ONE

75 6 0
                                    

01

"Who can answer the equation on the board?"

Nanatiling tahimik ang buong classroom dahil sa tanong ng Math teacher namin. I fiddled my pen that I am holding loosely on my hand as I roamed my eyes around the room.

The equation isn't that hard, though.

Malalim akong bumuntong hininga bago nagtaas ng kamay. My teacher gazed on my direction but sighed afterwards.

"Anyone other than Miss Perdita?" she asked.

Nang walang sumagot ay saka niya ako sinenyasan na tumayo. Agad naman akong sumunod at naglakad papunta sa unahan. I picked up a piece of chalk and started solving the equation on the board. Pagkatapos kong sagutan ay agad din akong bumalik sa aking upuan.

"Almost all of you are taking your private lessons and tutoring sessions, right?" tanong ng teacher namin.

My classmates answered yes in unison. Nanatili naman akong tahimik.

"If yes, bakit si Miss Perdita lamang ang nakakasagot sa mga tanong ko?" dugtong niya.

I propped my chin on my palm before looking outside the window. Hindi na naman bago ang tagpong iyon. The scenario whenever teachers praised me— but still painting me as the 'kawawa' in our class because I couldn't take their private lessons.

Mayamaya pa ay tumunog na ang bell tanda na tapos na ang klase. My classmates yelled like a wild boar— particularly the Carson cousins. Napangiwi naman ako nang marinig ang ingay nila.

Agad kong isinukbit ang aking backpack at akmang lalabas na nang tawagin ako ng isa sa aking mga kaklase. I secretly rolled my eyes before looking at her.

"Anong kailangan mo?" payak na tanong ko sa kaniya.

"Can you uh. . . Buy me something to eat at the cafeteria?"

"Anong bibilhin?" I asked her.

"Just something filling. 'Yung mabubusog ako."

I sighed as I offered my hand. "Akin na."

Inilabas niya ang wallet mula sa bulsa at nag-abot sa akin ng limang daang piso. "Here," saad niya.

Tinanggap ko naman iyon. "May bayad na fifty pesos ang utos mo. Malayo ang cafeteria."

Sunod-sunod siyang tumango. "Kuhanin mo na lamang sa sukli. Sorry, I have period kasi kaya hindi ako makalakad nang maayos. . ."

Hindi ko na siya pinatapos pang magsalita at naglakad na ako paalis. Hindi ko naman kailangan ng rason niya.

Mabilis ang lakad ko para agad na makarating sa cafeteria at mabili ang inuutos noong babae. I don't even know her name. Hindi ko nga rin alam kung bakit niya ako kilala.

Baka dahil sa mga kaklase namin na pinagtrabahuhan ko? If that even makes sense.

I roamed my eyes around the school while I'm walking. Hindi ko alam kung bakit ang lakas ng loob ko noong isang taon at dito ako pumasok. Hindi naman ako nababagay dito sa Avalon High.

This school is just for the smart and rich students. Yes, I am smart but unlike them, I am not well-off.

Bumuntong hininga ako. As if naman may pakialam pa ako. Second year na ako, e. Ngayon pa ba ako aatras? Sayang ang scholarship kung sakali.

"Hey Yrys!"

Muli akong tumigil sa paglalakad nang may tumawag na naman sa pangalan ko. Walang gana akong tumingin sa direksiyon niya. "Anong kailangan mo?" tanong ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 29, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Wicked Dreams (Dream Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon