Prologue

24 1 0
                                    

"Sigurado kang nakalimutan mo na siya?" tanong sa'kin ng isang best friend ko, si Khayle. Kung nagtataka kayo kung sinong pinag-uusapan namin..makikilala niyo siya...

"Kailangan inuulit-ulit? Akala ko ba tutulungan mo ko? Tulungan lang bro..."

"Sabi ko nga eh...sige na nga, di na kita tatanungin tungkol sa kanya..." nagsmile pa siya...sus...panget talaga intong nerdy kong bespren!

"Hays...magka-college na tayo....san ka ba papasok?"

"Ewan...hindi na ako siguro magka-college..kapos kami eh..."

"May scholarship naman ahh?" napataas tuloy ang kilay ko..nagpapalusot lang ba'to?

"Pwede kaso...bahala na!" winave niya pa yung kamay niya na parang inaalis sa isip niya yung topic..k fine!

"Tssss...sige na, bye bye, matutulog na'ko..." at sinara ko na ang aking bintana..oo sa bintana kami nag-uusap...so yun nga, edi natulg na'ko, kasi bukas, I'll be taking my college entrance exam! Medyo maliit kasi yung barangay namin so you can't really expect na may college malapit dito....

#Next Day#

"Ma! Ready na'ko! Tagal mong maligo jan!" kinatok ko pa si Mama sa banyo namin. Ang tagal eh!

"Ay, oo teka sandali lang! Teka umalis ka nga muna!" anu daw!?

"Huh?"

"H-hindi ikaw..."

"May kasma ka ba jan sa loob!?"

"W-wala..wala...bat mo naman naitanong? Naliligo ako oh!" tsaka ko lang narinig yung tunog ng shower...sabi ko na nga ba eh...pagkapihit ko ng door knob, ayun si Mama! May kasama nanamang lalaki sa loob ng banyo! Buti naka-damit siya ha. My Ghad. -.-'

"Bat ka ba basta-basta pumapasok!?"

"Hay nako Ma, sa susunod wag kayong magpapahalata! At bilisan niyo na po! Male-late na'ko! Malayo pa ang Maynila! At ikaw Kuya na kasma ni Mama sa banyo, labas!" at hinintay ko muna siyang tuluyang makalbas ng banyo bago isara yung pinto...

"Sorry ha..." nag-apologize naman si Kuya.."Wala naman kaming ginagawa eh..." Pssshhh..that's what they all say...

"Oo na, oo na..." pinaalis ko na siya sa bahay. Mga shunga. ano ako uto-uto? Sa mga nagtataka, ganyan na si Mama, ever since iniwan kami ni Papa eh...ayan na, kung sino-sinong lalaki ang kasama...kung saan-saan....tsss..sanayan na lang siguro yan...

"Ayan na! Natapos din! Tara na!" nakalabas na si Mama sa banyo, siyempre bihis na..ang bilis noh?

"Teka hindi pa tayo kumakain!"

"Anong hindi? Ikaw lang hindi...tara na!"

"So gugutumin mo ako ganun?" oh diba? Talakera din si Mama? Mana-mana lang yan!

"Hay nako di ka pa busog dun kay Kuya na kasama mo kanina?"

"Ay nako! Ikaw talagang bata ka! Tara na nga!" Oh diba, umiiwas lang din siya....

=After the test=

"Oh ano, kamusta test? Mahirap ba?" si Khayle nanaman...

"Medyo...?"

"Bat parang hindi sure? Minani mo lang naman ata eh..."

"TALAGA!" sabay flip ng hair at pumasok sa bahay. Lol ang taray ko ngayon..wala naman ako ngayon...kahit yung kasama ni Mama kanina tinarayan ko...

Hay! Hindi pa pala ako nagpapakilala! Ako si Sofia Elise Cortez, or should I say, ganda? Lol. Chos lang. Haha so much for a first impression, I'm currently 4th Year in High School, and kanina lang, I took my college entrance exam sa St. Elizabeth University, it's not that well-known but the facilities are good at tsaka compared sa ibang schools, *medyo* mas malapit siya sa amin, so hindi ako masyadong mapapagod kapag bi-biyahe when I visit Mama here...

So much for that! Yung pinag-uusapan namin ni Khayle kanina, he's Tom...or Thomas Aldrin Maniego III....he's actually my ex, who left me for no apparent reason..or maybe he does, pero hindi niya sinabi sa'kin, let's just say he left me na umaasa hanggang sa nabalitaan ko na lang na lumipat sila ng bahay..kaya ayun....nagmukha akong tanga kakahintay sa wala...but whatever, it's been a year and I've moved on! :P

Well cut the drama, sobrang pagod na'ko, at kung inaakala niyong mani-mani lang sa'kin yung exam kanina...oo tama kayo, mani nga lang.

║Mine (TOMIA)║Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon