Kabanata 7
She's sick
Ang bigat bigat ng talukap ng mata ko habang nasa harap ng computer ko. Dito sa office ni sir Anderson. Paano ba naman kasi andami kung ginawa kagabi. Pagkatapos kasi naming mag dinner ni sir sa bahay. Dumating si Shine ang secretary ko. Sya lahat ng umaasi kaso ng problema ko sa gusot na ngyayari sa buhay writer ko.
Nagpunta kami ng tagaytay kagabi para bigyan ng signing lahat ng librong ilalabas bukas. At ngayon ang realise non. Idagdag pa na sobrang dami. Sabi nga sa akin ni Shine hudlat na siguro para magpakilala sa tao. Ire-realise daw kasi yung libro ko sa lahat ng books store dito sa pilipinas pero wala naman silang author na makikita. Hanggang imaginasyon nalang daw sila. Sabi nya pa. Hindi pa ako handang magpakilala pero balang araw makikilala rin nila ako. Pero hindi pa sa ngayon.
Ito na nga dahil sa sobrang daming libro na binigyan ko ng book sign. Ito inaantok ako idagdag mupa na sinisipon at ino-ubo ako. Ang lamig kasi sa tagaytay. At dahil may tinatapos akong project para kay Almaxx na para sa akin naman. Todo effort ginagawa ko. Aba sa akin naman ito kaya dapat maganda. Pwedi ring hindi naku gagawa kasi sa akin naman diba.
Nong hindi ko kinaya lumabas ako ng office. At alam nyo ba lahat ng office mate ko may mga copy ng libro ko. Ibat ibang libro pero mas madami ang bagong lunch ng book ngayon ang My Arrogant Boss.
"Lyka, sayo natu o." Abot ni Claire ng librong dala nya. "Bagong labas na libro yan hindi payan na p-publish sa wattpad. Ngayon lang inilabas yan. Basahin mo a." Masayang dagdag nito.
"Ganun ba. Hindi na kailangan nabasa kuna yan." dahilan para mapatingin lahat sa akin ng ka work ko.
"Totoo? Paano mo nabasa e. Kakalabas na libro palang yan?" sabi nong isang ka work ko.
"Oo nga. Pano mo matatapos eh ngayon lang talaga inilabas. Nakipag unahan pa kaya kaming bumili nyan sa dami pa naman ng tao sa bookstore kanina."
"Totoo nabasa kuna yan. Kakatapos kulang ngayon. At wag kayong mag ala-la na kausap kuna si Shine ang secretary ni Almaxx Tutulungan daw nya tayong makausap ang writer nyan." Bigla akong napa atching nong nakaamoy ako ng onion bread na dala ng ka work ko. "Sige labas lang ako." biglang sabi ko. Sobrang bigat na talaga ng pakiramdam ko.
Pumunta ako ng parking lot at lumabas nag punta ng 7/11 para bumili ng pampahid sa ulo tsaka gamot narin sa drug store pero hindi pako nakaka pasok ng store ng biglang nahilo ako. Buti nalang may sumalo sakin pero hindi kuna talaga maimulat ang mga mata ko para makita sya.
Nagising nalang akong amoy ng alcohol at hindi maipaliwanag na mga amoy, teka? Nasa ospital ba ako? Tama nandito nga ako. Sino ang nagdala sa akin dito?
"Mabuti at gising kana. Nag ala-la sayo si shine." biglang sabi nya. Si Mark lang pala. "Pupuntahan sana kita sa office mo pero sabi ni Shine hindi kadaw doon madalas mag stay. Sa THGC ka pala nag t-trabaho. Dumiretso naku doon pero nakita kitang nag punta ng 7/11 kaya sinundan kita pero nahimatay ka naman. Akalain mo yun kapag nagkaka sakit ka ako palagi nakaka kuha sayo para dalhin ka dito." sabay kurot nya sa pisngi ko.
"May dala pala akong pagkain lugaw. Alam ko kasing ayaw na ayaw mo ng sopas kaya lugaw nalang binili ko para sayo."
"Busog pa ako."
"Anong busog nagkasakit kana nga lahat lahat yan pa sasabihin mo.bahala ka dyan malapit ng dumating si shine ihanda muna ang tenga mo. Paniguradong tatalakan ka non."
"A!" Speaking of devil. Andyan na nga sya. "Diba sinabi kuna sayo alagaan mo ang sarili mo ano ba pinaggaga gawa mong babae ka!" Itong baklang ito kung maka pangaral naman daig nya pa na sya ang tatay ko. Esti nanay pala.
"Ano ba simpleng sipon lang ito." tsaka kukumotan ko sana ang sarili ko ng bigla nyang hilain. "Kinakausap pa kita A! Hindi pwedi itong ginagawa mo. Pati narin ang manager mo galit na galit kailangan kadaw nyang makausap sa lalong madaling panahon!" Kumalma ako bigla sa sinabi nya. Pero nandon parin yung pag simangot kung hindi maalis alis sa isip ko. Iniisip kulang na kakausapin ko si Mr. Tanigue puro talak lang ibibigay sakin.
"Hayaan nyo nga yun. Bukas na bukas pupunta ako sa office, tutal off ko sa saturday at sunday. Tsaka isapa pag humarap ako sa kanya. Imbes na hawak ko ang oras ko hindi ngyayari dahil sa mga inoutos nya."
"Aba A! Syempre alam mo namang ikaw lang inaasahan non kumpara sa ibang writer na hawak ni Mr. Tan. Nalalamangan kana kaya ni Stephanie gusto na nyang kunin ang spot mo. Tsaka alam mo ba narinig ko sa ibang mambabasa mo. Sa lahat daw ng writer na hawak ng agency natin ikaw lang daw yung napaka misteryoso. Lahat sila nag revel na ikaw palang daw ang hindi. Tsaka yung ginawa mong ghost author ayun na bash." bigla akong napatigil sa isipin kung yun. Nakaka guilty ang ginawa ko sa taong iyun. Siguro kailangan ko syang kausapin.
"Mag set ka ng meeting pormal akong hihingi ng sorry sa kanya bumili din kayo ng bulaklak at cake."
Para makahingi narin ako ng sorry sa kanya. Habang nagpapahinga ako may biglang pumasok. Sino paba edi ang aroganti kung boss. Hindi na nagulat si shine sa ngyari. Pero masama ang tingin ng pugo kung boss kay mark. Habang kaharap ko sya.
"Andito kalang pal-."
"She's sick at hindi mo sya pweding pagalitan. O utusan." kalmadong pagkaka sabi ni mark.
"And Who you are to say that with me." maangas na sagot naman ng pugong ito.
"I'm Mark Alcantara. Personal driver ni Ms. Almaxx .kinausap nya kaming dalhin namin si Ms. Cruz dito for personal na humingi ng tawad dahil sa hindi pag sipot ni Ms. A sa kanya. At dahil nandito kana. I think kailangan na naming umalis."
"Let's go shine." Tsaka ito hinila paalis. Hindi nalang umimik si shine dahil baka mahalata kami ng boss ko na magkakilala talaga kami.
"Alam mo bang nag-alala ako sayo ha! Tapos malalaman kung dinala ka pala dito." Bulyaw nya sa akin. Nag sitinginan naman ang ibang pasyenti sa amin, tsaka ito huminahon.
"S-sorry." Hindi maka tingin na apologize nya. Tsk problema nito.
"At kailan kapa nag karoon ng pakiaalam sa akin aber? Kung tutuusin empleyado lang ako at hindi ko kasalanan na nagka sakit ako! Kung iniisip mo yung trabahong pinapagawa mo sakin. Wag kang mag alala tatapusin ko yun!""Pwedi kanang umalis hindi ko kailangan ng tulong mo!"Tsaka ako tumalikod sa kanya. Naramdaman kung umalis nga sya at hindi na bumalik. Si shine ang nag ayos ng bill ko at hinatid nila ako sa bahay.
"Gusto kunang magpahinga paki sarado nalang ng pinto at gate pag na balikan nyo na ang kotse ko at maihatod dito." Tsaka sila tinalikuran at umakyat na ako ng kwarto. Ramdam kung may nais pa silang sabihin sa akin pero hindi kuna lang pinansin.
YOU ARE READING
MY AROGANT BOSS (Zaratan Series #1)
Romance"You don't love me because she is the one you love. I am not important to you because she is important to you! And most of all I am not in your mind because she is always in your mind. I am not the one you choose because she is the one you choose, a...