Chapter Three

6 0 0
                                    

"Ma'am Shayne bumangon na po kayo, kanina pa kayo iniintay ni Señor," napabangon ako dahil sa katok ng katulong namin. "Ma'am Shayne? Gising na po ba kayo?" rinig kong tanong ulit sa labas ng pinto ng kwarto ko. Kinusot-kusot ko muna ang aking mga mata bago sya sinagot.

"Yes, I'm awake. I will just go down!" sigaw ko para marinig nya. Tumigil na ang pag katok sa pinto ko at narinig ko ang mga yapak nya pababa ng hagdan. Napa tingin ako sa Ceiling ng aking kwarto.


So he's here.

Tumayo nako at tinignan ang uniporme na nakalagay doon. Bago ako matulog ay pumapasok ang isang katulong dito sa aking silid tulugan upang ilagay ang susuotin kong uniporme kinabukasan.

Naligo ako at sinuot ang uniform. Pagkababa ko sa may hagdan ay nakita ko ang ama kong tahimik na kumakaing mag-isa sa may hapag-kainan.

Bumaba na ako at umupo sa upuan katapat nya.

Tahimik lamang akong sinasalinan ng pagkain ng aming katulong. Pagkatapos ay yumuko sya sabay alis. Nang makaalis na ang katulonf ay nagsalita s'ya.

"Kamusta? Balita ko ikaw ang itinalaga na presidente para sa section nyo?" Tanong nya habang nagpupunas ng table napkin sa labi.

Natigil ako sa pagkain, tinignan ko lamang iyon. Pati ba naman yon sasabihin pa sakanya ng mga alagad nya? Tss. Tumango lamang ako sakanya at nagpatuloy sa pagkain. Ayoko syang makausap.

Nang matapos na akong kumain ay tatayo na sana ako ng tawagin nya ako. "Hindi mo manlang ako kakamustahin pabalik? Ilang araw din akong wala.." malamig na sabi nya.

Hindi ko sya tinignan. "Araw-araw ka namang wala kaya bakit pa kita tatanungin?" Malamig na ani ko din.

Nabitawan ko ang plato na hawak-hawak ko ng bigla nyang hampasin ng malakas ang lamesa na naging sanhi ng pagkabasag nito. Agad-agad dumalo sa amin ang mga kasambahay upang alisin ako sa nabasag na plato.

Gulat na gulat pa din akong nakatingin dito. Bigla na lang may humila sa buhok ko. Napasigaw ako sa sakit.

"Wala ka na talagang galang saking bata ka!" Galit ang rumehistro sa kanyang mga mata.

Sa kabila ng pangangatal ng aking boses ay pinilit kong patatagin ito. "Bakit kita igagalang kung wala kang kwentang tao! Ginagamit mo ang sarili mong anak—" natigil ako sa dapat kong sasabihin ng isang malutong na sampal ang dumampi sa aking pisngi.

Napaluhod ako dahil don. Tahimik akong umiyak, pinilit kong hindi gumawa ng ingay sa kabila ng sakit na nararamdaman ko.

"WALA KANG KWENTA!" Sigaw nya bago padabog na umalis.

Agad-agad lumapit sa akin si Ate Iryn. Nag-iisang taong nakaka-intindi sa akin. Isa sya sa mga matagal na naming kasambahay. Tahimik akong umiyak sa tabi nya.

Hinawakan nya ang buhok ko. Ngumiti sya sa akin. "Shh.. It's okay Shayne. I'm here," bulong nya sa tenga ko.

Tinulungan nya akong tumayo at ayusin ang uniporme kong nagusot dahil kanina. Hinimas nya ang buhok ko na lagi nyang ginagawa at hinalikan ako sa ulo na parang sarili nyang anak.

"I know that you're strong.."

Kakadating ko palang sa may School ay ang ingay-ingay na. Ang mga tao ay may kani-kanilang mga mundo. Nagtatawanan, nag-aasaran, at nagkukulitan. May iba pang napapagalitan ng guro. Ngunit kahit galit na sakanila ang kanilang guro ay nakangiti at tumatawa pa din sila.

They are so lucky.

Nagagawa nilang ngumiti na walang inaalalang kahit ano. Wala silang mga problemang aalalahanin, hindi katulad ko. I actually admire them, because I know that some of them might have a problem inside or suffering buy they still manage to smile and laugh.

I can't help but to ask, when will I gonna be like them? When will I gonna be able to laugh like there's no tommorow? Like I don't have my own problems. I just want to be them, happy and no worries. Just enjoying the day and never care what will happen tommorow or in the future.

I sighed and continue walking. Malapit na ako sa aming classroom ng biglang may umakbay sa akin.

"Hi Shayne!" masayang bati ni Carly. Kasama ni Chance sa tabi nya na nakangising nakatingin sa akin.

"Wag kang lalapit dyan Shayne! May sumpa 'yang babaeng 'yan baka mahawa ka!" pang-aasar nya.

Agad syang nakatanggap ng hampas galing kay Carly. "Punyeta ka! Dumon ka nga, epal to eh!"

Nakatingin lang ako sakanilang dalawa na parang aso't pusang nag-aasaran. Mukha silang magjowa sa totoo lang, halatang halata kasi na kaya panay asar si Chance kay Carly dahil gusto nya ito.

Nagkibit-balikat nalang ako. Hindi na ako magtataka kung isang araw mababalitaan kong sila na.

"Available ka ba mamaya?"napatingin ako kay Nicole ng tanungin nya ako. Kumunot ang noo ko.

"Bakit?"

"Birthday kase mamaya nung bruhang yon," itinuro nya ang isa naming kaklase na nakatingin samin habang nakataas ang kilay. Nang makita nyang nakatingin ako kay ngumiti sya sa akin at kumaway. Maliit akong ngumiti sakanya.

Tumayo s'ya sa inuupuan nya at lumapit saamin upang maki-usisa. "Pinag-uusapan nyo 'ko no?" tanong nya.

Napatingin ako kay Carly.

"Oh, anong balita tungkol sakin?," ngising saad ni Nicole.

Biglang nagsalita si Carly. "Gaga ka manahimik ka, tinatanong ko pa tong si Shayne kung pwede s'ya mamaya," saad nya kay Nicole sabay hampas sa braso.

Ngumiti si Nicole sa akin nang malaman nya kung anong pinag-uusapan namin. "So.. pwede ka ba mamaya?,"

Ngayon ay parehas na silang nakatingin sa akin, nag-aantay ng aking isasagot. "I don't know.." napayuko ako pagkatapos kong sabihin 'yon.

Sa totoo lang, pwede ko namang sabihin na oo dahil wala naman akong gagawin mamaya kundi magkukong sa kwarto ko. But, I don't think that I belong to them yet. Hindi ko alam kung magugustuhan ba nila ako or what.

Sa ilang araw ko palang dito sa section na 'to ay pansin ko na na maiingay at makukulit sila. Hindi ko alam kung kaya nila akong pagtiisan dahil I'm always quiet.

I would rather choose to be quiet all the time than be talkative. I think it's already in my personality to be quiet all the time.

Plus, I'm always in my room alone. No one person to talked to, maybe that's the main reason why I doesn't know how to socialize to other people.

They look at me. "Why?"

"I didn't know how to socialize to other people. You said that it's a birthday, right? So it means that many people will be there. I don't want to ruin the party just because of my attitude," I looked down.

It's true though. I might ruin her party  dahil baka may isang taong maselan na kausapin ako bigla at titignan ko lang s'ya. I experience that before. Someone tried to approach me and when she said "hi" I just staired at her blankly. And by that, people laugh at her because I ignore her. And then she cried, I didn't know that she's sensitive person. She start crying too loud and make a scene.

Tumingin si Nicole at Carly sa akin. "Hm.. 'yun lang pala problema mo eh!" tinawanan nila akong parehas.

"Okay lang kahit hindi ka marunong maki-socialize. Dahil yung mga tao don may mga sari-sariling mundo at hindi ka din naman nila mapapansin dahil madaming tao. And besides, we will be at your side. Tuturuan ka naming maki-socialize sa mga tao!" masayang banggit ni Nicole at nag-apir silang parehas ni Carly.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 12, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The PromisesWhere stories live. Discover now