Tulala akong nakatingin sa labas ng bintana. Napabuntong-hininga nalang ako habang iniisip kung bakit napaka komplikado ng buhay. Simula bata pako hindi ko naramdaman maging masaya kahit kaunti. Minsan iniisip ko kung ganto ba talaga ang tadhana ko. Ang mabuhay na mag-isa at maramdaman araw-araw na may kulang sa akin.
"Ms. Guinoverra, right?" Nabalik ako sa reyalidad ng marinig ang boses ng Principal ng School. Tumango lamang ako bilang tugon.
Nginitian naman nya ako. "Welcome to our University," medyo bata pa ang itsura ng Principal ng School na 'to base sa itsura nya. Mukha rin syang mabait kaya napangiti rin ako.
"Kung may kailangan ka malaya kang lumapit at mag tanong sa akin," tumango ako at nagpaalam. Lumabas nako ng Principal Office habang mahigpit ang hawak sa Strap ng bag.
Pagkalabas ko ay huminga ako ng malalim. "This is it Shayne."
Naka yuko lamang ako habang naglalakad patungong room ko. Kahapon ng mag transfer ako dito sa bagong University na nilipatan ko. Hindi ko gustong lumipat ngunit wala akong magawa kundi ang pumayag sa desisyon ng Ama ko. Wala rin naman akong pwedeng ibang gawin dahil sa huli sya parin ang mananalo. Palagi namang ganon kaya hindi ko nalang sya pinapakaelaman sa mga desisyon nya.
Marami akong nakakasalubong na estudyante. Halos lahat sila ay nakangiti at parang walang dala-dala na problema. Sana ganoon rin ako katulad nila. Kailan kaya ako magiging masaya at malaya? Kailan ko mararanasan mabuhay ng normal tulad ng iba yung walang pasan pasan na problema. Nakakasawa rin kase. Nakakasawang makulong sa mundong hindi ko gusto. Pero ano bang magagawa ko? Isa lang naman akong bata na walang magagawang kahit ano.
"Goodmorning students," nakangiting bati ni Ms. Cruz, guro namin. Binati namin sya pabalik. Wala munang class ngayon dahil first day. Pag papakilala lamang tutal first day ngayon.
"Let's all welcome Ms. Guinoverra" inanyayahan ako ni Ms. Cruz sa harapan para mag pakilala. Nag sipalakpakan ang mga kaklase ko at ngumiti.
Nakayuko lamang ako dahil hindi ako sanay pag tinginan at ngitian ng maraming tao. Nakakailang dahil sa School ko dati ay hindi ako pinapansin ng mga classmates ko at palagi akong mag-isa. Anak ako ng gobernador, maraming nag papansin sa akin ngunit hindi ko pinapansin. Marami ring gustong makipag kaibigan. Pero niisa sakanila ay wala akong kinakausap. Hindi ko kailangan ng pekeng kaibigan. Alam kong gagamitin lamang nila ako kaya bakit pako mag kakainteres kilalanin sila pabalik? Tss. I need real friends not plastic.
"Don't be shy. Mababait ang mga Students dito at palakaibigan. Kaya wala ka dapat ikahiya." Bulong ni Ms. Cruz sa tenga ko. Napansin nya sigurong nahihiya ako. Ngumiti sya sa akin. "Now look up. Dapat full of confidence. Alam kong nahihiya kapa dahil siguro hindi ka sanay pero trust me kapag tumagal mahahawa ka sa mga ugali nilang puro kalokohan" natatawang sabi nya. Napatingin ako sa mga Kaklase ko, lahat sila ay sobrang lawak ng mga ngiti.
Napangiti ako ng kaunti dahil mukha silang mga aso.
Umayos ako ng tayo at katulad ng sabi ni Ms. Cruz dapat full of confidence. Kaya ganon ang ginawa ko. Huminga ako ng malalim at bahagyang ngumiti sakanila. "Hi, I'm Shayne. Shayne France Guinoverra," simple lamang ang ginawa kong pagpapakilala. Ganon naman talaga dapat diba? Syaka di naman siguro dapat full info ang ibigay, para namang baliw yon.
Maya-maya ay nagulat ako ng lahat sila ay pumalakpak ng malakas. "Grabe ang tapang nya," madrama na sabi ng isa habang kunwaring pinupunasan ang luha sakanyang mata gamit ang panyo kahit wala naman luha. Wala pang isang oras ay halos nagmukhang may namatay sa loob ng classroom dahil sa drama-dramahan nila.
"Baliw ba kayo?" Di ko gustong sabihan sila ng ganon pero para kase silang ano eh... Tanga hehe. Totoo naman kasi umiiyak sila kahit wala namang luha.
Maya-maya ay huminto na sila at seryosong tumingin sa akin. Bigla naman akong kinabahan dahil baka nagalit sila sa sinabi ko. I was about to say something ng sabay-sabay silang ngumiti ng nakakaloko at nag wala.
"GAWING PRESIDENT NAYAN!" saba'y sabay nilang sigaw sabay tawa. Nakitawa narin si Ms. Cruz sa gilid ko. Parang expect na nya ang ganitong scenario.
"VOTE SHAYNE GUINOVERRA FOR ELECTION!!" malakas na sigaw nila at tumayo na parang nag rarally. Nag wawala na rin ang iba at patuloy lamang sa pag sigaw ng "Vote Shayne Guinoverra for election".
Election?
"Teka teka anong election?" Kunot-noo kong tanong. Sa pagkakaalam ko walang nabanggit ang Principal ng School about sa Election thing? So meron pala non dito?
Natatawang humarap sa akin si Ms. Cruz. Katulad ng Principal ay parang Bata pa ang edad ni Ms. Cruz. "Gusto ka nilang iboto bilang President Ng Section Sky. Mamaya ay mag bobotohan tungkol sa mga magiging officer ng section. Ngunit tila may napili na agad silang President ng Section ah" naka ngising Saad ni Ms. Cruz.
Bigla naman akong kinabahan. Hindi ko pa naranasan maging President ng isang section kaya hindi ko sigurado kung magandang ideya na iboto nila ako para doon. Agad-agad akong umiling kay Ms. Cruz. Nakita kong nawala ang ngiti sakanyang labi.
"Why?"
Napayuko ako sa tanong nya. "I can't."
Nahihiya ako sa sagot ko. Hindi ko kayang maging President ng section na 'to dahil wala pakong experience at isa pa hindi ko alam kung mapapanindigan ko ba ito.
Nakatingin sa amin ang mga kaklase ko dahil siguro sa pag iling ko kanina. Ngumiti si Ms. Cruz at hinawakan ang kamay ko. "Nararamdaman kong natatakot ka. Tama ba 'ko?" napatingin ako sa kanya at dahan-dahang tumango. Di ko rin naman matatago dahil totoo naman talaga. Natawa sya dahil sa katunayan na natatakot ako. "Wala ka dapat ikatakot dahil kahit ganyan itsura ng mga yan mababait naman sila. Sigurado akong kapag pumayag ka hinding-hindi mo pag sisisihan. Mababait sila pero puno ng kalokohan."
Sa sinabi ni Ms. Cruz ay agad-agad akong napatingin sa buong Section Sky. Sky ang pangalan ng section namin. Lahat sila ay puno ng emosyon na parang batang inagawan ng Candy.
"Grabe naman na touch naman kami don Ms. Cruz.." emosyonal na sabi ng isa habang may hawak hawak na tissue at sumisinghot.
Ibinalik ko ulit ang tingin ko kay Ms. Cruz na nakangiti sa akin. Wala naman sigurong masama kung susubukan ko hindi ba? Ngumiti ako sakanya. "Pumapayag na po akong maging President ng magulong section na ito." Natatawa kong sabi.
Maya-maya ay napuno na naman ng ingay ang buong classroom. "SHAYNE FOR THE WIN!" sigaw nilang lahat habang nag wawala. Ang iba naman ay tumitili. Napahawak ako sa tenga ko habang tumatawa dahil sa ingay nila. Hindi ko rin maiwasang mapangiti habang tinitignan silang parang mga baliw na naka labas sa mental.
And that day, nag umpisa na ang panibago kong journey.

YOU ARE READING
The Promises
Teen FictionStory About Friendship. ------ Shayne was lonely but her friends was there. A strangers who become her friend and family. Sinong mag-aakala na ang isang katulad nya ay magkakaroon ng isang kaibigan na magiging kasama nya habang buhay? Na magiging...