#TeamBakod, kaya n'yo pa? Sinong may sabi na puro kilig 'to? Marami pa kayong hindi alam! HAHAHA
Bahain n'yo ng comments 'to para pansinin kayo ni crush! 🤣🤣🤣
Enjoy po! ❤
***
I HOPED that everything would be perfect. I prayed for it. Even to the point that I was willing to beg for it. Gusto kong puro kasiyahan ang mararanasan ni Lilo. Gusto kong maging tao na kukumpleto sa kanya at isa sa dahilan kung bakit siya masaya. But the day I feared to happen the most arrived. Kailanman ay hindi ko naisip na mangyayari sa kanya 'yon. But I guess I was wrong.
It happened that rainy evening when our lives were going to take a quick turn around. Malakas ang buhos ng ulan habang nagmamaneho ako patungo sa plaza na pagkikitaan namin. Sobrang dulas at trapik sa kalsada. Plano kong makadating ng maaga sa tagpuan in case na nando'n na si Lilo. Mag-se-seven thirty pa lang naman pero hindi sinasagot ni Lilo ang telepono niya. Sobrang nag-aalala na ako.
Naiinis akong pumayag siyang ipinta ang gagong Gregory na 'yon. Masyadong papansin kay Lilo kahit na sinabi kong boyfriend niya ako. Nakatatampo rin na pumayag si Lilo sa gusto ng kano. 'Di hamak na mas guwapo naman ako ro'n.
At kahit alam kong hindi naman dahil sa hitsura ni Gregory kaya siya pumayag pero masyado siyang mabait. Gusto ko siyang ipagdamot sa mundo pero wala akong magawa kapag siya na mismo ang pilit kumakawala. I can only do so much because I also don't want her to feel like I'm going to suffocate her.
Masyado ko siyang mahal para tiisin.
Pagdating do'n ay malabo talaga ang paligid dahil sa lakas ng ulan. Kinuha ko ang payong mula sa backseat at lumabas ng sasakyan. Hindi ko sigurado kung nandito na siya.
Iba't ibang bagay ang tumakbo sa aking isipan. Baka narito na nga siya at nawalan ng battery ang cellphone kaya hindi niya sinasagot ang aking mga tawag. Baka na-traffic siya. Baka may masamang—
Napahigpit ang hawak ko sa payong at napailing ako sa huling dumalaw sa aking isipan. Ayokong isipin 'yon. Imposible.
Pero hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ganito kabilis ang pintig ng puso ko. Pakiramdam ko talaga ay may mali. Parang may hindi tama sa mga oras na 'yon at kailangan ko siyang makita kaagad.
Hanggang sa tuluyan na akong mablangko nang makita ko si Lilo sa 'di kalayuan. Naroon siya at parang wala sa sariling nakatitig sa kawalan. She had her arms wrapped around her body as rain poured heavily. Paniguradong kanina pa siya rito.
Awtomatiko akong napabitiw sa payong at tumakbo sa kanyang direksyon. Wala na akong pakialam kung mabasa pa ako ng ulan. All I could think of was her.
"Corliss!" pagtawag ko.
Mukhang naalimpungatan siya sa aking pagtawag at paghawak sa kanyang braso. Nag-angat siya ng tingin at sinalubong ang aking mga mata. I could only see fear in those eyes that I loved looking into.
BINABASA MO ANG
Lose You Tomorrow (Let Me Speak Side Story)
RomanceTransferring to several schools because of his family's business and getting adored by random strangers for his handsome Westerner features, Jonas Stevenson has had enough. But meeting Corliss changed his perspective in life. With the growing feelin...