09

3.9K 82 0
                                    

CHAPTER NINE
THIRD ANNIVERSARY

Maxine Anne's pov.

Maka-asta siya ngayon na parang walang girlfriend at may pake sa'kin, hindi ko na lang pinansin si Maxwell hanggang ma-discharge ako sa hospital. Andami kung na miss sa klase, dahil sa lintik na pag-ka-confine ko sa hospital dahil sa sariling katangahan. Hindi, hindi ko na talaga uulitin pa. Ayaw ko nang ma-ospital, bumabalik lang sa'kin ang lahat.

"Kailan ba ako pwedeng pumasuk, Maxwell?" inis na tanong ko naman sakanya.

"Kaya mo na ba? Eh, nahihilo ka pa rin, eh." sabi naman niya sa'kin. Tama naman siya, nahihilo pa rin naman ako hanggang ngayon, kaya ilang araw na rin siyang hindi pumapasuk dahil binabantayan niya ako at ngayon naman.. dapat susunduin niya sila Mamá, Papá at si Brent ay nag-utos na lang siya sa family driver nila dahil hindi niya ako maiwan-iwan. Tumaas na rin 'yung grado ng mata ko, kaya talagang sermon ang inabut ko kaila Mommy, kuya Travis at Maxwell last day.

"Okay na ako. I just want to go to school, right now. Andami ko nang mga absent dahil na-confine ako!" inis na sabi ko naman sakanya.

"Eh ano naman ngayon?"

"It can affect my grade, Maxwell!"

"Alam ko.."

"Alam mo naman pala eh, payagan mo na akong pumasuk!" inis na sabi ko naman sakanya.

"Okay fine, next week pumasuk kana." tangina monday palang ngayon.

"Tangina mo po talaga, Prof!" inis na sabi ko naman sakanya saka siya tinalikuran.

"Hoy Maxine!"

"Wala akong naririnig Maxwell!"

"Ang ingay niyong dalawa!" natigilan ako sa pag-lalakad nang marinig ang boses na 'yun, napalingon naman ako kung sino 'yun.. and it was.. Mom.. Maxwell's mother, kasama si Dad.. at si Brent.

"Nag-aaway na naman ba kayong dalawa?" si Dad.

"Eh, si Maxwell po kasi ayaw akong papasukin sa school." seryosong sabi ko naman, kita ko naman kung pa'no napatingin sa'kin si Maxwell saka niya ako sinamaan ng tingin.

"Kulit naman, kakalabas mo palang sa hospital gusto mo na bumalik ng school?"

"Teka? Anong kakalabas lang ng hospital?" takang tanong naman ni Brent kay Maxwell.

"Kasama niya kasi 'yung kaibigan niya 'nung time na 'yun, alam nang masama na 'yung pakiramdam ano pang ginawa? Gumala pa!" inis na sabi naman ni Maxwell kay Brent, inis ko naman siyang sinamaan ng tingin. Talagang sinadya niyang diinan 'yung salitang kaibigan.

"Bakit? Ano bang nangyari?" si Mamá.

"She got collapse because of stress. At walang pahinga, ilang beses ko na siyang sinabihan na mag-pahinga anong ginawa? Sige pa rin, ending niya, Má? Collapse. Antaas pa ng lagnat." seryosong sabi naman ni Maxwell, aware naman ako 'dun sa ganung sitwasyon ko, bigla-bigla na lang ako nag-c-collapse dahil sa stress. Kaya madalas talagang nag-a-alala si Maxwell.. or si kuya sa'kin.

"May nangyari na naman ba, Maxine?" seryosong tanong naman sa'kin ni Papá, kaya naman napatingin ako sakanya.. saka ako umiling.

"Uh.. aakyat lang po muna ako, mag-papahinga lang po saglit." seryosong sabi ko naman sakanila. Umakyat na lang ako ng kwarto. Nang makarating ako sa kwarto ay agad kung kinuha 'yung phone ko para i-chat sila Yasmine at Jasmine.

tres de' marias

Maxine Monteverde: may mga activities bang pinapagawa? Pasend ako:( ayaw pa kasi akong papasukin ni Maxwell:( gusto ko nang pumasuk pero next week niya pa ako pinayagan:(

My Professor Is My Husband [ under major editing ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon