10th Star

200 110 0
                                    

TENTH

Where have you been? You missed the magic carpet ride,” bulong ni Kylo kay Reena pagkabalik nito sa tabi niya.

“Masakit tiyan ko,” pagdadahilan na lang ng dalaga.

“Gusto mo ba ng gamot? May laxative si Pete.”


“What?” kunot-noong singit ni Pete nang marinig ang sinabi ni Kylo.

“Bakit? Wala ba?”

“Wala. Why would I have laxatives with me?”

“You eat a lot. I don’t know when the bad wind strikes you.”

“I’m friends with the bad wind and food are comfortable inside me,” sagot ni Pete na may pagkasarkastiko kaya natawa si Reena.


“Do you want medicine? I’ll buy now.”

“Hindi, huwag na. Ayos na ako,” agad na pigil ni Reena kay Kylo na tatayo na sana.

“Manood na tayo,” sabi ng dalaga kaya umayos naman na ng upo si Kylo.


“Kanina ko pa napapansin, nung simula pa lang, kamukha ni Levi si Aladdin. Pansin mo rin ba?” bulong ni Kylo kay Reena habang nanonood. Kanina pa niya tinititigan ang lalaking nasa entablado at hindi niya matanggal sa isip niya na kamukha nga ni Levi Del Fierro ang lalaking pinapanood nila ngayon.


Pinagmasdan naman ni Reena si Levi na nasa stage at napagtantong kamukha nga rin nito ang Aladdin kanina.


“Pero parang mas kamukha siya ni Levi simula nung carpet ride scene,” dagdag pa ni Kylo sa sinasabi nito kaya tumangu-tango na lang si Reena.


Hindi pa rin maiwasang isipin ni Reena ang narinig niya kanina. Tinawag na ‘brother’ ng lalaki si Levi. Siya ba si Aladdin? At kung siya nga, bakit siya biglang nawala sa gitna ng play?



Nang matapos na ang play ay nagulat si Reena nang marami nang sumama sa kanila pagkalabas. Nagtataka at naiintriga, sinikap niyang pigilan ang sariling tumitig sa mga kasama nila. Sa totoo lang ay kahit tumitig siya sa mga ito ay hindi rin niya alam kung saan ipapako ang tingin dahil ang gaganda’t gu-guwapo ng mga taong ito.


“Oh, right! Kylo and Reena, these are XZ, Mel, Liv, Wil, Hayden, and Eze,” pagpapakilala ni Sebastian sa mga kasama nila. Kilala na ni Kylo sina Hayden at Eze ngunit pinakilala pa rin niya ang mga ito para kay Reena. Hindi sila nakita ni Reena kanina kaya naisip nito na baka sa ibang banda sila nakaupo.


“We already met. Right, Reena?” tanong ni Hayden. Naka-akbay siya sa magandang morenang babaeng pinakilala ni Sebastian na si Mel. Tumangu-tango si Reena bilang sagot at bumati sa kaniya sina Mel, Liv, XZ, Wil, at Eze. Sandali siyang napatitig sa mga mata nina Eze at XZ. They’re green.


“They got it from Uncle Kean—their father,” saad ni Hayden kaya napalingon sa kaniya si Reena at nakitang napansin niyang napatitig ito sa mga mata nina Eze at XZ.


“Mag... kapatid sila?” nag-aalangang tanong ni Reena sa Briton at tumango naman sina XZ at Eze.


Wow. Mukha silang mag-boyfriend at bagay sila. Pero dahil magkapatid nga raw ang dalawa ay nanahimik na si Reena.


Sinubukan ni Reena na huwag lumingon ulit sa katabi ni XZ na si Liv. Hindi siya makapaniwala. May parte sa kaniyang nagsasabing baka nagkataon lang na kamukha’t kapangalan nito ang taong nasa isip niya ngunit nang masulyapan niya ito nang maayos ay agad din niyang inilayo ang tingin dahil sa kaba. Siya si Liv Villanovo! Anak ni Vice President Arthur Villanovo. Magkakaibigan sila? Ano bang mga pamilya ‘tong kinasangkutan ko?



Rewrite The StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon