15

111 12 1
                                    

KABANATA 15
Guinevere


“Gusion is here,”

“Ano pang ginagawa mo? Kung ayaw mong mag ayos puntahan mo na sa sala dahil baka masuntok pa ni Dad ulit yon” ani Lancelot.

“hala,” mabilis naman akong bumaba upang siguraduhin kung naroon nga si Gusion.

Napaatras ako ng marinig na nag uusap si Dad at Gusion, totoo ngang naririto si Gusion, at hindi ko alam kung paano ako haharap sa kanya. Tinotoo niya ang sinabi niya, naririto siya sa bahay namin.

“Ikaw si Gusion?” baritonong tanong ni Dad, hindi ako nakatuloy at nagtago na lamang sa hagdan. Kinakabahan ako sa usapan nila, masyado itong seryoso at natatakot kung anong sunod na mangyayari.

“Ah, yes sir. Ako po iyong pumunta sa opisina ninyo noong nakaraan,” sagot ni Gusion sa mababang tono. Dumagundong na naman ang puso ko sa kaba.

“I see, naalala kita. Ikaw iyong piloto diba?” hindi nabago ang tono ni Dad, nakakatakot at nakakakaba iyon lalo. “Tama ba ang balita kong nakapasa ka raw?”

“Ah, tama po ako iyon. And yes sir it's true, I passed the exam. I'll take my first flight to Paris next month.” Kalmadong sagot ni Gusion. Teka, bakit ba ako ang kinakabahan sa usapan nila?

“See,” napahawak ako sa dibdib ko nang makitang tumayo si Dad. Mas lalo akong napakapit sa hagdan ng tumayo rin si Gusion, ganito ba mag usap ang mga lalaki? Nakakatakot naman ata.

Muntik na akong tumalon sa aking kinaroroonan ng makita kong nag angat ng kamay si Dad, ngunit agad akong napaatras ng umangat rin ang kamay ni Gusion upang tanggapin ang kamay ni Dad.

“Congratulations,” ani  Dad at tinapik ang likod ni Gusion.

“Th—thanks sir,” nakangiting saad ni Gusion, pagkatapos ay ngumiti rin ang Dad ko at muling bumalik sa kanyang upuan.

oh my gosh akala ko kung ano na. Ganito ba mag usap ang mga lalaki? Nakaka trauma naman ata.

“Anong pakay mo rito hijo?” tanong ni Dad.

“Ah, I just want ask you if I can borrow your daughter this night?”

Nagharumentado ang puso ko dahil sa sinabi ni Gusion, gusto kong gumiling sa kilig at saya, ngunit naroon pa rin ang takot ko dahil sa maaaring sagot ni Dad.

“What?”

Tuluyan na akong nakalabas sa aking pinagtataguan ng tumaas ng boses ni Dad at itulak ako ni Lancelot. Sabay silang napalingon sa presensya ko, nilingon ko si Lancelot na nakangisi sa akin  at sinamaan ko ng tingin. Dahan dahan akong lumapit sa kanila ng hindi malaman kung ano ang gagawin.

“Ah—Dad, ano po uhm.” Napaiwas ako ng tingin ng tumaas ang kilay ni Dad.

Napatayo si Gusion pagkakita sa akin at nginitian ako, ngumiti ako pabalik at agad ring nag iwas sa mga nakakapaso niyang titig. Ang gwapo ng piloto ko, sino bang hindi maiilang at maiinlove dito?

“Magcecelebrate lang po sana ako kasama siya,” saad ni Gusion at sandaling lumingon kay Dad muling itinuon ang paningin sa akin. Bahagya naman akong nahiya dahil sa hitsura ko. Nakasuot ako ng pantulog at gulong gulo ang buhok.

“Kayo lang?” kunot noong tanong ni Dad.

Mabilis na lumingon sa kanya si Gusion at awkward na ngumiti, “AH—I mean sir, you are all invited for the celebration, it's just that—”

“Dad, payagan niyo na. Besides, ibabalik naman dito ni Gusion si Guinevere bago mag umaga hindi ba?” biglang singit ni Lancelot. Nagpasalamat naman ako dahil doon, kung hindi ako magpapalamon na ako sa sahig na kinatatayuan ko.

Her Last Farewell |𝓖𝓾𝓖𝓾✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon