Ice' POV
Kasama ko ngayon si Papa dito sa isang amusement park. Ang weird lang dahil sinama din niya ang buong barkada pati ang magulang nila.
"Oh mag-enjoy lang kayo! Ako bahala sa lahat aa! Alam kong medyo matagal din kayong hindi nagsama sama kaya naman, eto lang ang naisip naming dahilan para magkasama sama kayo ulit at mapag-usapan niyo ang di niyo pagkakaunawaan." saad ni Papa.
Mga ilang araw na din kasi akong napahiwalay kina Job dahil nahihiya ako sa kanila. Akala ko kasi galut sila sakin, kaya hindi ko sila kinikibo o pinapansin lalo na pag nagkakasalubong kami sa labas.
Nung minsan nga tumambay ako sa tambayan. Susubukan ko sana silang kausapin kaya naghintay ako sa kanila. Nang matanaw ko sila, alam kong nakita na nila ako nun, pero bigla silang nag-iba ng daan. Kaya naisip ko na baka nga galit talaga sila sakin.
Kinausap din ako ni Papa nung araw na yun. Napapansin daw kasi niya na para daw akong palaging mag-isa. Hindi ko sinabi ang totoo sa kanya pero nakalimutan ko na magkakaibigan din ang mga magulang namin kaya sila ang kinausap ni Papa.
At eto nga. Eto ang naisip nilang paraan para mapag-ayos kami. Si Papa ang nanguna sa pamamasyal na ito.
Natutuwa ako dahil simula nang maging maayos kami ay talagang nararamdaman ko na mahal na mahal niya ko. Pinaliwanag niya sakin ang lahat. Kung paano niya nagawa ang mga bagay at desisyon niya noon about kay Mama. Noong una ay di ko pa dib masyadong matanggap pero narealize ko na ano pa nga ba magagawa ko ee nangyare na yun. Kung aalagaan ko pa din ang sakit at galit na naramdaman ko kay Papa, malamang habang buhay kong dadalhin yun.
Tiningnan ko si Papa sa di kalayuan, at muling nanumbalik sa akin tungkol sa sakit niya. Kung titingnan siya ay parang wala siyang sakit pero alam ko na nahihirapan din siya. Nung minsan nga ay nakita ko kung paano nanikip ang dibdib niya, hindi ko siya mapuntahan dahil pag ginawa ko yun, malalaman niya na alam ko na ang tungkol sa sakit niya.
Minsan nga ay gusto ko na siyang tapatin na alam ko ang tungkol sa kalagayan niya kaya lang ayoko na dagdagan pa ang pag-aalala niya. Baka makasama din yun sa kalusugan niya.
"Tol pasensya na sa inasal namin sayo, sorry din kung nasabihan ka namin ng di maganda. Pasensya na din kung iniwasan ka namin." biglang sabi ni Job habang nakatingin ako kay Papa.
"Aa yun ba? Kalimutan niyo na yun. Wag niyo na isipin yun. Magpakasaya na lang tayo ngayon at isipin na parang walang nangyare tutal yun naman ang gustong mangyare ng mga magulang natin." sabi ko sa kanila na ikinagulat nila. Siguro akala nila galit ako. Nung una galit talaga ako pero kaibigan ko sila ee. Mas magandang patawarin at kalimutan na lang kung ano man yung ginawa nila sakin kesa masira pa yung pagkakaibigan namin. Isa yan sa mga narealize at tinuro sakin ng Papa ko.
"O ee ano pa hinihintay natin dito? Tara na at magpakasaya!" sigaw naman ni Zeke.
Ganoon nga ang ginawa namin. Magkakasama ang magulang namin at nagkkwentuhan sa isang restaurant dito sa loob ng amusement park. Minsan ay pumupunta kami dun at nagpapahinga o di kaya naman ay kumakain. Si Papa ang sagot sa lahat ng gastos.
"O nak! Gutom ka na ba? Gusto mo na ba kumain? Anong gusto mong kainin, ako na ang oorder para sayo." tanong ni Papa.
"Papa naman! Dito na lang kayo at ako na ang bahala sa kakainin ko. Penge na lang po ng pera. Hehe!" sabi ko.
"Osya sige. Eto ang pera at kumain na kayo ng barkada mo." sabay abot ng pera.
"Ayun oh! Tipid! Salamat titoooooo!!" sagot naman ng barkada.
Binigay ko sa barkada ang pera at sinabihang sila na ang bumili ng pagkain namin. Paalis na ako sa pwesto nila Papa nang marinig ko ang pinag-uusapan nila.

BINABASA MO ANG
A Father's Story [Completed]
RandomA man who endures all the pains and sacrifices is called a Father. Ang isang ama ay ang haligi ng tahanan. Siya ang may pinakamabigat na responsibilidad sa loob ng isang tahanan. But for me? nah~ I hate my father! I really do! Bakit? Siya ang dahila...