Chapter 15

7 0 0
                                    

Pinagbabaril namin ni Aveira ang mga Zombies habang hinahabol kami sa Tunnel, ngunit sobrang laki ng hukbo nila at hindi namin sila maubos. Sa halip, ang mga bala namin ang naubos.

Wala ng natira samin ngunit nagpatuloy lang kami sa pagtakbo. Hindi na namin tinangka pa manlaban sa hukbo ng mga halimaw na iyon para lang makapasok sa sikretong laboratoryo dahil mamamatay lang kami doon. 

Dali dali kaming umalis ni Aveira sa tunnel na iyon bago pa kami abutan ng mga Zombies.

"Saan na tayo pupunta?" Tanong ko habang hinahabol ang aking hininga.

"Doon!" Turo ni Aveira sa isang mataas na building. "Doon muna tayo mag tago."

Agad kaming pumasok sa building na itinuro ni Aveira. Nagdahan dahan kami sa pagpasok ng building. Mabuti na lang at wala akong naririnig na kahit anong Zombie sa building na ito. 

Agad kaming umakyat ni Aveira sa rooftop ng building na ito, dahil ang iniisip namin at mahihirapan umakyat ang mga Zombie sa building na ito dahil matayog ito.

"I'm so tired." Saad ko habang umaakyat kami.

"Me too." She said.

Napagtagumpayan naming maakyat ang tuktok ng building na ito at umupo sa may dulo nito.

"Sunset na oh." Saad ko.

"Ang ganda oh." tukoy niya sa araw sabay ngiti.

"Ito na siguro ang huling beses na makikita nating ganiyan kaganda ang araw." Saad ko.

Agad naman siyang lumingon sa akin, "Bakit naman?" Tanong nito.

"Pakiramdam ko katapusan na din natin ngayong araw." Malungkot kong sabi.

"Kung katapusan na nga natin, may gusto lang akong sabihin sayo." Saad niya habang nakalingon sa ibaba.

"Hmmm?" Tugon ko at tumingin sa kaniyang mga mata.

"Alam mo, matagal na kitang gusto. Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa isang kagaya mo diba? Varsity ng University natin, Top Academic Awardee, Magaling na Leader. Hindi ko nga alam kung bakit ngayon ko lang ito sinabi eh. Siguro? Iniisip ko na hindi mo ako magugustuhan, Sino ba naman magkakagusto sa akin? Anak ako ng-" Hindi niya natapos ang kaniyang nais sabihin ng bigla akong sumabat.

"Ako, bakit hindi?" Nagka tinginan kami sa mata, kitang kita ko sa kaniyang mga mata ang pag ning - ning nito.

"Napaka cool mo kaya, Isa kang Anak ng Mafia Boss, sobrang galing mo din mag lead, tapos masarap ka pa magluto." tugon ko.

"Naalala mo ba nung mga bata pa tayo?" Saad niya sa akin.

"Noong-"

--FLASHBACK--

Aveira's POV

"HAHAHAHA kababae mong tao, baril ang mga hilig mo?" Saad ng babaeng nambubully sa akin.

"Eh ano bang pakialam mo, gusto ko maging katulad ng papa ko pag laki ko eh." Tugon ko sa kaniyang sinabi.

"Kagaya ng papa mo? Kriminal? HAHAHA." Saad nito sabay tawa.

"Tama na, hindi kriminal ang tatay ko." Sagot ko habang pinipigilan ang aking mga luha yakap yakap ang isang laruang baril.

Lumapit ka sa akin at ipinag tanggol mo ako noong mga oras na iyon.

"Hoy! Wag niyo na nga awayin si Aveira. Ano naman kung gusto niya maglaro ng mga baril?" Saad mo.

"Pinagta tanggol mo na naman yang 'girlfriend' mo Dex." Saad nito sa iyo.

"Oo, girlfriend ko siya bakit? Mabait kasi siya, hindi kagaya mo na masama ang ugali." Tugon mo at tinulungan mo akong tumayo.

"Umalis na tayo dito. Hindi kita pababayaan, wag ka ng malungkot. Lagi lang ako nandito para sa'yo" Sabi mo sa akin noon. 

--END OF FLASHBACK--

"Hindi mo ako binigo Dexonius." Saad ko sa kaniya.

Tumugon naman siya, "Wow, naalala ko na." 

Agad kong isinandal ang aking ulo sa kaniyang balikat at pinanood namin ng sabay ang paglubog ng araw. 

"Tandaan mo, hinding hindi kita pababayaan, Lagi akong nandito para sa iyo." Saad nito sabay halik sa aking noo.

"Kahit sa kabilang buhay?" Tanong ko.

"Kahit sa kabilang buhay, mahal na mahal kita." Saad nito dahilan para bumilis ang tibok ng aking puso.

"I love you more." Tugon ko.

"Para rin ito sa kanila." Saad ko at kinuha ang isang litrato na nakalagay sa aking bulsa.

"Yan yung nag lunch tayo bago mag ensayo diba?" Tanong niya.

"Ito nga." Saad ko sabay ngisi.

~~~


The Last Man (Complete)Where stories live. Discover now