Chapter 1: "Special Day"

28 0 0
                                    

[Jean’s POV]

1 message received

ILH: San ka? Bakit wala ka sa klase?

2 messages received

ILH: Hey!! I’m worried. San ka? Puntahan kita.

3 messages received

ILH: Hindi ka ba talaga sasagot? Sige ka magka-cutting class na ako!

***

Umagang umaga nasisira araw ko.

Hindi ko kayang pumasok ng ganito.

I want to calm myself.

Saan naman kaya ako pwede pumunta?

Ayun! Dito muna ako sa mini forest park.

Gusto ko munang mapag-isa kasama ng Walkman phone ko.

The best talaga magpagaan ng loob ang music eh. Buti pa ang mga kanta naiintindihan ako. Mga magulang ko, hindi.

[♪♪ Today my life begins by Bruno Mars]

Tahimik na akong nagmumuni-muni sa park nang may biglang nagtakip ng mga mata ko..

“Hon…” tinanggal ko agad ang mga kamay niya sa pagkakatakip sa aking mga mata.

“Good morning hon. Bakit di ka pumasok? At hindi ka rin sumasagot sa texts ko?”

“ai sorry. Nagtext ka ba?” nagbigay lang ako ng isang mahinang ngiti.

“oo. ok ka lang? bakit parang ang lalim nanaman ng iniisip mo?”

“si mama kasi eh..”

“mama nanaman? Eh wala bang araw na hindi ka magrereklamo tungkol sa kanila?”

“nagagalit ka ba? Please naman, Borjie, wag mu na dagdagan stress ko. Kita mu nang sira na umaga ko ehh”

“oh I’m sorry, hon. I just thought kasi that you’ll be happy today on our first monthsary.” Bigla syang sumimangot.

Oh my siomai! Nakalimutan ko!

“ha? Ah.. uhm, sorry hon. Hindi ko naman talaga nakalimutan eh. Sadyang nasira na kasi araw ko kaya wala ako sa mood magcelebrate.”

Ok na kaya yung rason ko? Maliban sa nakalimutan ko talaga ang araw namin, tama naman na yung iba kong sinabi ahh.

“ahh ganun ba? Sige. I understand” malungkot niyang tugon sa akin.

“sorry na hon ah? Bawi ako today promise.” Ngumiti ako sa kanya. Seryoso ako. Gusto kong makabawi sa pagkalimot ko.

“sige ok lang naman kung wala ka sa mood. Wag mu ng pilitin sarili mo.”

 Sambit niya habang nakatingin sa malayo’ t nakasalumbaba.

Haru! Ang cute talaga ng boyfriend ko. Nagpapasuyo na naman J

“pls patawarin mo na ako. Sorry na. Sorry na.”

Kiniliti ko sya sa leeg dahil alam kong yun ang tanging kahinaan niya.

Nang maramdaman ko na ang mga tawa niya, alam kong ok na naman kami..

“tama na, hon. Hahahahaha. Ok pinapatawad na kita. Hahahaha.”

Oh di ba? Minsang lambing lang katapat niya… easy to get! Haha

Bigla akong natahimik habang nakatingin sa kanya.

Parental LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon