"I'm already here. . . Yes po, kabababa ko lamang ng eroplano."I wore my shades as I pull my luggage, looking left and right as if waiting for someone to welcome me.
"Sinasabi ko sa 'yo Yrys, Maricon doesn't like surprises."
I chuckled upon hearing Tita Isabelle's words. "Tita, walang tao ang ayaw sa surprise."
"Ilang taon ka ring nanatili rito sa US at marami nang nagbago diyan sa Pilipinas. Sigurado ka bang hindi mo na kailangan ang tulong ni Maricon?"
Saglit akong natigilan dahil sa sinabi niya. Marami nang nagbago. . .
I smiled bitterly because of that realization. Tama naman siya, e. Sa ilang taon ko nga roon sa US, marami nang nagbago rito.
"D-Don't worry, Tita. I asked my friends to pick me up," I assured her.
Tita Isabelle sighed. "Your friends? Sinong mga kaibigan?"
"The usual, Tita. Wala na naman akong ibang kaibigan bukod sa kanila."
Saglit akong tumigil sa paglalakad para ayusin ang suot kong shades. Inalis ko rin ang suot kong trench coat dahil mainit na rito sa Pilipinas. Maingat ko iyong tinupi at isinampay sa aking kanang kamay. Inayos ko naman ang pagkakahawak sa aking cellphone.
Akmang maglalakad na akong muli nang mapansing may kung anong bumangga sa luggage ko. Natigilan ako bago lumingon sa gawi noon.
"Is there something wrong, Yrys?" tanong ni Tita Isabelle sa kabilang linya.
"Uh. . . Tita, what should I do if I saw a child crying here at the airport?"
"What? What do you mean?" Tila naguhuluhan niyang tanong. Nanatili naman akong nakatitig sa batang bumangga sa luggage ko. Pulang-pula na ang mukha niya, marahil dahil sa kakaiyak.
I bit my lower lip. What should I do?
"She's still crying. . ." I said unconsciously.
"Console her! Wala ba ang parents niya?"
"W-Wala, Tita."
"Patigilin mo muna sa pag-iyak 'yung bata. I'll teach you how," she ordered me. Tumango naman ako kahit hindi niya ako nakikita bago mabagal na naglakad papunta sa gawi ng umiiyak na bata.
"Uh. . . Hey, kiddo," I called her.
Nag-angat ng tingin ang bata sa akin pero sa halip na tumigil sa pag-iyak ay mas lalo pa siyang umiyak. I panicked a little but Tita Isabelle told me to relax.
Malakas akong bumuntong hininga bago umupo para magkapantay na kami ng bata. I held her shoulder.
"Stop crying," saad ko.
"My Mommy. . . M-My Daddy. . ." She sobbed louder.
Napatingin ako sa paligid namin nang mapansing may ilang tao na na nakapansin sa aming dalawa. I bit my lower lip.
"Are you lost?"
Sa halip na sagutin ako ay mas lalo lamang siyang umiyak. Napatango naman ako kahit na hindi siya sumagot. Mukhang tama nga ang naiisip ko.
"Tanda mo ba ang pangalan nila?" tanong kong muli.
"Mommy. . . Daddy. . ."
I let out a harsh breath. Oh, right. Mukhang wala pa ngang muwang sa mundo ang batang ito.
"Tita, hindi niya alam ang pangalan ng parents niya," sabi ko kay Tita Isabelle sa kabilang linya.
"Why don't you just accompany her for a bit? Ikutin niyo ang airport at hanapin ang mga magulang niya," Tita Isabelle suggested.
BINABASA MO ANG
Wicked Dreams (Dream Series #3)
Teen Fiction"I reached the point that dreaming became a luxury that I couldn't afford." ****** Yrys Allana Perdita almost had everything. From her intelligent mind to her goddess-like face, she was labelled as a flawless student...