CHAPTER 2: KISS

11K 370 28
                                    

Vince's P.O.V.

"Lucas, ayoko na sa iyo! Umalis ka na! Ayoko nang makita iyang pagmumukha mo kahit kailan!" sigaw ko sa kaniya habang pilit kong binabawi ang pagkakahawak niya sa braso ko.

"Vince, please let me explain. Kung ano man ang nakita mo, nagkakamali ka. Please. I'm sorry," umiiyak na sabi niya. Halos lumuhod na siya sa harapan ko para lang humingi ng kapatawaran mula sa akin pero hindi ko siya pinakinggan.

Bagkus ay hinila ko ang kamay ko mula sa kaniya at malakas na sampal ang pinadapo ko sa kaliwang pisngi niya.

"I will never EVER forgive you Lucas. You just cheated on me. Kitang kita ng dalawa kong mata at ang masaklap ay sa mismong bestfriend ko pa," sabi ko habang pumapatak na rin ang mga luha mula sa mga mata ko.

Hindi siya nakakibo sa sinabi ko.

"I don't want to see your fucking face again .. and I don't love you anymore." Tumalikod na 'ko sa kaniya pero muli akong nagsalita. "I'm flying to Germany tomorrow and I'll never going back here, so you should start to forget me," dugtong ko at nagsimula na akong maglakad paalis.

Nakakadalawang hakbang pa lang ako nang marinig ko siyang magsalita.

"The truth is .. I didn't love him. All we had is pure sexual affair. And we both agreed to that," simula niya kaya napatigil ako sa paglalakad pero kalauna'y nagpatuloy rin ako agad at hindi na siya pinansin pa. Unti unting bumuhos ang luha ko. Kailangan kong gawin to for the two of us. Para wala nang mas mahirapan sa aming dalawa dahil kung talagang mahal niya ako, hindi niya magagawa iyon sa akin.

"You are the only one I loved Vince. Even if you'll leave me, I'm willing to wait for you to come back. Once I already found you, I'll make sure I will never let you go. I'll make you mine. Remember that. I'll make you mine ..

.. make you mine ..

Napadilat ako bigla at puting kisame ang tumambad sa harapan ko. Teka-- ano iyon? Tsaka ko lang na-realize na panaginip lang pala ang senaryong iyon ng utak ko. Pero, ano ang ibig sabihin ng panaginip kong iyon? Parang totoo na hindi. Hayy, ewan. Bahala na. Panaginip lang naman iyon.

Wait .. L-Lucas? Hindi ba't siya ang dumukot sa akin? Bakit ko siya napanaginipan at sa ganoong sitwasyon pa?

Doon ko lang napagtanto na nandito pa rin pala ako sa kwarto kung saan ako kinulong ng sira-ulong iyon. Humanda siya kapag nagpakita siya sa akin, mapapatay ko siya! Hindi na rin ako nag abala pang buksan ang pinto dahil alam kong naka lock din naman ito. Kung hindi man, sigurado akong nasa paligid lang siya at alam ko naman sa sarili kong imposible pa ring makatakas ako dahil sa wala akong laban sa kaniya. Sumilip ako sa may bintana, gabi na pala.

Bumangon ako at nakaramdam ng pananakit ng buo kong katawan lalo na sa bandang puwetan ko. Ang hapdi kapag umuupo ako!

That fucker! ARGGHH! Hayop talaga siya! I remembered, he drugged me this morning and he just raped me. Yes. He raped me. He's really a demon! A sexually perverted demon!

Pinilit ko pa ring tumayo kahit paika-ika na akong maglakad at nagtungo sa C.R. para maligo. Kailangan kong tanggalin ang kababuyan at kalaswaan na ginawa ng lalaking iyon sa akin-- oh, no, scratch that, correction-- a gay. Lalaki ako at pinatulan niya ako kahit alam niyang pareho kaming may bayag. Isa pa, hindi ko siya kilala! Ngayon ko lang siya nakita. I don't even know why he's doing this to me.

Habang nakababad ako sa bath tub na puno ng maligamgam na tubig ay bumukas ang pinto ng banyo kaya napabalikwas ako dahil sa pagkabigla. Nakalimutan ko palang i-lock kanina. Stupid, yeah, that's me.

Namilog ang mga mata ko nang makitang ang Lucas na iyon ang pumasok at kapansin pansin rito ang pag aalala sa mukha niya.

"W-WHAT ARE YOU DOING HERE! GET OUT!" inis na pagtataboy ko sa kaniya nang makita niyang wala akong saplot na nakababad sa tub.

Ngumiti siya. Bigla akong kinabahan nang makita kong dahan dahang siyang naglakad palapit sa akin.
"You look amazing with having such a beautiful body," sabi niya pa pero bago pa man siya tuluyang makalapit ay binuhusan ko na siya ng tubig.

"I SAID GET OUT, YOU PERVERTED MANIAC!" sigaw ko ulit pero tumawa lang siya at umatras ng kaunti hanggang sa may doorframe.

"Ok. Ok, fine." Ngumisi siya sa kin. "I'll just wait you outside," dugtong niya bago siya tuluyang lumabas ng pinto na siyang dahilan ng pagtalim ng tingin ko sa kaniya.

"ISARA MO ANG PINTO!" pahabol ko pero hindi niya ako pinakinggan pa. Jerk.

Pagkatapos kong maligo at magtoothbrush ay nagtapis na ako ng tuwalya bago tuluyang lumabas ng pinto. Nakita ko siyang nakaupo sa may sofa katabi ng kama habang nagbabasa ng magazine 'ata iyon. Inirapan ko lang siya nang mapansin kong lumingon siya sa direksiyon ko.

"Nasaan ang mga isusuot ko?" masungit na tanong ko sa kaniya pero wala akong natanggap na sagot dahil agad rin siyang bumalik sa pagbabasa. Hindi na rin siya nag-abala pang lingunin ako dahil tutok siya sa magazine na nasa harap niya. Anong ine-expect mo Vince, aabutan ka niya ng damit? Remember, you are his victim - his target prey. Ano ka, may special treatment? sulpot ng isip ko. Tss. Damn you!

Dumiretso na lang ako sa nag-iisang cabinet na nandito sa kwarto at binuksan iyon. Nakita kong puro longsleeve polo lang ang naroon. Underwear o slacks ay wala man lang ni kahit isa. Punyeta naman oh! Anong gagamitin ko!?

"Hoy lalaki! Nasaan ang mga isusu--" Lumingon ako sa kinaroroonan niya kanina para sana tanungin kung nasaan ang hinahanap ko pero laking gulat kong nasa likod ko na pala siya.

Napangiwi ako nang bigla niyang ibalibag ang kaliwang kamay niya sa pinto ng cabinet sa gilid ko at inilapit ang mukha niya sa akin. Napaatras ang ulo ko pero sinadya niyang mas ilapit pa ang sa kaniya.

Bumaba ang tingin niya sa mapula pulang labi ko kaya napalunok ako. Masama na 'to. May masama na naman siyang binabalak.

Bago pa man niya magawa ang mga pinaplano niya ay pipigilan ko na siya. Kaya malakas kong tinulak ang dibdib niya pero hindi pa man ako nakakalayo ay mabilis rin niyang nahablot ang braso ko at malakas na itinulak pabalik sa pwesto ko kanina.

"Awwhh!" daing ko dahil tumama ang likod ko sa handle ng pinto ng cabinet. "What the fu--" hindi ko na naituloy pa ang sana'y sasabihin ko dahil agad niya na 'kong hinalikan sa labi.

Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Sinusubukan ko siyang itulak pero hinawakan lang niya ang mga iyon ng mahigpit and he pinned them into the cabinet door. Here we go again!

"Mmph -- ah!" Impit na sigaw ko mula sa mga halik niya.  Mapusok ito at marahas. Hindi ako makaiwas. Nagulat ako nang ipasok pa niya ang dila niya sa loob ng bibig ko. Pilit kong hinihila ang kamay ko pero sobrang lakas niya. "Lucas," mahinang daing ko. "Please. Stop it," pagmamakaawa ko lalo na nung bumaba ang mga halik niya sa leeg ko, pero hindi niya ako pinakinggan. Tila may kung anong kuryente ang naramdaman ko mula roon. Pagkalipas no'n ay sinakop niyang muli ang aking mga labi.

"Ow!" sigaw niya na agad rin humiwalay sa mga labi ko. Hah. Kinagat ko lang naman ang ibabang labi niya nang matigil na. Napansin kong dumugo iyon at alam kong nalasahan pa niya. Siguro naman ay matututo na siya sa ginawa ko para hindi na niya yun uulitin pa.

Atleast, that was what I thought until he looked at me with a smirk on his lips.

I'm doomed.

...

THE POSSESSION: YOU'RE MINE - [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon