Chapter 2

140 31 9
                                    

Get to know more about Jonas and Corliss' relationship beyond the years!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Get to know more about Jonas and Corliss' relationship beyond the years!

***

NAPAMULAT ako nang maramdaman na may biglang sumandal sa aking balikat. Pagsilip ko ay ang natutulog kong best friend pala. Maingat kong hinawakan ang ulunan niya at inayos ang puwesto namin. Inakbayan ko siya nang maayos at binalot siya gamit ang dala niyang kumot.

Kasalukuyang nasa bus kami papunta sa Batangas. Gusto niyang makarating do'n para kumuha ng inspirasyon at mag-relax. Plano sana namin na noong nakaraang linggo pupunta pero nag-ipon muna siya. Ayaw niya kasing magalaw ang nakatabi niyang ipon at ayaw rin niyang ilibre ko siya. She really is an independent woman.

Three days and two nights kaming mananatili ro'n na pinayagan naman ni tita para hindi raw kami sobrang magmadali. Akala ko nga ay hindi siya papayagan kasi may kalayuan pero may tiwala raw si tita sa amin—sa akin—na hindi ko pababayaan si Lilo.

At dahil malayo kami, maaga lang ay umalis na kami. At habang nag-aaral pa lang akong mag-drive at makakuha ng sasakyan, ganitong pagbibiyahe na muna. Kapag nagkaro'n na talaga ako ng sasakyan, kahit saan ay papasyalan namin.

Tahimik lamang sa bus, senyales na natutulog ang karamihan maliban sa drayber at sa kasama nito. I intentionally booked us the air-conditioned bus so we could be comfortable throughout the journey.

Naramdaman kong gumalaw si Corliss at mukhang nagising. Akmang didistansya siya sa akin pero hindi ko inalis ang pagkaaakbay sa kanya.

"Matulog ka pa. Malayo pa tayo," bulong ko sabay ang marahang pagtapik sa kanyang balikat. It was going to be another two hours before we arrived at our destination.

Hindi na niya tinuloy ang paghiwalay bagkus ay tumango na lang at inayos ang sandal sa akin. Inayos niya ang kumot sa sarili at pinatong rin sa akin ang kabahagi nito. To be frank, I didn't need it because the close proximity we were sharing was keeping me warm and cozy.

Wala man siyang abilidad na makapagsalita pero malinaw naman sa akin na ayaw niya akong lamigin. Minsan, mas naipararating talaga ang mga mensahe gamit ang mga aksyon kaysa sa salita.

I felt my heart skip another beat. Hindi niya alam pero nahulog na naman ako sa kanya.

Nang magpantay na ang kanyang paghinga at masigurado kong nakabalik na siya sa pagtulog, nilakipan ko ng isang magaang halik ang buhok niya.

Sana hanggang dulo, ganito tayo... Sana maging tayo...

We reached our destination by six in the morning. Inalalayan ko siyang bumaba sa bus dahil may kataasan 'to. She had no reservations reaching for my hand to get down but let go as soon as she's standing on the ground.

Hay... Kailan ko kaya mahahawakan nang sobrang tagal ang kamay niya? Damn... I hope she won't think I'm creepy with all these thoughts.

Lose You Tomorrow (Let Me Speak Side Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon