CHAPTER 29: JEALOUS

4.4K 169 9
                                    

Vince's P.O.V

Unti unti nang nagiging maganda ang kalalabasan ng mga plano ko. Hindi lang ako ang magsasaya at magcecelebrate kundi kaming dalawa ni Keith. Lalo na kapag naging ok na ang lahat.

Flashback.

Pagkatapos ng naging away naming iyon ni Vince 3 years ago ay lihim ko siyang sinundan sa bahay nila.
Nagtago ako sa kotse ko na ipinark ko malapit sa kanila at nakita ko ngang may dala silang malalaking bag. Totoo ngang aalis na siya papuntang ibang bansa.

Hindi man lang kami nagkalinawan bago sya umalis. Pinanood ko sila hanggang sa tuluyan nang umalis ang kotse nila papuntang airport.

Hindi ko na sila sinundan pa. Mas lalo lang akong mangungulila pag nakikita ko syang lulan na ng eroplano.

Tahimik akong umiiyak nang makuha ng atensyon ko si Stephen na umiiyak rin na nakatanaw sa sarado nang nahay nina Vince. Nagtaka ako. Oo, kaibigan sya ni Vince pero bakit ganoon na lang ang reaksyon nia?

Napansin kong may isang lalaki ang lumabas rin sa bahay nina Stephen. Nagulat ako nang higitin nung lalaki ang braso niya at may isinisigaw. Nasasaktan ang naging reaksyon ni Stephen at kapansin pansin din ang takot nito sa mukha niya.

Binaba ko ng konti ang bintana sa gilid ko para marinig ang naging pag uusap nila.

"Sino ba kasi talaga yung lalaking yun sau ha, Stephen? Wala na nga siyang pakealam sau kanina, iiyakan mo pa. Buti nga sana patay na yun para may dahilan ka pa para iyakan sya!" Sigaw nung lalaki kay Stephen.

"Ano bang pakealam mo sa nararamdaman ko kuya Keith--"

Napangiwi ako nang makita kong isang sampal ang nagpatigil sa sinasabi ni Stephen.

"Sige, isang kuya pa, malilintikan ka na talaga sakin." Galit na sigaw nito sa kanya.

"S-sorry Ku--..Keith." Humihikbing sabi ni Stephen.

"Simula ngayon, ayoko nang makitang kinakausap mo yung lalaking yun ha, pag nalaman kong kino-kontak mo pa rin sya, tatamaan ka talaga sakin." Sigaw nito bago binitiwan at iniwang luhaan sa labas.

Sino yung lalaking yun? Kapatid ni Stephen? May kapatid pala syang lalaki? Pero bakit syaw naman niya yatang tawagin siyang 'kuya'? Psh. Makaalis na nga lang.

Makaraan ng dalawang linggong hindi pag usap kay Vince at hindi pagkita kay Stephen ay parang tumahimik ang mundo ko. Ni wala rin naman akong balita mula sa kanila.

Hanggang sa nagyaya ang mga barkada kong gumimik sa labas. Pumayag na rin ako para makapagliwaliw saglit.

Nag inuman kami sa bar at inabot kami ng magdamag doon. Habang nagsasayaw sa dancefloor ang mga tropa ko, nakaupo lang din naman ako sa isang gilid habang umiinom.

Napadaan ang tingin ko sa isang pamilyar na lalaki. Nag iisa ito sa may bar counter at halatang lasing na rin ito. Dahil nga mag isa lang ako sa pwesto namin at walang kausal ay naisipan kong tumabi sa lalaki.

"1 beer please." Order ko sa bartender.

Napatingin ako sa katabi ko.

"Mukhang may pinagdadaanan tayo pare, ah?" Sabi ko rito sabay inom ng alak.

"Wala. Pagod lang." Sagot nito sakin.

"Uhm..di ba may kapatid ka?" Pag iiba ko ng usapan

"Wala akong kapatid." Sagot nito na ikinakunot ng noo ko.

"Di ba kapatid mo si..si Stephen?" Tanong ko ulit na ikinalingon nia sakin.

"Kilala mo sya?" Malamig na tanong nia sakin.

Kung mapapansin parang mas matanda siya ng dalawa o tatlong taon kaysa sa akin. Mas matangkas din sya sakin ng konti.

"Ahh..schoolmate." Sagot ko. Pero bago sya nagsalita ay lumagok muna sya ulit ng alak na hawak nia.

"Psh. Di ko kapatid yun. Di ko naman kadugo." Sabi nia na nagpagulat sakin.

"Kaya ba ayaw mo syang tinatawag ka ng 'kuya'?" Tanong ko na ikinatingin nia sakin ng seryoso na parang nagtatanong kung bakit ko nalaman.

"Ahh..n-nakita ko kasi kayo minsan, n-nag aaway tas natawag ka nia ng 'kuya', tas nagalit ka." Dugtong ko. Para kasi syang kakain sa itsura nia.

Narinig ko syang napabuntong hininga.

"Hindi naman dahil dun eh."

Hindi ako nagsalita at hinintay lang syang magsabi.

"Ayokong ituring siyang kapatid. Ayokong ituring sya bilang kapatid lang." Nagulat ako sa sinabi nia.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Gusto ko sya. Gustong gusto ko sya. Hindi ko alam pero simula nung ipakilala sya sakin ni Mama, iba na agad ang pakikitungo ko sa kanya. Nagagalit ako pag tinatawag nia ako ng 'kuya' kasi ayokong isipin na kapatid lang ang turing nia sakin. Na hanggang kapatid lang." Mahabang sabi nia.

"Minsan nga nasasaktan ko sya kahit ayaw ko naman talaga." Dugtong pa nia.

"Bakit?"

"Nagseselos ako. Nagseselos sa kaibigan nia."

"Sino naman?"

"Si Vince."

...

THE POSSESSION: YOU'RE MINE - [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon