Chapter 3

3 1 0
                                    

Ivy's POV

Kakatapos lang ng trabaho ko hindi ako sasabay kila Natasha sa pag uwi alam ko naman kasing uusisain lang nila ang nangyari at ayoko nun

Naglalakad ako ngayon papuntang bahay Ewan ko lang kung nadun na si mama minsan kasi di na yun nauwi sa bahay

Habang nag mumuni-muni ako sa daan ng may biglang humarang na tatlong lalaki sa daan na ni lalakadan ko

" hi miss ganda " nakangising sabi ng lalaki sa kaliwa

Lalagpasan kona sana sila ng biglang may humawak sa braso ko sinubukan Kong Kumawala ngunit sadyang mas malakas sila sakin

Hinila nila ko sa madilim na parte

" tulong!!!!!- acck " hingi ko ng tulong subalit sinikmuraan ako ng isa sa mga lalaki na dumukot sakin

Tinakpan nila ang bibig ko " mmmm!!!! "

Naiiyak nako hinahawakan nila ang iba't ibang parte ng katawan ko natatakot ako madami pa kong pangarap sa buhay ko napapikit ako ng maramdaman kong napunit na ang T-shirt na suot ko

Ngunit nagulat na lamang ako ng may biglang akong narinig na balibag may narinig pakong nabasag na bote hanggang sa unti unting nilamon ng dilim ang paligid ko

.......

Nagising ako sa isang kwarto kulay krema ito nilibot ko ang paningin ko hanggang sa mataandaan ko ang nangyari kagabi

O______O

Napabalikwas ako ng upo kasabay ng pagbukas ng pinto

" Gising kana pala ako nga pala yung nakakita sayo kanina " s-si Renzo? Si Renzo ang nakakita sakin at ang nag ligtas sakin

" R-renzo? " Gusto kong kumpirmahin baka nag mamalikmata lang ako

" yes ivy? "

" ikaw ang nag ligtas sakin? "Tanong ko na siya namang tinanguan niya sabay ngiti

" kumain ka muna bago kita ihatid sainyo baka nag aalala na parents mo "nakangiti parin siya sakin hanggang ngayon

Memories(ON GOING)Where stories live. Discover now