FOURTH
“Venus, meet Lucas,” sabi ng direktor kaya napatingala si Rai sa matangkad na lalaki sa harap niya. He has this luminous blue-black hair and deep brown eyes that would drown anyone who would dare to stare at it.
Napalunok si Rai bago iabot ang kamay niya. “Nice to meet you, I’m Venus Frias.”
Bahagyang ngumiti ang binata bago nakipag-kamay. “Lucas Del Fierro.”
When Rai heard those three words, she froze.
Is he the Lucas Del Fierro? Levi’s brother?
Napatitig si Rai sa mga mata ng binata na nagpapahayag ng kagalakan. Habang unti-unti siyang nalulunod sa mga matang ito ay nakita niya ang maliit na parteng tinatago nito sa likod ng masasayang tingin. All of these... are nothing but his facade. He’s wearing a mask that cannot be seen easily. You have to stare deeply into his soul to see what’s real within him.
As a person who was locked out of the world, forced to put on a smiling mask whenever there are other people around, forced to please everyone, and groomed to be the perfect person everyone wished to be; Rai knows exactly the things that are done forcibly when she sees one. And for the case of Lucas Del Fierro, she is certain that he’s the same.
“He got the role for Aladdin. I hope you two get along,” said the director.
May iba pang sinabi ang direktor pero hindi na napagtuonan ng pansin ni Rai ang mga iyon dahil nakatanggap siya ng text mula kay Venice.
Pagkatapos ng sandaling meeting ay dumiretso agad si Rai sa fast food chain malapit sa campus kung saan nakikipagkita si Venice. Maraming tao at halos walang maupuan maliban na lang sa mga tig-iisang upuan na nakadikit sa pader kaya sa mga ‘yon dumiretso ang dalaga para umupo at maghintay.
Wala pa siyang ilang minutong nakakaupo ay may umupo sa tabi niya at nakita niya si Venice. Tiningnan siya nang mabuti ng babae bago nito ibinaba ang tingin sa buong katawan niya na tila ba sinusuri nito ang kabuoan niyang itsura ngayon.
“May gusto ka bang kainin?” Venice finally asked after the intense scanning of Rai’s whole body.
“Wala naman,” sagot ni Rai. Napatingin siya kay Venice nang pasimple itong mag-abot ng card.
“What’s this for?” Rai asked with her right brow raised.
Dalawang beses pa lang niyang nagamit ang card ni Venice na binigay nito sa kaniya noong maglayas siya dahil sinabihan siya ni Levi na matuto siyang magtrabaho. Noong una ay hindi talaga madali pero nasanay na rin siyang gastusin lang kung ano ang pinaghirapan niya. Isa pa, hindi marangya mamuhay si Levi na nagaya na rin ni Rai kaya hindi talaga sila masyadong magastos.
“Gamitin mo ‘yan. Pasensiya na at natagalan dahil mahirap makaalis sa galamay ng tito at tita mo,” sagot ni Venice at nilagay ang card sa kamay ni Rai.
“Venice,” tawag ni Rai pero hindi siya tiningnan ng kausap bagkus ay nanatili itong nakatitig sa card na nasa kamay niya na hawak-hawak pa rin nito.
BINABASA MO ANG
Rewrite The Stars
Teen Fiction[SMUG Series #2] Theodore King is the only child of a multi-billionaire businessman and is expected to be the heir of his father. But what happens when he refuses to take the path his parents made for him? Will they let him slip away from their grip...