[Borjie’s POV]
Pumasok na kaming dalawa sa klase.
Sunud-sunod ang klase kaya hindi kami makapag-usap ng matino at matagal..
Pero kapag tinitignan ko sya, parang ang lalim parin ng iniisip niya.
Para syang nag-iimagine na ewan.. ehh papaano, nakangiti habang nakatingin sa malayo..
Sino naman kayang iniisip niya????? Naku! Malaman laman ko lang na ibang lalaki yun, lagot silang dalawa sakin. :/
Haay! Paranoid???!
Teka maiba nga ako… may gusto pala akong sabihin kaninang umaga sa kanya kanina kaso naunahan ng pagtatampo ko.
Kelan ko kaya maitatanong yun? Papayag naman kaya sya?
Sabi niya babawi sya sa akin today.. un na kaya ang farewell treat nya sakin?.. sa amin?..
.
.
.
Yun malapit na ang dismissal.. sa wakas, makakapag date na rin kami..
Kaso kanina parang excited ako na tanungin sya pero bakit ngayon parang natotorpe ako..haha. natotorpe ako sa girlfriend ko!
Magpapahangin muna ako sa labas habang hinihintay ang dismissal..
“Hon, C.R. lang ako saglit ah?”
Tumango sya.
“excuse me, mam. May I go out?”
Pagkaalis ko, tinext ko na sya agad :
To ILH:
Hon, hintayin nalang kita dito labas ahh. Pakidala nalang din mga gamit ko. Thanks.
1 message received
ILH: sus! Tinatamad ka lang nanaman bumalik ehh! Sige wait until dismissal.
Pagka tunog ng kampana ng school.. Nakita ko na sya agad papalabas ng room.
“jean, dito!”
“oh eto gamit mo BORGJIE”
“haha. Sorry HON.”
“k-fine. I forgive you. San tayo?”
“san mo gusto?”
“kapag sinabi kong gusto ko ng umuwi, ok lang sayo?”
“hindi.”
“haha. Tara nalang magdinner.”
Pumunta kami sa paborito naming restaurant: Dodong’s Grill Kusina.
Ramdam ko ang kasweetan nya sa akin habang kumakain..
Mukhang bumabawi talaga ang taong to ahh. Weird! Haha
May nagawa ba tong kasalanan? O baka naman naiisip niya ring maaaring huli na namin tong pagsasama.
Masaya kaming kumakain maski walang nagsasalita.
Mukhang pareho kasi kaming may malalim na iniisip ehh.
Gusto ko na sana syang tanungin ngayon kaso hindi ako makahanap ng tsempo.
Mamaya nalang siguro pagkahatid ko sa kanya..
***
[Jean]
Kanina pa kami kumakain dito sa paborito naming restaurant..
Nagpakasweet na ako at lahat sa kanya kaso hanggang ngayon, hindi pa rin niya ako tinatanong..
Naiisip niya rin kaya ung tungkol sa usapan naming yon?
O baka naman sadyang ayaw niya narin kaming mag-extend?
Haist. Ewan nakakaparanoid. Basta come what may.
Kung hindi niya bubuksan ang topic na un hanggang sa ihatid niya ako pauwi, ako na ang magbubukas.
Kung papangunahan naman ako ng pride ko, hahayaan ko nalang siguro. Kaylangan ko ng tanggapin na break na kami.
[Borjie]
“Tara na. Lakad lakad muna tayo bago kita maihatid.”
“sige.”
Habang tahimik kaming naglalakad, hinawakan ko yung kamay niya.
Gabi na kaya wala na masyadong makakakita sa aming naghahawak-kamay..
In fairness din kasi sa girlfriend ko, mukhang naipaglihi pa ata kay Maria Clara. Ayaw payakap o pahawak ng kamay sa publiko. Ni kiss nga sa lips di pa namin nagagawa ehh.
Gustong gusto ko nang magsalita at ibukas ang topic na un kaso parang may humihila pabalik sa dila ko..
Nang magkalakas na ako ng loob, sisimulan ko na sana ang pagsasalita nang may biglang tumawag sa kanya..
Sa cellphone….. kaya kinailangan ko na syang bitawan..
{ringtone: ♪♪every time you need a friend }
Ang korni talaga maski ng ringtone niya. Haha.
Ehh hindi naman yan ang themesong namin ahh.
“hello? Sino to?
UYYYYY KAW PALA!
Ano uuwi ka dito?
Sige sige! Uuwi na ako ngayon din.. hintayin mo ako ahh!”
Sino ba tong katawagan nyang mukhang importanteng importante na babalakin pa ata nyang bitinin ang date namin.
“ahh hon.. ano kasi..”
“mukhang alam ko na.. sige sige iuwi na kita sa inyo..”
“ha? Uhm,ok lang maski hindi mo na ako maihatid.”
“HA? Bakit naman hindi? Sino ba yung tumawag sayo na mukhang importante na bibitinin mo pa pati date natin?!” nagsisimula na akong mahigh blood dahil sa pagiging curious sa katawagan niya kanina.
“uhm, hon, look I’m really very sorry. I really have to go home. Itetxt kita pagkauwi ko. Sorry nagmamadali kasi ako ehh. Bye! Love you.”
“love you too.” Hindi niya na narinig pa ang mahina kong tugon.
Bakit ba ang weird niya? Tsaka sino ba talaga un?
Lintik naman oh! Hindi ko na tuloy naitanong ung tungkol sa extension ng relasyon namin.
Leche! Bakit di ko pa kasi tinanong kanina ehh.
Bukas dapat makapag-usap na kami! Kaylangan ko nang sabihin sa kanya ang buong katotohanan..
BINABASA MO ANG
Parental Love
Teen FictionYou fall in love like any other teenager. But the next thing you know.. you are about to get married.. You have no other choice cause it's your parents' decision. Are you willing to give up the one you love?