkapanalo na lang sa larangan na iyon at makakatanggap na siya ng scholarship sa paaralang papasukan niya sa kolehiyo.

Bago umahon si Justine ay nilapitan na siya ng kaniyang kasintahan na si Amy upang halikan at batiin.

“Mahusay mahal ko, mahusay!”, hiyaw ni Amy.

“Salamat. Mahal na mahal kita.”, balik na sagot ni Justine na may kasamang matamis na halik.

Sinalubong nina Ginoo at Ginang Peterson, at kanilang bunsong anak ang mahusay nilang panganay.

Batid sa mukha nila ang pagiging taas-noo nila sa galling ng kanilang anak sa larangan ng paglalangoy.

Sikat na sikat si Justine sa kanilang paaralan dahil sa kanyang karera.

Isa ring masipag na mag aaral si Justine. Inuukol niya ang mga labis niyang oras sa kanyang pag-aaral.

Kung hindi nama’y, naroroon lamang siya sa tahanan ng kaniyang kasintahan upang magpalipas oras.

Mabait na anak rin si Justine. Kung ano ang iniuutos ng kaniyang magulang ay yaon lamang ang kaniyang gagawin. 

Check charaters in here : https://www.facebook.com/media/set/?set=a.453728134689593.106674.452861648109575&type=1

Cyber Seduction : Ang Sikreto ng kanyang buhayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon