AHM 1

29 1 0
                                    

Nanatili pa rin ang tingin ko sa nakalahad niyang kamay. At bakit naman ako makikipag-shake hands sa kanya? We're not even close and I don't like him.

"Rhiannon." Verlyn called my name.

Tumingin lang ako sa kanya at natawa. "Ano na naman?"

"Sorry." sabay bawi nung Iverson sa kamay niya.

"Sorry, Iverson. Hindi lang talaga friendly si Rhia." ani Verlyn.

Kumunot naman ang noo ko at tiningnan nang masama si Verlyn. "I just don't like talking to strangers." seryoso kong sabi.

"Okay lang. Sorry ulit." ngumiti lang siya at lumingon ulit kay Verlyn. "Kailan pala kayo mag-eenroll?"

"After new year siguro. Ano bang major mo?"

"Marketing. Kayo ba?" hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi niya.

Saya ka?

"Human Resources kami!! Sumabay ka na lang samin!" natutuwang sabi ni Verlyn.

Luh. Bakit naman siya sasabay samin? I don't even know him and hindi siya belong.

Napansin kong sumulyap siya sa akin at ngumiti. "Hindi na. May trabaho pa kasi ako dito at madaming inaasikaso."

"Oo nga, Ver. Bakit mo ba siya niyayaya?" irita kong sabi.

"Why are you so rude, Rhia? Grabe ka kay Iverson." seryosong sabi naman ni Verlyn.

Hindi na lang ako nagsalita at tiningnan na ulit ang phone ko. Ang tagal naman nina Jeremy at Josef? Saan na naman kaya pumunta ang mga yon at inabot ng ilang minuto sa pagyoyosi?

Nahagip naman ng mata ko ang dalawang mag jowa sa kabilang table. Sobrang lapit nila sa isa't isa at nagsusubuan pa. I wonder what it feels like to be that showy kasi hindi talaga ako komportable sa ganon. Mas gugustuhin ko pang tago ang relationship namin kaysa maglandian sa harap ng madaming tao. Nasanay din naman ako kay Jeremy na palagi akong inaakbayan dahil wala lang iyon sa akin. Hindi kagaya ng nakikita kong halos maghalikan na in public. Thankfully, we're not like that.

"So.. may girlfriend ka ngayon?" humagikhik si Verlyn. Ugh.

"Wala." he laughed.

"Really? I thought you were dating Dianne! Yung Bs Pharma?"

"Fling lang before." he chukled.

Narinig ko ang malakas nilang tawanan. So annoying. I'm not eavesdropping, talagang malakas lang ang boses nila at rinig na rinig ko. Feeling ko rin ay malandi itong anak ng janitor. Naalala ko nung pumalit siya kay Kuya Roel, lagi niyang kinakausap yung mga babae sa CAMP. Bakit ba sila papatol sa kagaya niya? Ang gross kaya.

Maya maya ay nakita kong masama ang tingin ni Josef habang papalapit sa amin. What the hell is happening? Nag-away ba silang dalawa ni Jeremy or what?

"Fuck you!" napatayo ako nang makitang sinuntok ni Josef si Iverson. Oh my god. I didn't see it coming.

"What the? Josef!" Verlyn screamed.

"How dare you talk to my girlfriend?" galit na galit na sabi ni Josef.

"You're not my boyfriend and we were just talking!" sigaw ulit ni Verlyn. Nang makatayo si Iverson ay susuntukin ulit sana ni Josef pero pinigilan agad siya ni Jeremy. "Can you please stop, Josef?!" she hissed.

"Tangina, umayos ka!" mas lalong sumama ang tingin ni Josef kay Iverson.

I breathed heavily. The fuck! Ayoko talaga ng ganito. Ayoko ng gulo dahil nakakahiya! Ang daming nakakakita at ayokong madamay. Mas gusto ko pa talaga ang tahimik na buhay.

An Honest MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon