one hundred eighteen

494 16 9
                                    


LISA

Hapon na at hanggang ngayon, wala pa din sina Kuya Tao at Ate Jihyo. Luh. Ang aga pa kaya nilang umalis. Nagtagal yata sila doon kina Tita Lia. Pero okay lang naman sa akin, isa pa.. matagal din hinding nagkita sina Kuya Tao at Tita Lia. Baka ang dami na nilang pinag-usapan. HAHAHAHAHA!

Nakikipagchat lang naman ako kay Jungkook dito ngayon, pero minsan nagchachat din naman ako sa gc namin nina Jennie unnie.

Habang gumagamit lang ako ng phone dito, narinig ko naman na malakas na bumukas yung pintuan mula sa baba. Nagulat pa ako dahil naisara din yun ng malakas. Teka, sina Kuya na ba yun?

"Lisa, bumaba ka dito!" nagulat naman nung narinig ko ang sigaw ni Ate Jihyo. Bigla naman akong kinabahan. Galit ba si ate?

Dahan-dahan naman akong napatayo, at huminga nalang nga ako ng malalim. Papalabas ako ng room ko. Pagkalabas ko, sinara ko na yung pintuan ng room ko. Tsaka papababa din ako sa room ko ngayon. Habang papababa ako, naririnig kong parang nagtatalunan sila ni Kuya Tao.

"Ano ba Jihyo, sasabihin mo na ba kay Lisa yun?! Hindi mo man lang ba iniisip yung mararamdaman niya?!"

"Mas mabuti ng malaman niya na agad! Bakit kasi sa lahat ng tao, bakit yung tao pa na yun?!" naiinis na tanong ni Ate Jihyo sa kanya.

Agad naman ako nagtaka sa mga pinagsasabi nila. May sasabihin sila sa akin? May dapat akong malaman?

Hindi ko alam, agad akong kinakabahan. Ang bilis na naman ng tibok ng puso ko. Sobra akong kinakabahan kahit hindi ko alam kung ano yung sasabihin nila.

Sana naman.. hindi masamang balita.

Huminga ako ng malalim, "Ate.. Kuya?" kinakabahang tanong ko sa kanilang dalawa tsaka naman sila napatingin sa akin.

Mas lalo akong kinakabahan kay ate Jihyo dahil mukhang seryoso siya talaga ngayon. Pero dahan-dahan pa din akong lumapit sa kanila kahit sobra na akong kinakabahan dito.

"A-ate, kuya.. anong meron?" kinakabahan na tanong ko sa kanila.

Tinignan ko lang naman silang dalawa. Pero iniwasan lang ako ng tingin ni Kuya Tao, pero si Ate Jihyo.. nakatitig lang sa akin. Pero maya-maya, nagulat ako nang nakita kong umiiyak na siya. Mas lalo tuloy akong kinakabahan.

"Ate.. anong meron? Bakit ka umiiyak? Kinakabahan na ako. May dapat ba akong malaman?" nag-alala kong tanong sa kanya.

Tinignan niya naman ako, "Oo, Lisa. May kailangan kang malaman. Itatago sana namin 'to ni Kuya Tao mo sayo. Pero.. mas mabuti ng malaman mo na agad para hindi ka masaktan sa huli. Tsaka sa lahat, may karapatan ka Lisa." naiiyak niyang sambit sa akin.

"Pero ate, bakit ka umiiyak? Ano ba ang ipapaalam niyo sa akin? Please. Gusto ko ng malaman." kinakabahan na sambit ko sa kanya.

"Sana hindi ka mabigla sa sasabihin ko, Lisa. Pero ihanda mo ang sarili mo.. please lang. Alam ko masasaktan ka ng todo eh." naiiyak na sambit ni Ate sa dahilan na mas lalo lang bumilis yung kabog ng puso ko.

"Ano na ba yun ate? Tungkol saan ba yung sasabihin mo sa akin? Sobrang naguguluhan na ako ngayon."

Habang umiiyak siya, tinignan niya ako ng seryoso sa mga mata ko, "Tungkol kay Mama at Sehun, Lisa."

Mama at Sehun? Anong meron sa kanila? Bakit nadamay naman dito si Sehun? Bakit parang ayaw ko nalang alamin?

Hindi ko alam, mas lalo lang akong kinakabahan.

- - -


























































crush | hunlisaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon