Entry 1

2.6K 11 5
                                    

Tahimik ang gabi.

Walang makikitang kahit na sino na umaaligid sa daan gayong dis-oras na ng gabi.

Isang estrangherong lalaki ang naglalakad at palihim na pumasok sa isang paliguan sa paaralan sa hindi mawaring dahilan.

Tumapat ito sa malalim na parte ng paliguan at doon makikita na ang estrangherong lalaking ito ay sugatan na pumuputok ang mga sugat sa kanyang mukha.

Batid sa kanya ang panghihina at pagkalumpo na nangyari lamang ilang minuto ang nakalilipas.

Wala ni isang salita ang namutawi sa kanyang mga bibig.

Ang kanyang nakakaawang mukha lamang ang nagbibigay pahiwatig na nasasaktan ang lalaki at umuungol na "Bakit nangyari sa akin ito? Bakit? Bakit?"

Sa labis na pagkahina, at marahil sa labis na pagkahiya sa kaniyang sarili, tinangka niyang h'wag ng magpakita sa kung sino mang nakakakilala sa kaniya.

Ibinuhos ng lalaking ito ang ang natitira niyang lakas upang lunurin ang kaniyang sarili.

Check photos in here: https://www.facebook.com/media/set/?set=a.453728134689593.106674.452861648109575&type=1

Cyber Seduction : Ang Sikreto ng kanyang buhayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon