18

2.6K 61 0
                                    

CHAPTER EIGHTEEN
VACATION PART II

WARNING: R-18 ⚠️
Author's Note: umalis ang mga hindi nasa 18.

____________

Michiko's pov.

Sa tatlong taon nilang mag-asawa, never silang nag-pansinan. Parang nawala 'yung mga pinag-samahan nilang dalawa, alam ko namang gulat silang dalawa na ikinasal sila sa isa't-isa, but this is Tito El want.  That ate Maxine marrying someone in our family, hindi ko nga in-expect na si kuya Brent ang ikakasal sa kanya dapat noon. Dahil madalas ring mag-kasama sila, pero mas malala pala 'nung silang dalawa na ni kuya Maxwell, dahil halus hindi na umuwi ng mansion si kuya Maxwell basta makasama lang si ate Maxine.

I never saw kuya like that, 'nung hindi niya iiwan 'yung isang tao. 'Yung gagawa siya ng paraan para mapasaya lang ang taong mahal niya. At alam ko kung ga'no kamahal ni kuya Maxwell si ate Maxine.

Alam ko kung ga'no ka-importante si ate sa kanya, kung ga'no niya ito pinahalagahan. Kung pa'no niya 'to ingatan.

FLASHBACK

"Kuya Brent? Sa'n po si kuya Maxwell?" takang tanong ko naman kay kuya Brent, they supposedly here na. Dahil anong oras na, lagpas na silang dalawa sa kanilang curfew. Eight o'clock kasi ang kanilang curfew. Kakauwi lang ni kuya Brent galing somewhere but kuya Maxwell wasn't around. Pansin ko ring may dugo sa damit ni kuya Brent.

"Brent? What happened to your shirt?" takang tanong naman ni Mamá, na kita niya kasing may dugo 'yung uniform ni kuya, halatang-halata dahil kulay white ito. At mukhang tinanggal niya 'yung blazer. Dahil ang alam ko ay may blazer ang uniform ng High School, sa elementary lang ang wala. Iyon ang pinaka-kaka-iba ng uniform sa campus.

"Sa'n ang kuya mo?" si Mamá.

"Nasa hospital. Binabantayan 'yung girlfriend niya." seryosong sabi naman ni kuya Xavier kaya naman napalingon ako sa kanya, na nasa tabi lang rin ni kuya Brent. Gaya niya ay may dugo rin ang kanyang uniform.

"Nahulog kasi sa hagdan 'yung girlfriend niya. Which is si Maxine, 'yung kapatid ni Trav." seryosong sabi naman ni kuya Brent.

"Kailan pa naging sila?" takang tanong naman ni Papá, kaila kuya. Napatingin naman ako sa kanilang dalawa na parang hindi alam kung anong isasagut sa tanong ni Papá.

"Baka naman kasi close lang silang dalawa?" takang tanong ko naman sa kanilang dalawa.

"Close? Close ba 'yung halus mag-kasama na sa condo?" takang tanong naman ni kuya Xavier.

"Sinasamahan ng kuya niyo Maxwell si Maxine. Alam niyo naman ang pinag-daanan nito, hindi ba? Sad'yang ma-issue lang talaga kayong tatlo." seryosong sabi naman ni Mamá, kaya naman napatingin ako sa kanya ng seryoso.

"Ma? Friends lang po ba talaga sila? I saw kuya kissed ate Maxine on li—" hindi na natapus pa ang aking sasabihin ng biglang tinakpan ni kuya Brent 'yung bibig ko. Agad namang napataas ng kilay si Mamá, dahil sa sinabi ko.

"Michiko!" si Papá, agad namang binitawan ni kuya 'yung bibig ko.

"Totoo naman eh! Nakita ko sila last week?"

"Ay tanga.. kaya naman pala ang awkward 'nung dalawa last week.." rinig kung sabi naman ni kuya Brent.

"So they kissed nga?" curious na tanong ko naman sa kanya.

"Michiko Grace. Brent, anong nangyari kay Maxine? Kamusta siya? Bakit nahulog sa hagdan?" takang tanong naman ni Mamá, kaila kuya. Kita ko naman kung pa'no napabuntong hininga si kuya sa tanong ni Mamá.

My Professor Is My Husband [ under major editing ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon