I've been staring at my book for an hour now. Sobrang inaantok ako at gusto ko nang umuwi. Ilang weeks na ang nakalipas pero hindi pa rin ako makapag-focus sa klase. Mas maayos na rin naman na hindi kami magkaklase ni Jeremy kasi naiirita ako sa pagmumukha niya.
Napatingin ako kay Verlyn na nakikinig sa professor namin.
"Psst!"
Agad namang lumingon si Verlyn at seryoso akong tiningnan. "Why?" ani niya.
"Cutting tayo." mahina kong sabi.
"W-what? Why?" gulat niyang tanong.
Masasabi kong first time itong pag-cutting ko kung matutuloy man kami. Tinatamad talaga ako ngayon, hindi naman ako pasang-awa sa klase or what pero may alam din naman ako. Gusto ko lang talagang mag unwind ngayon. Marunong naman mag drive si Verlyn kaya sinasama ko siya.
"Basta. Let's go na."
Habang nagsusulat sa board ang prof namin ay kinuha ko na agad ang bag ko at lumabas na. Hinintay ko na lang si Verlyn dahil alam kong sasama din siya sa akin.
"Where are you going?" halos mapatalon ako sa nagsalita.
Damn. It's Jeremy.
"And why are you talking to me?" naiinis kong tanong.
"I miss you. I can't imagine my future without you, babe."
As if I care. Sobrang manipulative ni gago.
I rolled my eyes. "Pwede ba, Jeremy? Shut up."
"Tara na!" mabuti na lang at hinila agad ako ni Verlyn. Hindi rin naman nakasunod si Jeremy dahil nandoon ang barkada niya.
"Fucking asshole." I blurted.
"What did he do now?"
"Nagpapaawa na naman."
She rolled her eyes. "Sad boy."
Habang naglalakad kami ni Verlyn palabas ng campus ay napatingin kami sa may soccer field. May mga nagppractice ng cheerdance at mukhang mga first year college pa lang yata ang mga ito. Damn. Good old days. Nakakakamiss.
"Ugh. Bryan wants to see me later." Verlyn groaned.
Ilang weeks pa lang ang nakakalipas ay may boyfriend na ulit si Verlyn. Si Bryan. I don't judge my bestfriend dahil walang nagtatagal sa kanya, hindi niya lang talaga deserve ang mga lalaking iyon. Gwapo nga, sobrang gago naman.
"May date kayo?" tanong ko.
"Yes. Sa favorite niyang restaurant."
"Ditch." I teased her.
Umirap lang siya sa akin sabay tago ng phone sa bag niya. "Anyway, I have kwento." hagikhik niya. "Remember Iverson?" napataas ang kilay ko. "Oh, I know na sasabihin mo na anak na naman ng janitor."
"Why? Totoo naman ah." I chuckled.
"Bad!" she hissed. "Pinag-aagawan siya ng mga girls sa BS Pharma ngayon." natatawa niyang sabi.
I rolled my eyes. At bakit naman siya pag-aagawan? Sobrang gwapo niya ba? Mayaman?
"He's not that handsome."
"Gwapo kaya! Nakausap ko din siya last Monday, she's dating Antonette pala." hagikhik niya.
Nanlaki ang mata ko. "What? Antonette? As in Mary Antonette Perez?"
"Oo, girl. Eh diba bitch yun?" tumawa siya. "Hindi ko na lang sinabi kay Iverson. Baka sabihan pa akong judgmental pero true naman eh."
"Seriously? Pinatulan siya?" natatawa kong sabi. Miss CBEAM kasi si Antonette at ang ggwapo pa ng mga naging boyfriend niya, tapos malalaman ko na lang na nakikipag-date siya sa anak ng janitor.