CHAPTER 8: MEMORIES

6.8K 277 6
                                    

Vince's P.O.V.

Unti unti akong nagmulat ng mga mata nang magkaroon na ako ng malay. Hindi pa man nakakapag-adjust ang mga mata ko sa pagkakagising ay nanlaki ang mga ito nang makita ko ang sarili kong hubo't hubad na nakahiga sa kama. Paanong nangyari ito?

Sinubukan kong bumangon pero nagtaka akong hindi ko maigalaw ang mga kamay ko. Teka, nakaposas ang mga ito sa headboard sa bandang taas ng ulo ko. Nagulat din ako nang maramdaman kong nakakadena rin ang mga paa ko sa magkabilang side ng bedpost sa mismong paanan ko.

"Fck!"

Napamura ako sa nasaksihan ko. Alam kong kagagawan na naman 'to ng gagong Lucas na iyon. Argh! Hanggang kailan ba siya titigil? Pilit kong binabawi ang kamay ko na akala mo nama'y may pag asang matanggal mula sa mga posas na ikinabit niya mula rito.

Napatigil ako nang biglang bumukas ang pinto. Tumalim ang tingin ko sa kaniya nang makita kong siya ang pumasok.

“Gising ka na pala. Komportable ka ba sa posisyon mo ngayon?” tanong niya na nagpadagdag lang ng inis ko.

“Tanggalin mo ito, hayop ka!” sigaw ko sa kaniya.

Nakita kong may inilapag siyang isang itim na box sa may sofa pero hindi ko makita kung ano ang laman n'on.

"And why should I?" he said, which caused me to grit my teeth.

“Sabi nang tanggalin mo ang mga 'to, demonyo ka!” ulit kong sigaw pero sadyang hindi niya ako pinapakinggan. “Ano bang kasalanan ko sa 'yo, ha? Sino ka ba kasi talaga at ginagawa mo sa akin 'to? Bakit ako?” medyo naiiyak na saad ko sa kaniya. Tumingin siya sa 'kin nang walang kahit na anong emosyon sa mukha niya.

“Hanggang ngayon ba ay hindi mo pa rin maalala kung bakit 'to nangyayari sa 'yo? Kung sino ako sa iyo? Kung bakit ko 'to ginagawa? .. O ayaw mo lang talagang alalahanin ang lahat ng nangyari sa nakaraan?” ani'ya dahilan para tuluyan nang bumagsak ang mga luhang kanina pa nagbabadyang bumagsak.

Ang mga ala alang kinalimutan ko na itinuring kong isa sa mga pinakawalang kwenta at pinakamasamang panaginip ay bumalik sa aking gunita.

Bakit? Bakit pa 'to kailangang mangyari? Ngayong nakalimutan ko na siya at nakapag move on na ako.

For me, he is already dead.

.

.

.

FLASHBACK. 3 YEARS AGO. Freshmen year.

Nasaan na ba kasi si Stephen? Sabi niya hihintayin niya ako. Mamaya na ang flight namin papuntang Germany. Galit ba siya na aalis ako? Hays, sana nga hindi ko na lang sinabi sa kaniya ang tungkol do'n. Si Lucas naman kaya? Matawagan na nga lang.

Matapos kong i-dial ang numero niya sa cellphone ko ay nag ring din ito agad. Pero ilang minuto na ang nakalipas sa pagri-ring ay hindi pa rin niya sinasagot. Ano bang nangyari sa dalawang iyon?

Hindi pa rin kasi alam ni Lucas na aalis na ako papuntang ibang bansa. Doon ko na lang daw kasi ipagpatuloy ang pag aaral ko hanggang sa makatapos ako sa kolehiyo. At ngayon na rin ang tamang panahon para malaman niya ang tungkol doon.

Pasukan ng first year college nung makilala ko si Lucas. Napakabait niya noon sa akin kahit na ngayon lang niya ako nakilala. Hanggang sa nalaman kong may gusto pala siya sa 'kin. Sa totoo lang ay straight naman talaga akong lalaki at marami na akong naging ex na babae pero iba ang naipadama ni Lucas sa akin. Natuto akong magmahal sa kapwa ko lalaki dahil sa kaniya. Kaya hindi rin nagtagal, dahil na rin sa pagiging sweet at gentleman niyang tao ay nahulog na rin ang loob ko sa kaniya. At si Lucas ang unang naging boyfriend ko.

Mag iisang buwan na kami nang may malaman ako mula sa kaniya. Hindi ko ito in-expect kaya gano'n na lang ang pagkadismaya ko no'ng sabihin niya sa akin ang tungkol do'n.

“Vince, samahan mo naman ako oh,” sabi niya sa akin matapos ang klase namin ng hapon na iyon. Mag-uuwian na rin kasi nang mga oras na iyon kaya habang tumatagal ay kumokonti na rin ang mga estudyante sa paligid.

“Saan naman?” tanong ko. Napakunot noo ako dahil sa inakto niya. Para siyang naiihi na parang ewan. Hindi siya mapakali at sobrang nagpapawis.

“S-sa CR. N-naiihi ako,” nauutal na sambit niya. Mas lalong kumunot ang noo ko.

“Bakit ka pa magpapasama? Kaya mo na iyan!” aktong aalis na sana ako nang hawakan niya ang braso ko.

“Sige na, please?” Napabuntong hininga ako. Kung hindi ko lang 'to mahal eh.

“Fine.” Ngumiti siya nang pumayag ako.

Sinundan ko siya sa may CR ng panlalaki at agad din kaming pumasok. Nauna akong pumasok sa kaniya kaya nagulat ako nang marinig kong ni-lock niya ang pinto mula sa loob.

‘Bakit mo pa sinarado?” nagsimula na rin akong kabahan dahil kanina ko pa siyang napapansin na ang weird ng mga kilos niya.

Lumingon siya sa akin nang nakangisi.

“Akala ko ba naiihi ka?” tanong ko. Kahit na ramdam ko ang kaba sa dibdib ko ay hindi ko iyon pinahalata sa kaniya.

“Hindi, biro lang iyon. Ang totoo niyan, gusto lang talaga kitang ma-solo ngayon,” makahulugang sagot niya.

“Lagi na nga tayong nag-uusap at nagkakasama sa klase eh. Hindi pa ba sapat ang mga iyon? Tapos gabi gabi pa tayong nag-uusap sa telepono,” sabi ko.

“Ang ibig kong sabihin ay yung kasama kita .. iyong tayong dalawa lang,” saad niyang lumakad palapit sa akin.

“Alam mo, nagugutom ka lang 'ata eh. Halika na, labas na lang tayong dalawa. Libre kita,” pagi-iba ko pero ngumiti lang siya.

“Nagugutom ngang talaga ako eh. Kanina pa. Tsaka may libre na, nasa harap ko na nga ang pagkain ko eh.”

Nanlaki ang mga mata ko nang sambitin niya ang mga 'yon.

“Baliw,” natatawang sabi ko pero may bahid pa rin iyon ng kaba. “Labas na nga tayo. Kung ano anong sinasabi mo diyan. Ang init rin dito.” Humakbang ako papuntang pinto pero bigla siyang sumigaw.

“NO! Walang lalabas!” may pagbabantang sigaw niya at biglang sumeryoso ang mga tingin sa akin na nagpadagdag lang sa kaba ko. Mukhang may mali. May nararamdaman akong mali dito.

Noon ko lang siya nakitang sinigawan ako ng gano'n.
“Ano bang problema mo?” inis na tanong ko. Pero imbes na sagutin niya ako ay bigla niyang higitin ang bewang ko at sinakop ang mga labi ko.

Nagulat ako roon dahil iyon ang unang beses at pagkakataon na ginawa niya sakin iyon. Kaya natural lang na itinulak ko siya dahil sa pagkabigla.

“What are you doing?” gulat na tanong ko habang pinupunasan ang bibig ko gamit ang likuran ng kamay ko.

Hindi rin niya inaasahan ang naging reaksyon ko.

“Kissing you," literal na sagot niya. "I kissed you like I've always wanted to do,” sagot niya. “Noon pa ako nagtitimping gawin iyan, ngayon lang talaga ako nagkaroon ng lakas ng loob,” dugtong pa niya.

Hindi ako nakasagot sa mga sinabi niya.

“What?”

“Please, Vince. Pagbigyan mo na ako ngayon kahit ngayon lang,” pakiusap niya. Parang hindi ko na nakikita ang Lucas na kilala ko sa kaharap ko ngayon.

Alam kong may respeto siya kaya naniwala ako sa kaniya, pinagkatiwalaan, pero wala sa isip ko ang ganitong pwedeng mangyari. Isa pa, we're too young for this. And .. I'm still not prepared to begin this phase of my relationship with him. The physical touch between two males - sexual relations. Even the kiss is too much for me.

“Hindi. Hindi ito tama, Lucas,” sagot ko. Muli ay nakita kong nagseryoso ang mukha niya. “Mahal kita pero hindi ako papayag na may mangyari sa ating dalawa ..

.. I'm sorry, hindi ko maibibigay ang nais mo.”

THE POSSESSION: YOU'RE MINE - [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon