Epilogue

196 28 16
                                    

Yay! Epilogue na! Another story done! Mabuhay! Sinong hindi naniwalang ending na? Balakayujan! HAHAHA!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Yay! Epilogue na! Another story done! Mabuhay! Sinong hindi naniwalang ending na? Balakayujan! HAHAHA!

Kilig be with y'all!

Enjoy reading, #TeamBakod! 💕

***

"ANO BA, Jon?! Pumirmi ka nga! Hilong-hilo na ko sa 'yo!" naiinis na utos ni mom habang nagpapaypay ng sarili at patuloy naman ako sa paglalakad sa hotel room.

"Give my brother some slack, mom. Alam n'yo namang excited na," sambit ni Kuya Mark habang inaayos ang suot niyang grey trousers at white long sleeves. Magulo pa rin ang buhok niya dahil tinawagan pa siya ni Ate Nina kanina.

"Nahihilo ako sa kapatid mo, Mark! My God! Nand'yan lang naman sa kabilang hotel room si Lilo pero akala mo hindi sisiputin sa kasal!"

"Mom, please!" I massaged my temples as I felt an incoming headache. Hindi ko talaga mapakalma ang aking sarili.

"Honey, you're not really calming your son right now. Look how flustered he is," dagdag ni dad na inaayos din ang kanyang trousers.

Tama si dad. Sobrang kabado ako ngayon dahil finally, dumating na ang araw ng kasal namin ni Lilo. It's been two months since I proposed to her and our family's prepared our nuptials. Malaking pasasalamat ko kay mom at mama na talagang naging hands-on na tulungan kami para sa intimate beach wedding namin sa sobrang ikling panahon.

May kinuha man kaming wedding coordinator, iba pa rin na naroon sila para alalayan kami para maging perpekto ang araw na 'to. Everything seemed rushed when we looked at it from the outside. I mean, the preparations weren't smooth sailing but everything turned well.

Gusto sana nilang sa simbahan kami ikasal pero gusto ni Lilo na sa beach dahil very significant ng lugar na 'to sa amin. At isa pa, kasal namin 'to ni Lilo. At kung anong gusto ng baby ko, 'yon ang masusunod—buntis man siya o hindi.

Pero dahil buntis siya, mas naging maingat at maalaga ako. I'm thankful that despite her situation, she has become more open with me.

Iyon nga lang, may pagkakataon na tinotopak siya dahil nagiging makulit na rin ang baby namin. May pagkakataon na wala siyang gana sa pagkain o 'di kaya naman ay hindi masustansya ang gusto niyang lantakan.

Nakapag-aalala pero nagagawan naman namin ng paraan na makakain siya nang maayos. Sabi rin naman ng doktor na maayos ang paglaki ni baby.

Tinawag na kami ng wedding coordinator na naroon na ang mga bisita sa may dalampasigan. I felt chills down my spine. Another wave of anxiousness scattered all over my system.

Gusto ko sanang puntahan si Lilo na nasa katabing building lang namin pero hindi nila ako pinayagan. More than 24 hours ko na siyang hindi nakikita dahil sa mga pamahiin nina mom at mama. Pakiramdam ko'y mababaliw ako sa kaiisip kung ayos lang siya. Pero kasama naman niya si mama at binibigyan ako ng update na okay lang siya.

Lose You Tomorrow (Let Me Speak Side Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon