Prelude

29 3 3
                                    


One person.

They say one person can change everything, raises the standards, makes you laugh, and makes you feel like you. I didn't believe it at first because I used to be bold and smart. I was a strong independent woman. I don't take risks because it's not worth my time. If you don't fight for me, then don't, because I won't fight for you either. I'd rather regret my decision than take risks.

But everything changed when I met him.

"Earth to Rhiannon?!" Verlyn shouted. Kanina pa kasi kaming nakatambay dito sa tapat ng school. Hinihintay lang namin si Jeremy at magtatake siya ng removals.

"What?" kumunot ang noo ko. "At bakit ka sumisigaw?" I hissed.

"Let's go home! Ang tagal naman kasi ng boyfriend mo." naiinip na sabi niya.

Jeremy is not my boyfriend. I like him but we're not yet together. Hindi ko nga alam kung bakit hindi niya pa ako nililigawan, lagi niya naman sinasabi na mahal niya ako pero wala pa ring label. It's not a big deal naman for me, at least naglalandian kami.

I rolled my eyes. "He's not yet my boyfriend."

"Luh sis? He's flirting with you since 1st year college! Mamaya ay graduate na tayo tapos wala pa rin kayong label." humalakhak siya nang bahagya.

I know but whatever.

"I don't care." I said while looking at my phone, waiting for Jeremy's text.

We waited for an hour but Jeremy is not yet here. Saan na naman kaya siya pumunta? Kapag hindi siya nakapagtake ng removals, hindi niya kami makakasabay sa graduation dahil magiging irreg siya.

"Pwede naman sigurong pumasok na tayo sa loob ng school no?" Verlyn sarcastically said.

"Mauna ka na." tipid kong sagot.

Iniwan ako mag-isa ni Verlyn sa labas at nauna nang pumasok sa loob ng school.

After waiting for a couple of minutes, I dialed Jeremy's number. Luckily, sinagot niya naman agad.

"Babe?"

Ugh.

"Where are you?"

"Fuck babe, sobrang traffic." he groaned.

"Oh, really Jeremy?" peke akong natawa. "Don't tell me, paghihintayin mo pa kami ng isang oras dito sa tapat ng school?"

Nakakairita. I'm not used to this. Kung hindi niya lang talaga ako sinamahan noon ay kanina ko pa siyang iniwanan. I'm just returning the favor but I fucking swear to myself, this will be the last time.

"Calm down, babe." he chuckled.

"Shut up! Kapag wala ka pa dito in 10 minutes, aalis na talaga ako." naiinis kong sabi.

"Ito na nga po." humalakhak siya. "Wait for me, okay? I love you."

Umirap lang ako sa kawalan at pinatay ang tawag. Akala siguro ng lalaking to ay marupok ako, well I'm not! Kaya kong lumayo sa kanya at huwag siyang pansinin.

Wala pang 10 minutes ay dumating na siya. Uh huh? I guess he's scared of losing me, but I'm not. Kahit gustong gusto ko siya, I won't take the risk. Ang dami dami pa namang lalaki sa mundo.

"Hey, I'm sorry." yayakapin niya na sana ako pero lumayo agad ako. No way.

"Tara na." naiinis kong sabi pero inakbayan niya agad ako. "Gusto mo bang maging irreg?"

"Traffic lang talaga, babe. Sorry na nga." umirap lang ako sa kawalan dahil naririnig ko ang tawa niya.

Wala ako sa mood makipagtawanan. Hindi birong maghintay ng halos dalawang oras sa tapat ng school.

An Honest MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon