Dali dali kaming umakyat sa itaas ng matagpuan na lang namin kinukuyog na si Kejix ng mga zombies.
"KEJIX!" Sigaw ni Andree.
"He is not the Kejix we know anymore." I said.
Maya maya pa ay tumayo si Kejix at itsurang zombie na sya dahil may kagat niya sa leeg. Nakatingin siya sa amin at mukhang hahabulin na kami ano mang oras.
"RUN!" Sigaw ni Aveira.
Tumakbo kami ng mabilis paibaba at agad na tumungo sa secret escape.
Medyo nakalayo layo din kami sa mga humahabol sa amin, marurunong silang tumakbo ngunit hindi kasing bilis namin. Tumugil kami ng sandali ng makalabas na kami sa secretetong ruta namin palabas. Tumigil kami pansamantala upang magpahinga dahil halos isang kilometro ang layo namin mula sa bunker namin na puno na ng zombies ngayon.
"Nasaan na ba yung Helicopter na binili mo?" Saad ko habang hinahabol ang aking hininga dahil sa pagod.
Agad namang tumugon si Aveira. "Hindi ko ilalagay yun dito sa ilalim, hindi ako tanga no."
"Approximately a kilometer and a half mula dito sa kinatatayuan natin." She said while she also catch her breath.
"WHAT?! Bakit ang layo?" Tanong ni Kenzo.
"Tumigil ka na kaka reklamo, Patuloy nila tayong hinahabol." Tugon ni Andree.
"We lost Kejix." Saad ni Ybarro habang halata sa itsura niya ang pagka dismaya.
"Kung hindi tayo magpa patuloy sa paghanap ng vaccine, isa isa nila tayong lilipunin. Kailangan nating magpatuloy sa ating paglalakbay." Agad namang tugon ni Aveira.
"Hindi na iyon si Kejix na kilala natin, Zombie na siya." Dagdag ko pa.
Habang nasa kalagitnaan kami ng pagpapahinga, nakarinig na naman ako ng mga hakbang sa isang hukbo ng mga zombie at lumalakas ito habang tumatagal.
"Shhh, I heard them." I said.
Agad naman silang hindi umimik at narinig den kung ano ang akin sinasabi.
"Tara na!" Saad ko sabay takbo.
Tumakbo na ulit kami habang si Aveiry ang nag tuturo sa amin kung saan ang tamang daan.
"We are almost there." Saad nito.
Athena replied, "Almost? It feels like forever."
"Trust me, we are close." She said.
May natanaw naman akong bakal ulit na malaking pinto sa may dulo ng daan. Nasa dulo na kami ng kabihasnan. Mga bundok na ang narito.
Lumapit si Aveira sa bakal na pinto at binuksan ito. Agad naman kaming pumasok at nakita ang isang helicopter.
"Hindi mo naman sinabi na mayroon pala tayong ganito?" Tanong ni Ybarro.
Agad namang tumugon si Aveira, "Syempre para surprise."
"Ang ganda dito." Saad ni Athena habang pinagma masdan ang paligid.
"Hindi tayo puwedeng manatili dito, hinahabol tayo ng mga Zombie sa labas. Kailangan nating maka - alis sa lugar na ito sa lalong madaling panahon." Tugon ni Aveira.
"Sino magpapa takbo ng bagay na yan?" Tanong ni Kenzo.
"Syempre ako, marunong ba kayo?" Pananarkastiko ni Aveira sa amin.
Sumakay na si Aveira at simulang paandarin ang Helicopter.
"Sasakay ba kayo o hindi?" Tanong nito.
"Teka pala." Agad na saad ni Aveira bago kami sumakay.
Lumapit siya sa isang monitor. "Saan ulit tayo pupun-" Napatigil siya sa kaniyang pagsasalita ng may bigla kaming narinig na pag puwersiya sa bakal na pinto.
Kinuha ni Aviera ang isang maliit na tablet at saka sumakay sa helicopter.
"Sakay!" Saad nito.
"Bakit basag yung bintana nito?" Tanong ko.
"Basag?!" Tanong nito.
"It doesn't matter, sakay na bilis!." Utos nito sa amin.
Agad naman namin itong ginawa at sumakay sa helicopter
"HURRY UP!" I said while panicking.
YOU ARE READING
The Last Man (Complete)
AléatoireDo you believe in Zombie Apocalypse? Do you think there's going to be such a thing in real life? Let's join Dexonius and his friends in the fight against the army of monsters and take home the remedy they seek to spread the unusual species. Who do y...