THIRTEENTH
“Levi, huh?” saad ng lalaki, tila kinukumpirma kung ito nga ang pangalan ng kausap pero hindi ito sumagot. Simula nang dumating ito ay sinusubukan na niya itong kausapin ngunit tumakbo ito palayo at hindi sumasagot.
“Do you speak English?”
Muli, hindi sumagot si Levi.
“Tagalog, nakakasalita ka?” tanong nito, may punto sa pananagalog. Napa-angat ang tingin ni Levi sa lalaki dahil hindi niya inaasahang marunong itong managalog.
“Allora è Tagalog,” (Tagalog it is then) saad ng lalaki at napatangu-tango.
“Dito ka na titira, capito?” (Understood?) sabi ng lalaki pero hindi sumagot si Levi.
“Ito,” gawi ng lalaki ng kamay niya sa paligid nila, “bahay mo.”
“OK?” tanong ng lalaki na nag-OK sign pa kay Levi pero hindi pa rin sumagot ang bata.
“Vito,” turo ng lalaki sa sarili niya, “ako si Vito.”
“Friends?” abot ng lalaki ng kamay niya kay Levi pero hindi pa rin siya nito pinansin.
Kinuha ni Vito ang kamay ni Levi na mas maliit kaysa sakaniya. “When someone offers his hand to you, you shake,” shake niya sa kamay ng bata.
“You shake firm,” dagdag pa ni Vito at hinigpitan ang paghawak sa kamay ni Levi.
“Gli parli ancora?” (You’re still talking to him?)
Parehong napalingon sina Levi at Vito sa nagsalita. Lalaki ito na mukhang kasing-edaran ni Vito. Isa ito sa mga lalaking sumubok kausapin si Levi kanina na sumuko na rin dahil hindi naman sumasagot ang bata.
“Ci parlerà presto,” (He will talk to us soon) saad ni Vito at tumayo na nang maayos mula sa pagkakayuko upang maabot ang kamay ni Levi kanina.
“Sì, quindi dagli tempo. Parlerà presto,” (Yes, so give it time. He will talk soon) sagot ng lalaki.
“Sto solo cercando di conoscerlo meglio,” (I’m just trying to get to know him better) ani Vito.
“Avrai un sacco di tempo per quello più tardi. Per ora Enzo ti sta cercando.” (You’ll have plenty of time for that later. For now Enzo is looking for you.)
“Ah, sì! Dobbiamo fare qualcosa. Ho quasi dimenticato,” (Yes! We have to do something. I almost forgot) nataranta biglang ani Vito at yumuko nang kaunti para makatapat ang mukha ni Levi.
“Levi, if you want food,” akto ni Vito na kumakain saka tinuro ang katabing lalaki, “ask him, Giuseppe. Tell him, ‘cibo,’ OK?”
Hindi sumagot si Levi kaya natawa na lang si Vito sa sarili at ginulo ang buhok ng bata.
“Io andrò ora. Prenditi cura del piccolo uomo,” (I will go now. Take care of the little man) saad ni Vito kay Giuseppe pagkatayo nang maayos.
“Sì, sì, mi prenderò cura di lui. Sbrigati ora,” (Yes, yes, I will take care of him. Hurry up now) senyas ni Giuseppe kay Vito na umalis na.
“A dopo, Levi!” (See you later, Levi!) kaway ni Vito kay Levi at tumakbo na paalis.
Pagkauwi ni Vito ay sinabi sa kaniya ni Giuseppe na hindi kumain si Levi buong araw kaya dumiretso siya sa kuwarto ng bata.
BINABASA MO ANG
Rewrite The Stars
Teen Fiction[SMUG Series #2] Theodore King is the only child of a multi-billionaire businessman and is expected to be the heir of his father. But what happens when he refuses to take the path his parents made for him? Will they let him slip away from their grip...