Chapter Two

5 0 0
                                    

"Shayne, san bahay nyo?" Usisa ni Carly. Ang Vice President ng Section-Sky. Kanina pa nila ako pinapaulanan ng mga tanong. Nag kukumpulan sila sa upuan 'ko habang inaantay ang aking sagot.

"Uhm..." Napahawak ako sa baba habang nag-iisip. "Sa isang lugar na kasing laki ng Castle. Tahimik. Madilim at walang kabuhay-buhay" nakangiti ko'ng saad. Bahagyang kumunot ang kanilang mga noo.

"Huh?" Tanong ng isa kong kaklase. Pati ang iba ay napa "huh" narin dahil siguro sa pagkagulo sa aking sinabi. Natawa ako ng mahina. Totoo na ganoon ang Mansion namin. Puro mga kasambahay lamang ang nandoon at ako kaya tahimik. Castle- dahil malaki ito at kaya tinawag na Mansion Guinoverra. Madilim- dahil hindi lahat ng ilaw sa bahay naka bukas. Wala rin namang kwenta kung bubuksan lahat dahil wala rin namang katao-tao. Walang kabuhay-buhay- dahil lagi itong tahimik. Sa labas pa palang ay makikita mo ng parang walang nakatira sa Mansion dahil walang Tao. Pero meron. Ako at ang mga kasambahay namin at wala ng iba.

"Syempre joke lang." Tumawa ako kahit na halatang pilit.

Nakamot-ulo na lamang si Carly at sabik na tumingin sa akin. Ganoon rin ang iba. Ang kanilang mga mata ay naka tutok sa akin. Wala kaming ibang ginagawa kundi mag kwentuhan at magkakilalahan. Bukas pa ang simula kaya pumayag si Ms. Cruz na mag kwentuhan muna kami.

"May lalaki kabang kapatid, Shayne? Ipakilala mo naman ako" kumikislap pa ang mata ni Nicole habang kilig na sinasabi sa akin iyon. Agad syang naka tanggap ng batok kay Katrina na katabi nya.

"Puro ka lalaki, mag-aral ka ngang mabuti." Pangaral nya na parang nanay na sinasaway ang anak. Tinignan sya ng masama ni Nicole.

"Luh, parang ikaw ah. Kaya pala andami mong katawagan ng baby!" ganti Rin nito. Nagpalitan sila ng masamang tingin. Hinampas silang dalawa ni Carly kaya tumahimik sila.

"Ano na Shayne? May mga kapatid kaba?" tanong ni Carly.

Napatigil ako saglit sa tanong na iyon. Bigla kong naalala si Charlotte. Ang nag-iisa kong kapatid na babae. Mapait akong napangiti saka humarap sakanila. "Meron..." bigla silang ngumiti ng malaki habang ako ay walang emosyon.

"Tell me, Shayne. Lalaki 'to diba? Tapos College Student? Macho. Maputi. Matangkad. Chinito. At Gentleman? Diba? Diba! Diba?!" Excited na sabi ni Carly. Natawa ang ilan sakanya dahil sa mga tanong nya.

"Kahit kailan talaga tirador ng College Students tss." pag paparinig ni Chance na naka busangot.

"Eh kung sapakin kaya kita?" pang hahamon ni Carly at inambahan sya ng suntok. Agad na umiwas si Chance sakanya bago lumayo.

"Panget mo" pang-aasar pa nya. Inirapan nalang sya ni Carly at humarap sa akin. "Ano na, Shayne? Meron naman diba? Tapos tama hula ko?" nag susumamo nyang tanong.

Mahina akong natawa dahil sakanya at umiling. "Babae kapatid ko" biglang bumusangot ang mukha nya. Dali-dali namang nag silapitan ang mga kaklase kong lalaki.

"Maganda ba?"
"Sexy?"
"Maputi?"

Sunod-sunod silang nag tatanong sa akin. Habang nag-aabang sa isasagot ko. Umiling na naman ako. Kumunot ang mga noo nila.

"Bat kase di nyo muna ako patapusin?" Tanong 'ko. Napa kamot nalang sila sa ulo nila.

Ngumiti ako at itinuloy ang sasabihin ko. "Meron akong kapatid. Isa. Si Charlotte. Limang taon palamang s'ya. Mabait, makulit, at mapagmahal. But..." malamig akong tumigin sakanilang lahat, nabura narin ang ngiti 'ko. "But now.. she's gone." Natahimik ang lahat. Kahit ako.

"Isang taon na syang patay." Ngumiti ako sakanila ngunit tinignan lang nila ako ng malungkot. "Pero satingin ko... Masaya na silang dalawa ni Mommy sa taas kasama ang Panginoon. Alam ko namang magiging ligtas at masaya sila doon, kaya hindi ako malungkot. Kaya dapat kayo rin" tumawa ako ng mahina.

"P-patay na rin ang Mommy mo?" Nag-aalinlangan na tanong ni Charles. Ang Secretary namin. Hanggang Secretary lang ang officer namin dito. Kung bakit.. ewan ko den.

Tumango ako. "Oum. Sabay silang namatay..." natahimik sya. "Pero isang taon na 'yon. Matagal na yon."

"Sorry Shayne" mahinang sabi ni Carly. Ganoon din ang iba.

"Bakit kayo nag so-sorry?" natatawa ako sakanila. Ang alam ko ang sorry ay para lamang sa may kasalanan? Wala naman silang ginawang kasalanan ah?

"Kase nag tanong pa'ko" paiyak na si Carly kaya agad syang nilapitan ng iba. Nag simula na syang umiyak kaya naalarma din ako. Ngayon alam kona na mababaw ang emosyon ng mga to, dahil maya-maya lahat na sila umiiyak. Lumapit silang lahat sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Hindi pako makahinga dahil sa dami nila. Jusko, 43 kaming lahat dito sa classroom 'no.

"BASTA! ALWAYS REMEMBER! ANDITO LAMANG KAMI PARA SAIYO! WALANG IWANAN HANGGANG HULI" sabay-sabay nilang sigaw.

The PromisesWhere stories live. Discover now