Chapter 24: It's Gregory

33 10 0
                                    

Zach's POV:

Minsan talaga ay hindi ko maintindihan kung paano gumana ang isip ng isang Foster. He must've told me earlier na binihag si Martin Gonzales para ipain kay Athena Rei.


Maingat akong pumasok sa abandonadong gusali, ito yata ang bagong kuta ni Brix, mukhang natunugan na niya na may kakaiba kay Foster kaya't bumubukod na ito at nagsasarili sa kabaliwan niya.


'Wag kang mag-alala, he is too dumb. Kinausap ko siya kanina at sinabi niyang buhay pa ang bihag.....'


Lintik Foster, alam mong nasisiraan na ng bait ang Brix na yun! Sana ay maabutan ko pa.


I immediately hid, naglalaro ng baraha ang mga tauhan ni Brix. Mabuti na lamang at alam ni Foster ang bawat galaw ni Brix, he knew that tonight, Athena and Brix will be in the Rigor Org Auction. Galawang psycho, isang daang porsyento daw siyang sigurado sa mga mangyayare ngayong gabi.


Nang malamang kaunti lamang ang mga bantay ay agad na akong nagpakita sa mga tauhan.


"Konbanwa...." agad silang napalingon sa direksiyon ko.


"Anong ginagawa mo rito? Paano mo nalaman ang bagong kuta ni Boss?" takang tanong ng lalaking namumuno sa grupo.


"It's none of your business to know....."


Agad kong pinaputukan ng baril ang mga tauhan ni Brix, masyado silang mabagal kaya't madali kong napatumba ang lahat maliban sa pinuno nilang tumakas at tumakbo palabas ng kuta.


"S-sino ka?"


Napaharap ako kay Martin na ngayon ay nanginginig habang nakatingin sa akin. Hindi nga naman niya ako makikilala dahil sa mask na suot ko.


"Ako lang naman ang superhero na magliligtas sa iyo...." pagmamayabang ko.


Kung sana ay babae ito ay siguro nainlove na ito sa akin gaya ng mga napapanood sa hollywood movies.

"N-nagkakilala na ba tayo? Bakit parang nagkita na tayo noon"


Mabilis kong kinalagan ang mga tali at inalalayan siyang makatayo at makalakad. We need to hurry at baka magtawag pa ng kasama ang duwag na tumakas.


Hindi ko na sinagot ang mga katanungan niya. Nang makarating sa labas agad kong hinanap ang lalaking iyon and fortunately ay nakita ko itong may kausap sa cellphone....



"Boss, n-nakatakas po ang bihag...."


"Bigla na lamang hong pumasok si Zach at pinagbabaril ang m-mga kasama ko at pinakawalan ang b-bihag"


Agad kong pinapasok si Martin sa loob ng sasakyan ko at dali daling pinuntahan siya. Masyado siyang madaldal..


"I-isa ho sa mga tagasunod ni F---"


Agad kong binaril ang lalaki bago pa man ito makapagsalita. Masyado na siyang maraming nalalaman, kailangan nang patahimikin.


As fast as lightning, my mission has accomplished.



#############|| EDLH ||#############


At dahil hindi pamilyar sa akin ang pasikot sikot ng Labyrinth Garden na ito, naging mahirap sa akin ang makatakbo at makahanap ng lugar na pagtataguan.

ELUDING DARKNESS: Luxvell High ✓Where stories live. Discover now